BAKIT MAY RESPETO AKO KAY PANGULONG AQUINO?

Aquino abscbnTranslation of Joe’s Jan 20 blog by Dee. Further editorial suggestions are welcome.

Walang perpektong presidente. Kailanman ay walang isa, magpakailanman wala kahit isa. Maaari nating banggitin ang mga Pangulo na sa pangkalahatan ay nagkamit ng mataas na alang-alang ng mga tao, at ang mga iba pa na tumanggap ng mababang pagsasa-alang-alang ng sambayanan.

Paano mo susuriin si Presidente Aguinaldo, yan ang tanong ko? Nararapat siyang dakilain dahil sa kanyang adhikain na ang Pilipinas ay maging malaya, pero siya ay may paniniwala sa malupit at makahayop na pilosopiya ng diktaturya.

Karamihan sa mga Amerikano ay mataas ang tingin kay George Washington at Thomas Jefferson.  Ngunit huwag kang humukay ng masyadong malalim sa kanilang pribadong buhay dahil makakahanap ka ng mga bahid sa kanilang pagkatao.

Iyong manggagantsong pangulo ng Estados Unidos na si Nixon ay hinangaan ng mundo dahil sa kanyang pakikitungo sa China. Ang walang saysay na si “Jimmah” Carter mas marami pang nagawa noong umalis sa pagka-pangulo kaysa nuong nasa opisina siya bilang pangulo. Habitat for Humanity, narinig mo na ba yan? Si Ronald Reagan ay mas nakilala dahil sa mga epekto ng kanyang mga ginawa sa opisina sa buhay ng mga Amerikano ngayon. At ang pinakahinangaan na pangulo, na binaril ng asintado, na si JFK ay isang malibog na babaero. Si Bill Clinton ay isang matalinong politiko at presidente pero hinusgahan din dahil sa kanyang pagkakamali.

Paano natin titimbangin si Pangulong Aquino? Paano kaya isusulat ang kanyang kasaysayan? Paano kaya siya hahatulan ng madla bukas?

Maraming kritiko ang hindi naniniwala sa kanyang kasikatan sa mga talaan. Tulad ng aking nabanggit sa isang kamakailang blog, ang kumakatawan sa Pilipinas ay ang “kultura ng mga pintas”. Ang anumang mali sa partikular na gawa ay ginagamit na patunay na may lamat ang buong pinagsumikapan. O kaya naman, ng buong tao. Si Pangulong Aquino, ay aktibong pangulo na nagsusumikap na harapin at lutasin ang mga problema ng bayan.

Sino ang may gustong maging pangulo at walang takot sa pamantayan ng isang trabaho na sobra sobrang kumplikado?

Sa ko tingin ko dapat nating kaawaan ang sinumang presidente at bigyan ng kaunting lubay. Alam ba ninyo ang terminong “cut some slack”?

Mula sa Urban Dictionary:

“Cut some slack” -“Lubayan ng kaunti” –  ang pariralang ito ay ginagamit upang humiling o magmungkahi ng awa. Upang maawa sa isang tao, o upang maging mapagpatawad.

  • “Lubayan mo siya ng kaunti, dahil siya ay nahihirapan ngayon”
  • “Kaawaan mo ako, dahan-dahan lang habang ako ay natututo”

Upang maging mapagpatawad. O kaya upang makilala na ang pagiging masyadong kritikal ay parang pangungutya. Ito ay hindi mabuti sa bansa kung ang namumuno ay humihina sa dahil sa mga pintas na pumipinsala sa buong sambayanan.

Ano ba itong walang humpay na kailangan ng Pilipino – at ipagpalagay na may lawak – na upang manalo sa isang personal na argumento ay sinasakripisyo ang bansa? Ang mga kritikong gumagamit ng salita na “apologist (tagapagtanggol)” para sa mga sumusuporta sa Pangulo, para bang ang kanyang mga tagatangkilik ay dapat mahiya sa kanilang paniniwala sa kanya. Iyon ay kakaiba sa akin, at ang sinuman na gumagamit ng salitang ito ay dapat agad-agad na paghinalaan. Ito ay insulto at walang kinalaman sa usapan.

At sigurado, ako ay hindi nagsasabi na dapat pigilin ang pintas na mula sa kilos na dapat pintasin. Ang sinasabi ko ay lubayan ang paghusga sa isang larawan – o tao – kung ang batayan ay isang gawa o salita lamang.

Nirerespeto ko si Presidente Aquino sa maraming dahilan, isa rito ay hindi siya tumatangkilik at nakikinig sa mga may mga pakana na manipulahin ang mga pintas. Oh, maaari mong siyang makita na napipikon minsan. Subalit ang kanyang pinaka-kamakailang mga obserbasyon na karapat-dapat na hindi pansinin ang mga kritiko (ang aking pakahulugan sa ibang pangungusap) ay isang magandang halimbawa.

Mga kritiko ng pangulo:

  • Mga organisasyong tulad ng Bayan Muna na hindi kinikilala ang mabuting gawa maliban kung may bakas sa kanilang anti-kapitalistang sayusay ng 1950 at ito ay wumawasak ng mga mekanismo ng kasaganaan. Sinisira nila ang bawat oportunidad at ang kanilang sigaw ay laging malakas pa kaysa sa kanilang awtoridad.
  • Ang alkalde ng Tacloban. Ang tawag sa kanya ng aking anak ay “Whimpy Doodle.” Kung makikinig ka kay alkalde, wala siyang pananagutan, eksaktong walang nangyaring mali sa kanyang lungsod sa kapanahunan at pagkatapos ng Bagyong Yolanda.
  • At ang mga pahayagan, na lasing sa kasarinlan, mababaw na pag-iisip at pagmamalabis, ay instrumento ng ng mga tumutuklas at nagkakalat ng paninirang-puri.
  • At ang mga magnanakaw at timawa na ang layunin ay baligtarin ang tutuo, at ang mga akusador ay inaakusahan na siya ang may kasalanan. May isa pang bungkos na walang pananagutan. Mga walang kahihiyan.

Ito ang mga kritiko na dapat balewalain.

Nirerespeto ko si Pangulong Aquino dahil pinili niya ang responsableng landas, apat na taon na ngayon. Siya ay seryoso at taos-puso at tapat.

Siya ay yumakap sa landas ng integridad.

Hinihingi niya ang pinakamabuti sa iba. Nirerespeto ko siya para duon. Marami siyang hinihingi sa kanyang gabinete, sa kanyang mga tauhan, at mga naglinglingkod sa publiko, at mula sa iyo at sa akin. At alam mo, sa karamihan ng panahon:

Hindi niya tayo binigo.

Tayo ang bumigo sa kanya.

Mas mahalaga ba kaysa sa Pilipinas ang ating makasariling pangangailangan? Nawala na ba ang ating ugnay sa kahulugan ng sakripisyo? Hindi ko naman sinasabi na ialay natin and ating mga katawan sa granada, o lumakad tayo sa patibong.

Mahirap ba yan?

Nirerespeto ko si Pangulong Aquino dahil pinaninindigan niya ang kanyang paniniwala. Hindi siya nanlilinlang o nagpapabago bago ng paniniwala. Kung ang isang sultan ay nangngailangang hampasin, hahampasin niya ito. Kung ang Pangulo ng Taiwan ay sumisigaw at may intensiyon na manguna sa gulo, si Pangulong Aquino ay kalmado. Kung ang Bise Presidente ay pumapapel para tabunan ang Presidente, tatawagin niya ang Bise ng sarilinan at sasabihan niya ito na tumigil sa pamumulitiko.  Kung ang Tsina ay naninira sa kanya, ang kanyang katwiran ay galing sa puso at ayon sa batas ng resolusyon sa pagkakaunawaan.

Kasong Halimbawa:

Bus Massacre: Ang pagsagip ay napurnada. Ang kinalabasan ay mainam. Sinulat ko sa blog na ito ang insidente: “Why Mayor Estrada Is Wrong On Hong Kong”

Gloria Arroyo: Pinakulong niya ng mabilis. Walang patawad. Pero punahin natin ang masyadong mabagal na hustisya.

Chief Justice Sereno: Hindi siya takot na alisin si Chief Justice Corona sa posisyon at pinili niya ang isang junior justice na may integridad para sa kabutihan ng korte sa matagal na panahon.

Ampatuan Massacre: Mabilis niyang kinonpronta at pinakulong ang makapangyarihang warlord. Hindi rin mabilis ang paghusga ng kasong ito.

Gulo sa Malaysia: Matatag ang kanyang posisyon. Kinontrol niya ang kinalabasan at hindi naapektuhan ang Mindanao Agreement.

Barkong Amerikano sa Tabataha: Kalmado siya pero matatag ang posisyon niya na dapat bayaran ang nasira ng barkong Amerikano.

Mangisngisda ng Taiwan: Madiin ang kanyang paniniwala at kalamado siya kahit na masama ang turing at malaki ang galit ng Pangulo ng Taiwan sa kanya kaya hindi na humaba ang usapan.

Tsina sa Teritoryo ng Pilipinas: Sumang-ayon siya sa batas at hindi niya pinatulan ang mga panunuya at pananakot ng Tsina.

Puno at Ibang Loyalista: Tapat din siya. Hindi siya umaayon sa bigat ng puwersa ng sensayonalistang midya.

Bantulot sa FOI: Hindi ko naiintindihan kung bakit hindi niya nakikita na ang FOI ay importante sa magandang pamamahala. Ang FOI ay dapat na ipasa. Yumupi siya sa FOI.

Zamboanga: Nanduon siya, matatag sa negosasyon at ginabayan niya si Bise Binay sa kanyang wala sa linyang pakikialam sa negosasyon.

Negosasyon sa Baseng Amerikano: Matatag ang kanyang paninindigan sa batas ng Pilipinas.

Bagyong Yolanda at ang Komprontasyonal na Meyor: Hindi siya nakipagtalunan sa Meyor at hindi siya pumayag na tangapin ang kawalang kakayahan ng Meyor.

Kunin mo ang isang problema sa taas at ikaw ang lumutas.

Wow. Lahat ay potensyal na mahirap.Ang mapagmatyag na mata ng publiko. Ang pakikitungo sa mga makapangyarihan. Ang paghawak ng problema na maaaring sumabog. Bawat desisyon, kung magsasalita o hindi, kung magpapasya o hindi, tinutuligan ng mga mandaraya at ng mga may galit at ng may masamang balak. Hindi ito laro ng bata.

Ito ay mahihirap at sensitibong paksa. Makahanap kaya tayo ng mali? Sigurado. Pero ang resulta ay ang Pangulo ay pumili ng matatag, ganap, matalino at makabatas na landas. Ang kanyang kamay ay ginagabayan ng matinong isipan, magandang desisyon, matatag na paninindigan at ugaling diplomatiko.

Sa gitna ng kultura ng pintasan. Sa mata ng publiko.

Nirerespeto ko rin si Presidente Aquino dahil sa kanyang personalidad at pag-uugali. Pag wala sa trabaho, karaniwan siyang tao, nanliligaw at may computer at siguro umiidlip din pag may panahon. Pareho kaming lumalakad na parang pilay. Ang ngiti niya ay katulad ng pinsan kong si Maude kapag ang bigkis niya ay masyadong masikip at pag galit siya ang mga mata niya ay nagiging makulimlim o matalim.

Kung siya ay aking kapatid, ipagmamalaki ko siya. Kung ang tatay at nanay niya ay buhay ngayon, maipagmamalaki nila ang kanilang anak na nagmana sa kanilang mataas na moralidad at dalubhasang paghawak ng mga masalimuot na paksa.

Pag pinipintasan siya dahil sa kanyang kapatid, lakad, sasakyan o nililigawan, ang naminmintas ay siyang maliit na tao. Maliit sa pag-uugali. At murang makabayan.

Wala siyang pupuntahan nuong nagkandidato siya bilang presidente. Pumayag siyang magsilbi. Hindi para magpahinga, o pagsilbihan ang sarili o pumapel para sa kanyang pamilya. Nagtrabaho lang siya.

Nasorpresa ako sa kanyang mabuting pamamahala, sa linaw ng kanyang pag-unawa, sa kanyang determinasyon, sa pagiging kalmado kahit mabigat ang kanyang dalahin. Akala ko parang ang kanyang walang tanyag na karera sa senado. Hindi ko inisip na magtatagumpay siya sa paglalagay sa Pilipinas sa mabilis na landas ng pandaigdigang respeto at kasaganaan.  Akala ng iba ay dapat nalunasan na niya ang karalitaan at pagdadaraya sa dalawang taon.

Hindi siya diktador. Wala siyang kayamanan ni Yamashita. Hindi siya mang-gagawa ng himala, kahit na silang dalawa ni Cardinal Tagle, kahit na anong dami ng kanilang panalangin. Ang magagawa lang ng Presidente ay magtrabaho at magdesisyon. Inirerespeto ko pa rin siya dahil sa kanyang malalim na pang-unawa sa mga paksa at mabuting desisyon kahit sa daluyong ng pintas.

Mataas ang kanyang prinsipyo.  Dedikado. Matalino.

Marami ang nahihirapan na ipagmalaki ang Pangulo. Marami ang pipili sa mayaman na manipulador, sa isang ambisyosong tagabudbod ng pabor at paboritisimo. Sa taong nakikipagkasundo sa mga tulisan, sa labas ng awtoridad,  walang pasubaling pinilit ang anak na babae na hindi naman karapat dapat sa senado at gustong ipakulong ang mga guardiyang seguridad sa Dasma sa pag-gawa ng kanilang trabaho.

Maliwanag na ang pananagutan ay nasa mga botante at hindi kanino pa.  Walang sisihan o dahilanan o hinalaan ang makapag-tatanggi nito.

Ito ang sasabihin ko sa inyo, walang tanong, si Pangulong Aquino ay 110 porsyento para sa Pilipinas.

Ang kanyang ginagawa ay para sa inyo at sa akin. Malinaw sa akin na siya ay isa sa mga mabubuting tao sa pamahalaan na talagang nagnanais sa kasaganaan ng bansa at taong bayan.

Ang aking tanong ay, ano ang dapat nating ibigay sa kanya na maaaring tumumbas sa kanyang ibinigay sa atin?

Comments
23 Responses to “BAKIT MAY RESPETO AKO KAY PANGULONG AQUINO?”
  1. edgar lores says:

    Wonderful job. The name of the author should also be translated: Jose Filipino.

  2. ella says:

    Very good translation.

  3. Dee says:

    “Nirerespeto ko si Pangulong Aquino dahil pinaninindigan niya ang kanyang paniniwala. Hindi siya nanlilinlang o nagpapabago bago ng paniniwala. Kung ang isang sultan ay nangngailangang hampasin, hahampasin niya ito. Kung ang Pangulo ng Taiwan ay sumisigaw at may intensiyon na manguna sa gulo, si Pangulong Aquino ay kalmado. Kung ang Bise Presidente ay pumapapel para tabunan ang Presidente, tatawagin niya ang Bise ng sarilinan at sasabihan niya ito na tumigil sa pamumulitiko. Kung ang Tsina ay naninira sa kanya, ang kanyang katwiran ay galing sa puso at ayon sa batas ng resolusyon sa pagkakaunawaan.”

    The paragraph above’s formatting seems to have separated it into three.
    I second Edgar’s motion.

  4. Ibabahagi ko sa facebook…

  5. Graeme Chick says:

    Thankyou, Dee, for that translation. Although my wife speaks good English, it is easier for her to read this article in Tagalog. Thankyou again!!

  6. cha says:

    Mahusay na pagsasalin sa Tagalog ng isang makabuluhang sulatin. Mabuhay ang may akda at ang tagapagsalin!

    • Dee says:

      Mabuhay din ang tagabasa! Maraming salamat po.

    • Ben Mercado says:

      I agree on the above! Well written. Thanks for analyzing, appraising, evaluating and knowing a true intelligent, charismatic president. A good economist too. He is following the footsteps of his mother in running a real and good government. Para kay Joe – Ako ay labis na humahanga sa kanyang pagtingin at pagkilatis kay Pinoy. Mahusay ang kaniyang makabulahang pagsulat tungkol sa isang taong marangal at malinis na budhi na Pangulo hindi gaya ng mga pang-gulong senador at representante ng Senado. wala akong tinutukoy o tutukuyin pero, Bato-bato sa langit kapag bumagsak sa lupa at kung sino ang tamaan ay huwag magagalit. Palagay ko maraming tatamaan at ,mag-iilagan.

      • Joe America says:

        Thanks, Ben. Good point on the economics. I think he will be a tough act to follow. I’m starting the job of filtering for 2016 candidates, and most come across as being lightweight compared to the President. I smile in saying that, because I originally thought Mr. Aquino was a lightweight when he took charge, and he proved me wrong.

  7. Mel NL says:

    Magandang ibahagi itong artikulo sa mga mamamayan. Thanks Dee, beautiful translation!

  8. Elani Flores says:

    Pres. Noynoy is appreciated by the quiet majority. We are waiting for the day of reckoning for those unfit politicians that prowl the senate and congress.

  9. Tess Ayson says:

    nice words fopr our good president noynoy aquino thank u sa malalim na pagpapahalaga saa ating presidente noynoy

Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] Why I Respect President Aquino  The title explains what the blog is about. This is by far Joe’s most popular article. [Tagalog version: Bakit may respeto ako kay Pangulon Aquino] […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s