Responsibilidad at Tungkulin ng mga Mamamayang Filipino

[Photo source: the Inquirer]
by Juana Pilipinas
Ang Konstitusyon ng Pilipinas ay parang kopya ng Konstitusyon ng Amerika. Pareho po itong may Katipunan ng mga Karapatang Pangtao (Bill of Rights). Ang Bill of Rights ng Amerika ay inilakip sa inamyendahang Konstitusyon noong 1791. Sa Pilipinas, ang Konstitusyon na sinulat ni Apolinario Mabini at ng kanyang mga Konsehal nuong 1899 sa Malolos, Bulacan ay may Titulo IV na tungkol sa karapatan ng bawat mamamayang Filipino. Hindi ito naratipika dahil sa digmaan laban sa mga Amerikano na nagsimula noong 1899 hanggang 1902. Pagkatapos ng digmaan, ang unang Lupong Konstitusyon nuong 1934 ang kumopya sa Konstitusyon ng Amerika upang tumupad ang mga Amerikano sa kanilang pangako na ibibigay ang kalayaan ng Pilipinas kung maiipakita ng mga Filipino na handa na sila sa pamamalakad ng sariling gobyerno. Inaprubahan ng Gobyernong Sibil ng Pilipinas ang Konstitusyon nuong 1935. Ang Artikulo III ng 1935 Konstitusyon ay ang pinangalingan ng mga katipunan ng karapatang pantao na hanggang ngayon ay parte ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas.
Ang 1973 Konstitusyon ay ang ipinalit ni Presidente Marcos sa 1935 Konstitusyon. Ito rin ay may katipunan ng karapatang pantao at idinagdag dito and Artikulo V na naglalaman ng katungkulan at obligasyon ng mga mamamayan.
Isinalin ko sa Tagalog ang nasabing artikulo:
ARTIKULO V
KATUNGKULAN AT OBLIGASYON NG MAMAMAYAN
Seksyon 1. Tungkulin ng bawat mamamayan ang maging tapat sa Republika at respetuhin ang watawat, ipagtangol ang gobyerno at umambag sa kaunlaran at kapakanan nito, itaguyod ang Konstitusyon at sumunod sa batas, at tulungan ang mga autoridad para makamit at mapanatili ang makatarungan at maayos na lipunan.
Seksyon 2. Ang karapatan ng bawat tao ay may katumbas na katungkulan na maging responsable at may respeto sa karapatan ng iba.
Seksyon 3. Katungkulan ng bawat mamamayan na magtrabaho para makamtam para sarili at pamilya ang buhay na may dignidad.
Seksyon 4. Obligasyon ng bawat mamamayan na kwalipikadong bumoto ang magparehistro at bumoto.
Bagamat meron pa ring karapatan ang mga mamamayan na itinakda sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang artikulo tungkol sa katungkulan at obligasyon ay inalis ng mga nag-amyenda. Ibinalik nila ang Konstitusyon na mala-1935 na walang katipunan ng mga responsibilidad at tungkulin ng mga mamamayan.
Bakit kaya? Ang aking pananaw ay dahil ang ang Seksyon 1 ng Artikulo V ay may nilalaman na mas panig sa gobyerno at hindi sa mga Filipino.
Sa Amerika, hindi inamyedahan ang Konstitusyon para ilakip ang mga responsibilidad at katungkulan ng mga mamamayan. Ito ay itinuturo sa tahanan, iskwelahan, grupong relihiyon at grupong sibiko sa mga bata. Ang kamalayang sibiko, moral at makabayan ay itinuturo din sa mga imigrante. Ang USCIS ( U.S. Citizenship and Immigration Services) sa kanilang website ay may listahan ng mga responsibilidad at tungkulin ng mga mamamayan para sa mga naghahangad na maging mamamayan ng Amerika. Isinalin ko sa Tagalog and mga ito:
Responsibilidad ng mga Mamamayan ng Amerika
- Suportahan at ipagtanggol ang Konstitusyon.
- Alamin ang mga pangyayari na makakaepekto sa iyong komunidad.
- Makilahok sa proseso ng demokrasya.
- Irespeto at sundin ang mga batas pambansa, estado at lokal.
- Irespeto ang karapatan, paniniwala at opinyon ng kapwa tao.
- Makilahok sa lokal na komunidad.
- Magbayad ng tamang buwis sa tamang panahon.
- Magsilbing hurado kapag natawag.
- Ipagtanggol ang Bayan kung kinakailangan.
Bagamat may mga bulong-bulungan na patay na raw ang balak ng administrasyon na amyendahan and Konstitusyon. Wala pa ring ebidensya o direktang pahayag mula sa mga prinsipal nito na ito ang katutuhanan. Ipagpalagay natin na tuloy pa rin ang plano na itulak ang charter change, maari sigurong isingit ang isa pang artikulo na tutukoy sa mga resposibilidad ng bawat mamamayan.
Bakit ito importante?
Marami ang nagsasabi na hindi batid ng maraming Filipino ang kanilang mga responsibilidad o katungkulan bilang mamamayan sa ngayon. Marami rin ang nagpapanukala na ilista ang mga ito at gawing gabay ang listahan para ituro sa lahat ng mga Filipino. Ito ang tamang panahon para mailakip ito sa bagong saligang batas o pag isipan ito ng mga may malasakit sa kaunlaran kung paano matuturuang maging aktibo sa pamamahala ng kanilang bansa ang mga Filipino.
Ang listahan sa ibaba ay mga halimbawa ng responsibilidad na maaring ilakip sa inaamyedahang Konstitusyon o kaya ay gawing bahagi ng edukasyon ng bawat Filipino.
Responsibilidad ng Mamamayan ng Pilipinas
- Ipagtangol at suportahan ang Konstitusyon.
- Gumalang sa watawat at iba pang simbolo ng Bayan.
- Ipagtangol ang soberenya ng Bayan.
- Magbayad ng tamang buwis.
- Maging tapat at matalino sa pagboto.
- Maging aktibo sa pananalakay sa mga isyung lokal at pambansa.
- Irespeto ang mga batas at ang kapwa tao.
- Makipagtulungan para sa pag-unlad ng bayan.
Ang listahang ito ay hindi conclusive. Marami pa po sigurong maidadagdag ang mga readers.
Sa mga readers na imigrante o OFW sa ibang bansa: Paano itinuturo sa mga mamamayan ang kanilang katungkulan at responsibilidad sa bansang tinitirahan ninyo ngayon?
Importante po na isaloobin ng bawat Filipino na sila ay kabahagi sa pag-unlad ng Bayan. Ito po ay pwedeng maging guideline ng bawat indibiduwal kung papaano nila ipapairalin ang disiplina sa sarili at pag-isipan kung papaano sila makakatulong sa bansa.
Mayroon din sigurong magsasabi na hindi na kailangan pang pagtuonan ng pansin ang tema ng artikulong ito dahil sa dami ng mga malulubhang problema ngayon. Sa aking pananaw , ang kamalayang ito ay makakatulong sa pag-unlad ng Bayan at maari ring makatugon sa mga problema ng lipunan. Ito ay paghahanda sa kinabukasan. Kung maituturo natin ngayon sa mga kabataan ang kanilang mga katungkulan at responsibilidad bilang mamamayan ng Pilipinas sa tahanan, iskwelahan, simbahan at sa mga grupong sibiko, at mapapagpatibay ito ng mga role models, balang araw, sisilang na ang bagong Filipino.
Ano po ang say niyo?
I agree with arresting those not standing during the National Anthem, better than arresting istambays.
I can’t write straight Filipino, but here it goes, Sumasang ayon ako sa pagaresto ng mga di tumitindig habang tinutugtog ang ating pambansang awit.
Did they taught that in school, Karl? I do not remember a civics class when I was there.
I know I saw everyone doing it so I did it as well.
Here is the video about the arrest of moviegoers.
It is an interesting topic. I’ve always found the attempt to impose patriotic expression to be a part of the “missing quality of internal desire” among people broadly, linked to integrity. If people felt the loyalty deeply, they would stand without question, but perhaps they don’t connect with the regimented demand that they stand. The law says people should stand and sing with fervor. If they feel it, they will sing it. If they don’t feel it, I think it is impossible to order them to feel it. The autocratic state demands respect, the democratic, free state earns it.
“The autocratic state demands respect, the democratic, free state earns it.”
Exactly.
Let it be hereby noted for posterity that Francis wrote a one-word commentary, following that really excellent quote. 🙂
I’m steeling myself for the addendum. ahahahahaha!
🙂 🙂 🙂
😊😊😊😊😊
Take this as strictly a one man’s opinion, but the US national anthem causes a stirring in me, not for love of America, but for love of my own country, than the Philippine national anthem does. I don’t know, I can’t explain it. Is it the composition — both lyrics and tune? [To emphasize, I have long ago shed colonial mentality.]
I feel patriotic when the Philippine National Anthem plays at the opening of the mall, bonding somehow inexpressibly with others around me. It is ‘pride and passion’ for the Philippines, but learned (internalized) via that good old American patriotism. I don’t think it has to do with the composition, but the moment.
It is probably because the environment distorts the meaning of the phrase “ang mamatay ng dahil sa iyo” into the reality of “ang namatay ng dahil sa iyo” — because one is poor and the leaders do not care or have not cared enough and this goes for previous Administration, too, but reached its summit in the current one with the killing of drug addicts.
NH, I think it has something to do with being bilingual (more than one first language), i.e.which touch you more the English words or Pilipino words. 😉
May be so, sonny. Thanks for the idea — and Joe’s too above, including my own — which may help me solve my puzzle.
Are Filipinos aware that it is illegal?
RA 8491, “AN ACT PRESCRIBING THE CODE OF THE NATIONAL FLAG, ANTHEM, MOTTO, COAT-OF-ARMS AND OTHER HERALDIC ITEMS AND DEVICES OF THE PHILIPPINES” effective February 27, 1998, says it illegal.
Section 50 of the said act says it is punishable by “a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000) nor more than Twenty thousand pesos (P20,000), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court.”
Did those arrested know that they are breaking the law? How are laws taught to Filipinos?
Ignorance is no excuse is a cash cow for the pulis sa ilalim ng tulay.
On the extremes.
An arrestee who is a fiscal refused to be given a citation ticket and be towed because she “knows” her law and the mmda official knows nothing as far as she is concerned.
It ended up with the husband telling the mmda to let her go because she is pregnant or else.
Wow. Extremes for sure.
I am guessing that the “cash cows” are the poor and the fiscal is rich. How does it go for the middle class? Do they get better treatment than the poor?
The video about the fiscal.
Tugkulin ng Pilipino:
Somonod (c) Digong sa matataas at makapangyarihan, huwag sa batas!
Wow. Both parties got really emotional about a simple traffic violation.
US citizens are usually taught how to handle a traffic stop. An example is the link below. The site is owned by the Sheriff Department in Indiana.
http://www.vanderburghsheriff.com/news-what-to-do-in-a-traffic-stop.aspx
Here, Erring drivers are told to attend seminars maybe they just pay 500 or even less just to avoid it.
👍
In the US, the troll is the one living under the bridge (“Three Billy Goats Gruff,” a children’s book. A Norwegian fairy tale).
I remember that, trolls were ogres back then.
Lesson: might makes right?
here’s something to explore about Filipino Values . . .
https://www.google.com/search?q=mary+racelis+values+of+lowland+filipinos&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=dSo3Aw3CBO1KBM%253A%252CZwUAAeClbDPqkM%252C_&usg=AI4_-kRniDIKADqKujF7dtvCER9tCUMe8g&sa=X&ved=2ahUKEwjh6Y-yxtLdAhVD9YMKHXLnAi4Q9QEwAXoECAAQBA#imgrc=dSo3Aw3CBO1KBM:
teka, teka nag post ako upstairs naku si ako ay popoy; bumaba ako hinagip ko yung laptop sa downstairs nagpost ako ng kanta parang Pinoy village people, lumabas si ako ay si tweeto. ano ba yan?
I have an idea for a blog here, all kinds of comments on this welcome..
” Bakit madaling ma-uto ang mga OFW ng mga kagaya ni Duterte?”
The discussion will range from Filipinos’ penchant for worshiping idols, not principles; tribalism, their insecurities and fears, the quality of education they got, their reading habits, their capacity for learning and remembering, reliance on Facebook and soc med for ” truth and information”, etc.
Any takers?
I’d prefer it be written by someone who is based abroad, and has spent much time with OFWs and know them well. If I were to write it, I would have to base it on OFWs who have come home.
I think Irineo fits the bill, Andrew but he has his own blog.
There are not a lot of OFWs where I am. Most of the Filipinos I know are immigrants and are very vocal in their displeasure about what is going on in PH.
I think the economic situation in PH will make OFWs rethink their idolatry. When the demand for higher remittance from their families (because of inflation and government policies) come, I think the lesson will be learned.
Then again, I might be wrong.
“You Raise Me Up” is what I wrote some time ago in my blog.
http://filipinogerman.blogsport.eu/you-raise-me-up/
I think Irineo wrote this when Duterte was in Korea.
Di ko pa alam iyong Kiss Muna noong sinulat ko iyon.
Ganun ba?
Di Kiss sana ang titulo tapos si Prince ang picture. Baka pati fentanyl nila tinukoy ko.
Bibo ka talaga, Irineo. 🙂
OFW ako noon kupong-kupong. Itong mga taong gobierno, kalimitan hindi maalam. PINASASAKAY lang sila ng mga OFW. Ang libangan ng mga OFW laban sa homesickness ay makapanood ng home grown ENTERTAINER, mga poging artista at mga pangit ng komikero. It is always a happy moment, A BREAK from hard work for them to see funny faces of politicians. Hindi ganadong umatend kung ang guest of honor eh serioso tao. Kilala ng mga OFW ang mga korap ng politico. Kalimitan ang paggalang sa politico ay panguuto lang ng mga honest na Pinoy. Any isang hamak na OFW ay meron feeling na superior sila sa mga taong gobierno dahil kayod kalabaw sila, hindi nila ninakaw ang ipinadadala sa pamilya.
Any OFW value is happy and proud every cent they earned comes from honest toil. Mga Wakarang, natutulog sa pancitan ang hindi nakakadama niyan.
Pero pagdating kay Digong, akala nila kakampi nila, di raw kasi plastik. Ayaw nila dito sa Germany kahit sa mga UP na iskolar ng Alemanya, others na rin sila para sa kanila. Ako lumayo na dahil ayokong mapahamak ng mga iyan, gago ang iilan diyan kapag nainggit o kaya napagkamalan kang mayabang lagot ka.
dati iba ang tingin ko sa mga kababayan alipin ng kahirapan, na sunod sunuran na lang sa mga politico turing nila ay parang Diyos, tumutulong sa kanila magkaroon ng trabaho, mabigyan ng pera tulong sa may sakit, malaking pera para sa boto nila, pambili ng kabaong kapag namatayan, sila ay nakakadena lumuluwag lang pag tinulungan ng politico.
Naglipana, ang dami niyan ganyang Pinoy, nagiging tao lamang dahil sa politico, matatagpuan sila sa mga probinsiya tangan sa leeg ng mga political dynasty.
NAKAKAAWA hindi nakakagalit ang kalagayan nila. Nababaklas, NAPUPUTOL lamang ang TANIKALANG hawak ng politico kung sila ay makakakuha ng trabaho bilang OFW. Kailangan ng isang mahirap ay LAKAS NG LOOB at tiis mawalay sa pamilya para makakuha ng trabaho sa abroad HINDI kailangan ang REKOMENDASYON ng politico.
Pag maging OFW na Malaya na sila sa kuko ng kahirapan siyang bumubuhay at nagpapayaman sa mga politico.
Isang hindi ko malilimot na kwento, Pabalik ako sa trabaho, nagfi fill up ako ng form sa malakwebang oficina ng POEA tapat ng Galleria sa EDSA nang may lumapit na Mama, magalang na nagsabi, pabalik siya ng Saudi, nalimutan daw niya ang kanyang ball pen kung puedeng tulungan ko daw siya mag fill up ng form. Umupo siya tabi ko naghintay.
Pinil appan ko yung form niya, dami kong nalaman, karpentero, siya sa Saudi (Riyadh or Dahran nalimutan ko na) taga Batangas City siya .Tanong ko: papano siya nakakuha ng trabaho. Yung daw kaibigan niya sa konstrakyon ang trabaho, tinulungan siya. Yung ibang detalye hindi naman ako interesado kaya nalimutan ko. Naghintay na kami ng tawag,pero lumayo siya sa akin parang nahihiya. Naisip ko hindi kaya NO READ NO WRITE ang Mamang ito.. .Buti na lang hindi ko siya binigyan na lang ball pen.
Parang ayoko nang magkwento, kasi lumalabas ako ang bida, pero hindi ko ma-explain malambot ang kokote ko sa mga OFW. Naisulat ko na dito sa TSoH, dito sa Canada pag nakasakay ko sa bus mga Pinay baby sitter caregivers, sasabihan ko, Oy mga Ineng, Inday, mahalin nyo yan mga alaga nyo, huwag nyong sasaktan, paglaki niya mamahalin niyan ang mga Pinoy. Sabi nila, nakatawa, Oo nga sir gustong gusto nila pancit at adobo, pero hindi alam ni Mrs.
Great stories, Tweeto. Sabi nga ni LCX, “granular.” Mas makabuluhan ang mga anecdote dahil nagbibigay ito ng mukha sa mga konsepto.
Ang tanong: Bakit kung nakalaya na ang mga OFW sa kuko ng dalita at mga politiko, panay pa rin ang boto sa mga politikong trapo?
Ms J P, Mahirap sagutin yan, walang sapat na katibayan, Seguro kalahati lang ang maaring tama dahil walang sapat na katibayan.walang dayaan ba sa botohan sa labas ng bansa? wala bang papel ang COMELEC sa bilangan ng boto sa loob at labas ng bansa (ang dagdag ang dagdag) sa paglikom ng lahat ng boto, sa nasaksihan proklamasyon ng Kongreso sa nanalo sa pagka pangulo, mga OFW o kanilang pamilya ang bomoto sa nanalong kandidatong lumabas na perwisiyo bansa, ano ba ang sinasabi dito sa TSoH , mga OFW ba ang nagpanalo kay Duterte?
Nabasa ko pa laking tulong ng mga tagasunod ng Familya Marcos at Macapagal-Arroyo. Hindi kataka-taka ang tagal kasi nasa pwesto ng dalawang pamilya na yan. Ang daming meron UTANG NA LOOB na may kadena na sa leeg ng mga politico. Hindi mga OFW yan. Ilan ba sa 16 milyon ang tunay na bomoto, ilan sa 16 milyon ang OFW? Puede ko rin sulating mali lahat itong sinabi ko dahil walang matibay na proweba na hindi kinarpenterong estadistika..
Meron din magaling na kandidato na malinis na nanalo na hindi OFW lang ang nagdala ng panalo. Si Magsaysay, si Cory, si Ramos, at si Noynoy, kung dayain maniniwala ba ang tao na sila ay matatalo. Kaya lusot sila parang small exception to the rule of unclean election. .
Sa mga matalino di puedeng mangyari, pero sa mga maalam puedeng si Mar Roxas ay dayain, pero si Leni sinong maniniwala na matatalo siya? Kung hindi malinis ang naghaharing kalakaran sa ibang bahagi ng pamumuhay sa bansa, ang dayaan sa halalan ay maaring sanhi o resulta ng permanenting kahirapan ng nakakararami nating kababayan. .
‘Yan ang totoo, JP. Here’s a ‘granular’ anecdote.
Ang First Chef ng White House ay Pilipina. Nag-silbi sa panahon ni Bush, Sr., Clinton, Bush, Jr., Obama, at ngayon kay Trump. Nangyari ito sa panahon ni Clinton.
Nagdala ng mga kabarkada si Hillary sa Cape Cod. Pagod at gutom ang tropa niya. Nag-request ng meryenda ang First Lady sa First Chef (Pilipina). Dahil sa dami at kagutuman ng grupo ang inihanda at inihain ng First Chef nang mabilisan ay arroz-caldo Filipino-style. Ubos at seconds pa ang nangyari. Linapitan ni Hillary ang First Chef:
Hillary: Cristeta, this is delicious. You have not served this at the White House before. what is it?
Cristeta: It is a Filipino dish, we call it arroz-caldo.
Hillary: It is so good. You have been holding out on us, Cristeta.
(true story)
@sonny
this is punny
Unintended, of course. 🙂
PS. Personal choice ng bawat administration kung sino ang Chef niya. Ang Chef ang nagririkomenda at nagpaplano kung ano ang kakainin ng First Family at mga State dinners. Tila mga First Lady ang may pili kung sino ito batay sa rekomendasyon ng mga nakaraang First Lady. Akala ko papalitan si Cristeta pagtuntung ni Pres Trump. Her performance spoke for itself.
I agree. Most Filipinos abroad are admired for their masterful skills in their chosen field. I think it is the Filipinos’ passionate nature plus the pursuit of excellence inculcated by the modern societies they landed in that brings out the best in them. I would say the bountiful opportunities to self actualize also contributes a lot.
Sa Inglaterra, sino ba ang nagalaga, nagpalaki kina Prince William at Prince Harry na sabi ni William ay mahal na mahal nila? Sino ba yung Flipina caregiver na pinamanahan ng sangkatutak na ari arian sa UK ba o sa USA?
Sa Canada naman sino ba yung puting paramedic ng ambulansiya na pinalaki daw ng nanny niyang Filipina na kahit matanda na ang nanny ay siya pa rin nagaalaga ng mg anak ng paramedic na siyang kumuha at nagdala kay popoy sa ospital nang mahulog sa hagdan at nabali ang kanyang paa? Karamihan (Oy hindi lahat) sa mga dating hamak na Pinoy OFW labas na sila sa kawalang hiyaang nangyayari sa Pinas.
Ang mondo ay napakalaking gubat kaya nagkalat din ang mga ahas Pinoy tulad ng ibang lahi.
I think some Filipinos are not proud of those who they percieve are handmaidens to foreigners, Tweeto. We, as a culture, need to stop looking down at people who have legal and productive jobs, no matter what it is. There is still an invisible caste system in the PH society.
Is there an English translation available please? Maraming Salamat po.
There is not, nor would I advise Juana to put in the effort on it. I’d prefer new articles.
Pan-display o plastikan lang lahat iyan para sa karamihan ng Pilipino, tingin ko. Wapakels sila.
Buhay at ginhawa nila at ng kapwa nila ang mahalaga sa kanila, maghirap o mamatay ang iba (mga hindi kapwa) wala rin silang paki.
Kahit ano ipaparrot basta doon sila kung saan masarap ang hangin – kahulugan binabali-wala. Ewan kung may pag-asa pa ang mga iyan.
Pwede bang bigyan ng chance? Para sana ito sa mga bata. Pero parang tama ka na ang mga magtuturo at magiging role models ay yung matatanda at kung wala silang paki, walang mangyayari.
Maybe.
Pero paano mare-reach ang mga iyan? Mga katulad natin mga plastik daw.
I thought about posting short Tagalog PSAs on FB. I think FB is where we can make a dent.
Heto sasabihin ko na hindi dahil sa ako ay napakatanda na, Ang hinahangaan ko dito sa TSoH ay ang mga retirado immigrant man o hindi, mga matandang babae o lalaki nagiisip, nagsusulat, nagmamalasakit para sa bansa nilang Filipinas. Kahit may panganib, kahit wala namang gantimpala o pabuya. Meron din foreigners tulad ni Joe, ni Chemrock, ni Bill Australiano, etc., etc.
The generation gap is good for survival of the country. The youth knows what’s good for them without the eche-bucheche and wisdom of the oldies. They know they are their own Hope. There was the time when our parents believe that EDUCATION is a pre-condition for advancement in life. They were somehow right because our OFWs and senior level expats, our health care personnel are better schooled than their equivalents in other countries.
Of course we have OUR FAULTS, tribalism , inadequacies, protests, demonstrations and belligerence against each other, but I see them as NORMAL as with other people, we are not alone or unique in our undesirable traits, but we have TSoH which they don’t have. Under earthquakes and typhoons, come hell or high water we are trying hard since the time of Rizal to be a HAPPY PEOPLE. .
Amen to that, Popoy. The Happy Filipino will prevail.
https://www.philstar.com/headlines/2018/09/24/1854162/78-pinoys-satisfied-drug-war-sws
Satisfied or not caring?
May TUNAY na resulta dahil may natutumba. Tanginang GDP-GDP ni Panot di nakikita. /sarcasm
not caring
if it doesn’t affect one directly—easy to disconnect
Wow, another short comment from Francis. 😊
Aside from something hitting home, what can be done to make Filipinos connect, Francis? We need all the input we can get to make people realize that prosperity for all is the result of caring by all.
*******
Side by side with civics, there must be a training in ethics.
*****
survey ng survey, SWS ano ba yan? wala ba ibang hanap buhay na makatutulong sa ekonomiya ng bansa? sino ba ang nagbabasa niyan? Sa bayad diyan magkano ba ang napupunta sa employment ng kababayan
In your experience, sino ba ang madalas na benepisaryo ng mga survey?
Eh sino pa di yung mga waknakataw at waknakatan (keywords: takaw at nakaw).
Here we are, pushing for Filipinos education in the charting their own country’s trajectory but the HOR is working on being the Secret Squirrel Society.
https://newsinfo.inquirer.net/1035516/draft-rules-of-house-may-restrict-media-coverage-solon-says?utm_medium=Social&utm_source=Twitter#Echobox=1537765217
So many needs and they work on this. Small minds. Education won’t help those bent on control.
Aye. To a hammer everything is a nail.
This is PREPOSTEROUS : It’s always done with chilling effect during Martial Law news are limited, controlled and eliminated. Well if Congress wants limited media coverage, the Press should give them the whole caboodle: NO COVERAGE at all as if they don’t exist like dirty trapos kept out of public sight.They should be very afraid if people don’t know what they are doing. Any discovered wrong doing can be punished by the people in their own terms.
If the office of the president prohibits press coverage, opportunity cost of information resources (allowing diverted coverage) will benefit.other community activities.
NO COVERAGE OF SOMEBODYS MAKE THEM NOBODYS
REMEMBER I said preposterous.
I could be dead wrong on this, please tell me because I just read it in Phil Star:
“3 hours ago
Ombudsman Samuel Martires has recalled suspension orders against nine mayors and other local officials previously found liable of gross neglect of duty over the operation of open dumpsite in their jurisdictions.
Martires says 5th and 6th class municipalities do not have the financial capability to close down open dumpsites and establish their own sanitary landfills, which usually costs around P13 million.
He says Repulic Act 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000, should be amended to transfer the responsibility of solid waste management in poor municipalities to the national government. — from a report by The STAR/Elizabeth Marcelo
Read more at https://www.philstar.com/happens/449#RQWOwAcuuGFRcxwX.99”
This is what I mean: If Trillanes is the Ombudsman will President Duterte fire him for breaking the law?
The Ombudsman IT SEEMS or APPARENTLY disregarded the law in the case of the nine mayors whose suspensions were recalled because . . . . because the law ” should be amended to transfer the responsibility of solid waste management in poor municipalities to the national government.”
To twist this happenstance, the Ombudsman seems to imply that Congress of more than 200 members did a lousy job of lawmaking victimizing nine mayors. The ombudsman is not like a traffic cop who arrested jaywalkers and told them even if the traffic is not moving for two hours they are under arrest because the law no matter how inconsiderate is the law and must be obeyed.
Is it like the Ombudsman telling the nine mayors, the law did not know theirs are poor municipalities and can’t afford the cost so they can go and he will ask Congress to amend the law.
Well ano kaya ang say ng Integrated (solid) Bar of the Philippines?
Solid at liquid waste muna ang pag-usapan, pati Martial Arts na Tae Kwon Do at iyong Andalusian na art form na Almoranas:
http://www.ellentordesillas.com/2018/09/23/duterte-talks-about-his-asshole/#more-29173
Balik sa topic:
Kahit sa barangay, personal at situational ang desisyon ng kapitan.
Westernized na batas-batas hindi bagay sa weder-weder, kaya binabalik na sa nararapat ang pamamalakad. /sarcasm
They seem to say, “Leave it to us because we are the ones who can think and decide.” The real solution is to teach people how to make sound decisions tailored to their needs. The government’s job will be easier if the citizenry are empowered and pitching in. That can be achieved by the government being transparent and educating the masses. The key is education, education, education. Not muscling and muzzling the citizenry.
*******
Another reason to demolish the barangay system.
*****
We need to have a detailed discussion about the barangay system. Do you wish to write the core article, or shall I?
*******
I will leave it to you, thanks. I am developing something.
*****
Excellent on both counts. Thanks.
Educating the masses will indeed go a long way in empowering them. Once empowered, it would not be too easy to muscle and muzzle them.
Yup. That is one way of preventing the rise of another dictator in the future. An empowered and educated citizenry will see through a malevolent scheme and will nip it in the bud.
*******
1. I am in favor of teaching civic responsibilities. It should begin in grade school and planned all the way up to K10 or K12.
1.1. Primary school (K1–K4) should focus on (a) love for country through the daily recitation of the Pledge of Allegiance and on (b) respect for the country’s symbol through the daily singing of the National Anthem in the daily flag-raising ceremony.
1.2. Elementary school (K5-K6) should move from emotions to the simple abstracts of civic virtues and civic responsibilities.
1.3. High school (K10-K12) should move to the higher abstracts of the Constitution, the forms of government, the ideals of democracy, and the responsibilities of citizens in a democracy.
2. The incident of moviegoers not standing for the National Anthem would have been avoided if they were properly conditioned in primary school (1.1). But in the present climate where the President has no respect for the law and declares that the Constitution is just a piece of paper, who can blame them?
3. I do not think civic responsibilities should be defined in the Constitution for several reasons:
3.1. They are stated generally.
3.2. Because they are general, they tend to be motherhood statements.
3.3. Because they are motherhood statements, they are non-specific as to what actions to take.
3.4. Because they are non-specific (and thus subject to differing interpretations), they are practically useless.
4. Take any example and analyze it.
4.1. “Ipagtangol at suportahan ang Konstitusyon.”
o Which part of the Constitution? Say, the separation of church and state.
o What do you do if bishops criticize the President? Or if they pressure legislators not to pass DEATH bills?
o What do you do if the President says, “God is stupid.”
4.2. “Maging tapat at matalino sa pagboto.”
o Tapat (faithful) to what? To the country? Or to the candidate?
o Matalino (clever) could mean selling your vote for money. It could mean voting for a boxer because he is intelligent in the ring.
o How does one vote intelligently? What are the criteria?
5. And the final question: how do you teach civic responsibilities when the highest people in the land — in the government, religious, and civic institutions — are not models of civic rectitude?
*****
The President is the civic rectum by now.
*******
That’s very polite.
*****
Whatever it will take for Filipinos to internalize the values of citizenship will be fine. The list is non conclusive and can be revised or added to. The short list in the U.S. is followed by citizenship classes where each duty/responsibility is explained and expounded. For kids, it starts in Kindergarten where they are given patriotic themes to color and reinforced by the society at large throughout their life.
I cringe when people do not stand for the national anthem. I just saw to teen agers who sat down while everyone stood up even the elderly.