ANG BUOD NG PAMANA NI NOYNOY: PRESIDENTE NG LAHAT NA PILIPINO

gov dot ph pia

[Photo credit: gov.ph]

w
Sinulat ni Joe America
Sinalin ni  Juana Pilipinas

Hindi ko kagawian na maghingi ng paumanhin pero naisip ko na kailangan kong humingi ng paumanhin sa maraming Pilipino, para iwasto ang aking pagkukulang.

Bakit?

Dahil ako ay humahanga sa inyong Presidente.

Dahil dito, ako ay laging binabanatan at tinatawag na bulag na alagad o tangang dilaw o binayaran ni Aquino. Kaya ako ay nanghihingi ng paumanhin sa mga tagabasa na nasaktan sa aking paghanga sa Presidente na ibinoto ng nga Pilipino nuong 2010.

Sa aking opinyon, ang mga botante ay pumili ng taong nararapat nuon.
Hindi ko alam kung kailangan ko ring manghingi ng tawad sa kanila.

Hindi ako sigurado. Hindi siguro.

Sa mga hindi nagmamalaki sa kanilang Presidente. . . maari bang ipanukala ko na ipasuri ninyo ang inyong puso? O iparetoke and inyong bungo katulad ng ginagawa ng mga mekaniko sa mga lumang motor.

Kung ang opisina ang gumagawa ng tao, ang Opisina ng Presidente ang gumawa kay Ginoong Aquino na maging mabunyi at maginoo, tagapamahala na may istilong ehekutibo, at Presidente ng lahat na Pilipino. Napakarami niyang nagawa para tumaas ang reputasyon ng Pilipinas sa buong mundo kumpara sa mga nagdaang Presidente ng Pilipinas. Isang bayan na mag-isang naninindigan, bayan na tumatayo sa sariling paa, malaya at ginagalang, katulad ng mga ibang bayan sa mundo na umuunlad at maunlad. Mahirap, oo. May kagaspangan at kalawang dito at duon, oo. Pero nagiging moderno, bukas at malaya, nagiging prominente at nangunguna sa payapang oposisyon ng ASEAN sa Tsina. Sa pamumuno ni Ginoong Aquino, ang Pilipinas ay patungo sa bagong maunlad na ekonomiya, sa bagong pwesto sa entablado ng mundo, at ang panibagong ugali ng lipunan:

Katapatan.

Sa tantsa ko mas maraming nagawa si Ginoong Aquino para itayo ang kapurihan ng Pilipinas kesa sa ating inaasahan. At ito ay kanyang ginawa bagamat magulo ang panunuri at balanse ng demokrasya at ng maraming panunuglisa ng mga galit sa pamahalaan. Ang lahat ng kanilang pintas ay ginantihan niya ng lakas, hinahon at pagmumuni ng isang taong may maturidad. Ito ay nagbigay ng lakas at tibay sa kanya sa paglipas ng panahon.

Kung meron kayong alinglangan sa kanyang nagawa, tignan ninyo ang tayo ng Pilipinas kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa mundo at makikita ninyo na ang Pilipinas ay bumubulusok pataas, palagi at may katiyakan. Panatag. Ang libreta ng pananalapi ay maayos. Kalat na pagpapatayo ng impraktrastura, mga daan, paliparan, daungan, baseng militar. Ang pagbubunot ng ugat ng korapsyon. Ang pagsisikap na pamanatili ang kapayapaan at kaayusan. Nagwawagi ang hayag na pamamahala, natatalo ang burukrasyang tiwali. Maganda ang relasyon sa mga kapit-bansa maliban sa lapastangang higante at kahit na iyon ay may kabutihan rin.

Ang progresong ito ay matutuloy kung mga botante sa 2016 ay magiging matalino sa kanilang pagpili.

Oo nga, hindi ninyo maaring bigyan ng paninindigan at katapatapatan o paaminin ang mga mapanuligsa, mapamintas, pasaway at magnanakaw, pero kahit sa lahat ng kanilang puot at reklamo, si Ginoong Aquino ay mahusay at matino na pwede ninyong ipagmalaki. Pinatayog, pinasigla at pinaayos niya ang Pilipinas, hindi katulad ng mga lupon ng kudeta, magnanakaw at tamad na mamamayan.

Ang kamangha-mangha… at nakakaaliw … ay tinangap ng Presidente na siya din ang Presidente nila. Kahit na iyong mapanlait. Hindi niya pinapansin ang kontrabidang Jejomar Binay kapag siya ay nagmamarunungan. Nuong siya ay nakisawsaw sa gulo sa Zamboanga. Nuong si Ginoong Binay ay hindi sumipot sa Senado o nuong pinakita na ninakawan niya and kaban ng bayan magmula sa pamamatong sa presyo sa mga kubeta hanggang sa pang uumit sa lupang ari ng Boy Scouts. Nuong pinintasan ni VP Binay ang Presidente at ang kanyang gabinete at kanyang isinaad na sila ay palpak at manhid. Si Presidente Aquino ay hindi pumatol sa walang tigil na atake ni VP Binay. Hindi rin niya pinatulan ang mga talangka na gustong kumandidato sa 2016 na naninira sa kanyang programa upang sila ay mapansin ng masa.

Mayroon lang naman na ilang libong importanteng proyekto na dapat asikasuhin ng pangulo sa araw araw, magmula sa operasyon ng pulisya hanggang sa negosasyong diplomatiko, bagong sasakyan ng mga bumbero, at pagpapatayo ng 100 silid-aralan, madami ngang mapagpipilian para sa mga pasaring at alipusta. Madali lang magreklamo na, “Mas mahusay ako diyan!!!” Pero ang estatistika ang patibay ng Presidente. Madami siyang natatapos sa tulong ng kanyang matino, masikap at matapat na gabinete.

Si Presidente Aquino ay presidente kahit ng mga talangka, inalok niya ang pwestong pangalawang pangulo kay Grace Poe kahit na pinulitika niya ang Presidente sa Mamasapano hearing, at nilibak niya ang paninindigan ng Presidente tungkol sa BBL at INC.

Siya rin ang presidente ng mga pulitikong oportunista. Prangkahan lang. Wala akong laban sa kagandahang loob ng presidente. Pwede niyang ilayo ang kanyang sarili sa mga pag araw araw na hamon at magsabi na, “Ako ang presidente ng buong bayan, magmula sa mga mangingisda, mga oligarko, mga dinastiyang angkan, mga rebelde, mga taga-kaliwa, mga pulitikong oportunista, mga matatanda, mga kabataan, mga mahirap, mga mayaman, mga may kaya sa buhay, mga Moro at ng AFP, at ng mga naglalaban sa karapatan ng sambayanan, mga Pilipino sa ibang bansa… LAHAT ng PILIPINO. Nagagalit at nabubwisit din ako. At palagay ko, minsan, nanggagalaiti din kayo dahil sa tsetse buretse.

Kaya hanga ako sa abilidad ni Presidente Aquino na konsiderahin kahit na iyong mapamintas, o iyong nagmamarunungan, o iyong nagsisinungaling… ay may karapatang magreklamo, mamintas at magprotesta. Hanga ako sa kanyang pagtitiis na manaliksik, mag isip at maglaan ng panahon para sa mga mahihirap na isyu, para makapagdesisyon ng walang kiling sa midya, sa popularidad o sa galit, at para matuklasan ang nararapat na gawin para sa kabutihan ng lahat, pati na ang kanyang hunghang na tiyo at tiya.

Kahit na iyong mga aktibista na sumusunog kanyang papel na imahen. Kahit na iyong mga Obispo na mamumulitika. Kahit ang mga myembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA. At ang Muslim Mindanao, ang napakalaking komunidad na nais niyang tangapin ng buong puso ng sambayanan.

Si Noynoy Aquino ay Presidente ng LAHAT na Pilipino.

Alam ko na ako ay panauhin lamang dito. Madalas akong pagsabihan na “bumalik ka na lang sa Amerika.” Kaya ako ay nanghihingi ng paumanhin sa lahat ng mga Pilipino na nakunsumi dahil sa aking paghanga sa inyong Presidente. Pero alam mo ba? Dahi kay Ginoong Aquino, kahit na IKAW ay pwede nang magmalaki ngayon.

Kahit hindi mo piniling makilahok sa kanyang prinsipyo.

 

Translation: Noynoy Aquino’s legacy is now being formed: President of ALL the people

 

Comments
37 Responses to “ANG BUOD NG PAMANA NI NOYNOY: PRESIDENTE NG LAHAT NA PILIPINO”
  1. Nice translation Juana Pilipinas.

  2. Congrats, JP….ang galliiiing! may tsetse buretse pa…hahaha..! sapol na sapol !

    • Juana Pilipinas says:

      It is a win-win situation, Mary. I get my practice and the Society gets a translation out of the deal.

      Maraming salamat!

  3. karl garcia says:

    Magaling!

  4. Saludo ako sa inyo JP at JoeAm!

  5. kogiks says:

    You’re so right here Joe!

  6. hiddendragon says:

    I always worry that spreading and sharing Joeam’s postings is like preaching to the choir, and have thought that a step forward would be to translate them to the vernacular and have them translated to those who can appreciate the pudonghua (layman’s language) version. Perhaps someone can print and photocopy 10,000 copies while another can volunteer his quadcopter drone and drop ’em off the great unwashed of Pembo and Guadalupe Viejo.

  7. hiddendragon says:

    Wait, Juana Pilipinas is NOT the Juana we used to always see all over the place right?

  8. OOOOOooppppsss, I did it again! Sorry for the typos:

    1. Nagagalit at nabubwisit di ako. At palagay ko, minsan, nanggagalaiti din kayo dahil sa tsetse buretse.

    should read: Nagagalit at nabubwisit DIN ako. At palagay ko, minsan, nanggagalaiti din kayo dahil sa tsetse buretse.

    2. Kaya hanga ako sa abilidad ni Presidente Aquino’s na konsiderahin kahit na iyong mapamintas, o iyong nagmamarunungan, o iyong nagsisinungaling…

    should read: Kaya hanga ako sa abilidad ni Presidente AQUINO na konsiderahin kahit na iyong mapamintas, o iyong nagmamarunungan, o iyong nagsisinungaling…

    There are probably more. Please help me weed them out. Thank you.

    No, I am definitely NOT Juana Change. Not even a little bit…

  9. Juana Pilipinas says:

    More typos:

    1. Nuong si Ginoong Binay ay hindi sumipot sa Senado o nuong pinakita na ninakawan niya and kaban ng bayan magmula sa pamamatong sa presyo sa mga kubeta hanggang sa pang uumit sa lupang ari ng Boy Scouts.

    should read: Nuong si Ginoong Binay ay hindi sumipot sa Senado o nuong pinakita na ninakawan niya ANG kaban ng bayan magmula sa pamamatong sa presyo sa mga kubeta hanggang sa pang uumit sa lupang ari ng Boy Scouts.

    2. “ Ako ang presidente ng buong bayan, magmula sa mga mangigisda, mga oligarko, mga dinastiyang angkan, mga rebelde, mga taga-kaliwa, mga pulitikong oportunista, mga matatanda, mga kabataan, mga mahirap, mga mayaman, mga may kaya sa buhay, mga Moro at ng AFP, at ng mga naglalaban sa karapatan ng sambayanan, mga Pilipino sa ibang bansa…

    should read: “ Ako ang presidente ng buong bayan, magmula sa mga MANGINGISDA, mga oligarko, mga dinastiyang angkan, mga rebelde, mga taga-kaliwa, mga pulitikong oportunista, mga matatanda, mga kabataan, mga mahirap, mga mayaman, mga may kaya sa buhay, mga Moro at ng AFP, at ng mga naglalaban sa karapatan ng sambayanan, mga Pilipino sa ibang bansa…

    Sorry, Joe and readers. I will give editing more time in future translations.

  10. I am officially the mascot for Arrrghhh United. ARRRRRGGGGGHHHHH! More typos:

    1. Hindi ko kagawian na maghingi ng paumanhin pero naisip ko na kailangan kong humingi ng paumanhin sa maraming Pilipino, para iwasto and aking pagkukulang.

    should read: Hindi ko kagawian na maghingi ng paumanhin pero naisip ko na kailangan kong
    humingi ng paumanhin sa maraming Pilipino, para iwasto ANG aking pagkukulang.

    2. At ang Muslim Mindanao, ang napakalaking komunidad na nais niyang tangapin ng buong puso ng sambayan.

    should read: At ang Muslim Mindanao, ang napakalaking komunidad na nais niyang tangapin ng buong puso ng SAMBAYANAN.

  11. Sylvia Calderon says:

    Joeam and JP… Congratulations to both of you for the topic Pnoy’s Legacy…read it word for word, tumurok sa isip at puso ko, till I realized …yes, no drama, was touched and teary eyed. Copies should have been spread so the MASA can also read it..I can volunteer to print copies after wrapping and the revisions and will distribute it here in Cotabato. Joeam, no apology, you jaz did in what you believe in.

  12. Manhid na lang talaga ang isang Pilipino na hindi kayang aminin ang mga Naisakatuparan ni Pangulong Aquino.
    Kami na naninirahan sa ibayong-dagat ay damang-dama ang mga kaganapan sa loob lamang ng limang taon niyang panunungkulan.
    Dangan nga lamang ay sadyang laganap na ang ugat ng katiwalian at tiwaling kaisipan ng maraming mamamayan, dala na rin marahil ng kadukhaan at kawalan ng pag-asa.
    Nananalig pa rin ako na sana ay magtuloy-tuloy ang ating pagsulong sa landas ng ibayong

  13. John Lazy says:

    good job JP and Joeam
    mga mabubuting pilipino lang ang nakakaapreciate ng mga mabubuting ginawa ni president aquino.

  14. jameboy says:

    Sa ganang sa ‘kin, walang dahilan upang humingi si JoeAm ng paumanhin sa papuri at paghanga niya sa ating Pangulong PNoy. Nararapat lamang na purihin at dakilain ang isang pinuno na nagbigay sigla sa pamamalakad ng pamahalan tungo sa ibayong kaunlaran at makabuluhang hinaharap ng ating bayan.

    Walang kasinungalingan at bahid ng pagmamayabang ang mga naging matagumpay na gawain ng Pangulong PNoy. Isa ako sa dumadakila at pumupuri sa maibayong liderato at matibay na pangangasiwa na aking nasaksihan sa ilalim ng pamumuno ni PNoy.

    Pwera balakid o masamang pangyayari sa hinaharap, masasabi kong ang pangasiwaan ni PNoy ang pinakamatinong adminstrasyon sa bansa simula ng matanggal ang diktadurya. Matino sa dahilang ang primerong pinuno ay naging tapat sa kanyang tungkulin at hindi nakitaan ng pagka-ganid o halay na katakawan sa kapangyarihan.

    Mga kaibigan, yaong mga papuring aking binitawan ukol kay Pangulong PNoy ay walang halaga kung sa aking paglalarawan ay lalabas na siya ay may perpektong liderato. Hindi ‘yan ang aking layunin. Maraming sala at taliwas na hakbang ang Pangulong PNoy sa panahon ng kanyang paninilbihan. Sino ba ang hinde? May mga ilang panukala o hakbang ang pangulo na hindi ko inayunan dahil sa hindi parehong punto de vista sa aking panig. Subalit kung susumahin ang pangkalahatang serbisyo, kumpiyansa ako na marami sa ating mga mamamayan ang aayon sa kaganapang ang administrasyong PNoy ay naging matagumpay sa pagyayabong ng bansa at sa paglalayag iwas sa kapahamakan at ang pagbibigay ng bagong pag-asa sa ating kinabukasan. 👮

  15. Erlinda R. says:

    I am grateful to you, Joe America, whoever you are, for saying all the true things about my President. I share your frustration about all the blind Filipinos (media included) who persist in their blindness, not only about President Aquino’s sterling qualities as President, but also about those who present themselves as saviors from the present order when they themselves have so little to offer.

    • kogiks says:

      P-Noy has had his fair share of lapses, such as his failure to complete implementation of agrarian reform. It would’ve reduced rural poverty and empowered and created new markets in the countryside for industry to prosper as well. But overall he has done well, particularly, in making government more responsive to the daily concerns of people through the decent performance of the various agencies of government. Moreover his call for “Matuwid na Daan” and his own example of sincerity and forthrightness has indeed significantly reduced corruption in the various instrumentality of the state.

  16. Bravo Joe, Bravo JP..thank you all do dumb people don;t accept this i;m sure there consent is screw up.

  17. Judi Cebedo says:

    I need the English original. Can somebody help me/ direct it to me, please?

  18. Gary Jarill says:

    Kung sana karamihan ng mga pilipino mababasa itong sinulat nyo and they will appreciate what PNOY has done for the past years, then it would be easier for this government to implement its plans and goals. Well, I think it is a consequence of a democracy that allows everyone to speak his mind. The problem is too many see a glass of water half empty rather than half filled. Napadaling mamintas pero kapag tinannong mo kung anong solusyon nila, ang sagot nila ” Aba’y trabaho ng gobyerno yan, ang trabaho ko lang pumuna, mamintas at magbalita ng masasamang pangyayari dahil yung ang pinagkakakitaan ko. Thank you JoeAm and JP for this article. Sana mai translate sya sa ibang dialect para mabasa na mas marami

    • Joe America says:

      Yes, indeed, Gary. President Aquino never quite got to the tipping point where people started saying “Hey, we’re getting good here, Philippines!” Probably traffic congestion was the big barrier.

      • P-Noy is no doubt sincere and I fully appreciate this side of him. Indeed it has also produced some good results. But he has some problems with competence though and could’ve done more. So who’s next? Mar Roxas, Grace Poe and Jojo Binay are the current choices.

        • Joe America says:

          Yes, I suppose we all have our moments when we say, “why did he (or why didn’t he) do that?” I’ve generally stopped doing that because I don’t have the information he has, and when I criticize first and find out later about the information, I feel silly that I prejudged so wrongly.

          You have to add Senator Santiago to your list. For me, the choice is clear, based on what I think is best for the Philippines.

Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] Translation: ANG BUOD NG PAMANA NI NOYNOY: PRESIDENTE NG LAHAT NA PILIPINO […]

  2. […] Source: ANG BUOD NG PAMANA NI NOYNOY: PRESIDENTE NG LAHAT NA PILIPINO […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: