“Hanggang Hindi Ko Na Kayang Gawin”—CHR Chair Chito Gascon

[Photo source: Cebu Daily News – Inquirer.net]
ni Wilfredo G. Villanueva
Takipsilim. Abril ngayong taon. Tinip siya ng isang miyembro ng Night Crawlers, mga media men na nagpupuyat para isulat o kuhanan ng litrato ang latest kill sa War on Drugs.
Kasama sa Night Crawlers si Raffy Lerma ng Philippine Daily Inquirer. Si Raffy ang kumuha ng pagdadalamhati ni Jennilyn Olayres sa bangkay ng kanyang partner na si Michael Siaron, suspected drug pusher. Kalong-kalong ni Jennifer ang nasirang Michael. Kahawig itong litratong ito ang sculpture ni Michelangelo na tinaguriang Pieta—si Birheng Maria kalong-kalong ang walang buhay na si Hesu Kristo.
Walang atubiling sumulpot sa meeting place si Chair Chito Gascon. Interview-interview sa isang simbahan, inabot ng mga apat na oras. Meron daw secret jail cell sa isang presinto sa Tondo, Manila.
Pinuntahan ng CHR (Commission on Human Rights) ang naturang presinto. Hagilap. Wala. Dinding lang, walang kumukurap na pulis. Hagilap ulit. Oops. May nasilip na kandado na nakatago sa likod ng isang cabinet. Binuksan.
It… bulaga! Ayon kay CHR Director of National Capital Region Gilbert Boisner, ito ang bumulaga sa kanila: Mga preso! Halo-halo, mga babae’t lalake. Labindalawa silang lahat. Napakaliit na kwarto, bodega siguro. Parang mga sardinas ang mga tao sa loob. Siksikan. Walang bentelador, walang CR, madilim. Sa plastic bag ka magparaos, kung aabutan ka. Libre pa torture. Isang linggo na sila roon. Mga adik daw kasi sila, ayon sa pulis. Hindi alam ng mga pamilya nila kung nasaan sila. Hanggang P200,000 daw ang turing. Turing saan? Ransom. Bayaran mo ang mga bantay, makakalaya ka.
Kahindik-hindik. Masahol pa sa hayop ang trato sa taong walang kalaban-laban. Isa na namang abuso na tila kakambal na ng War on Drugs. Puro sila mahihirap. Walang abogado. May karapatang pang-tao sila pero sino ang makakaalam? Bayad muna para makalaya. Kaliwaan.
Isang ale na nakulong duon ng apat na araw ang nagsuplong. Na-tokhang na daw ang ama niya at kapatid na lalake, ibig sabihin napatay nang walang paglilitis, naituro lang. Yung P200,000 na asking, naging P40,000 na lang daw, kaya nakalaya ang babae. Pero ito ang masaklap: binawi ang testimonya. Hindi daw. Malamang tinakot. Ang mga pulis na sangkot sa karumal-dumal na pangyayaring ito ay nakasuhan na sa Ombudsman. Pero paano uusad ang kaso? Wala nang tetestigo.
At tinanggihan ng presinto ang pakiusap ng CHR na palayain ang mga preso. Kapal. Impunity.
Ganyan kahirap o kawalang-gana ang misyon ng CHR. Kung walang magrereklamo, paano na? “Kailangan ng push back,” sabi ni Chair Chito Gascon. Resistance o opposition ang ibig sabihin ng push back. Nasa CHR ang push back. Nasa taong bayan din, ang tinatawag na civil society. Kailangan ng push back.
Bakit mo ginagawa itong tila walang kabuhay-buhay na mandato ng CHR? “Alam mo,” sabi ni Chair Gascon, “ang makita ko ang anak kong babae na paalis na para pumasok sa umaga, yun ang ikinasasaya ko, duon ako kumukuha ng lakas.” Ibig sabihin normal pa rin ang buhay nila, at lahat ng pag-aruga ginagawa nilang mag-asawa para sa anak nila.
Nakunan ang asawa ni Chito na si Melissa nung unang pagkabuntis at labis na dinamdam ng mag-asawa. Medyo matagal muna bago sila naglakas-loob. Pagkatapos ng ilang taon, napadaan ang magsing-irog sa St. Clare Monastery sa Aritao, Nueva Vizcaya. Duon sila humiling ng tulong kay St. Clare para magka-anak silang muli. Nagkaroon naman sila—may himala!—kung kaya ang pangalan ng anak nila ay Ciara, Italian name ni St. Clare. Ang “C” sa Ciara ay binibigkas na “k.”
“I cherish that image in my mind,” sabi ni Chito. “Ang anak namin nagbababay sa amin para pumasok sa school. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa aking ginagampanan na katungkulan, ang mag-iwan ng magandang mundo para sa kanya, para sa katulad niyang mga bata.”
Alam ninyo, hindi ako OA, pero pagkausap ko si Chito, para akong nasa harap ng isang holy man, wise man. (Ayaw niyang tanggapin ito, pero sino ba ng nagsusulat?) Sanay kasi tayo sa paring maputi, matangos ang ilong, nangungusap ng mga mata, matalinghaga magsalita, seryoso at balbasarado. Siyang-siya. Sakto. Tanong ko, mabuti hindi siya nag-pari. “Almost,” sabi niya, “bago ako nag-asawa.” Babad kasi siya sa theology of liberation sa UPSCA, yung Christian faith in action.
“Political activism ang aking platform,” sabi niya.
“Yung pagpa-pari, andun lang yun, ang importante, magamit ko ang platform na meron ako ngayon para sa mga prinsipiyong ipinaglalaban ko.”
“Eighty-two per cent job approval rating,” patuloy ni Chito, “yan ang pinanghahawakan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Patuloy lang sila sa War on Drugs. Okay naman sa mga tao, katwiran nila. Pero paano yung 18 per cent na hindi sang-ayon?” (Pagkalipas ng ilang araw, inilabas ang survey na 54 per cent ang ‘di naniniwalang nanlaban ang mga napatay sa drug war. Hala.)
Marahil, isip ni Chair Gascon, hindi tumatalab ang mga mensahe ng CHR para magising ang karamihan sa karapatang pantao natin. “I look at that as a challenge,” sabi niya. “Speak truth to power” nga ang motto niya, ‘di ba?
Kung kaya may communications office na ang commission. Malaki na ang naitutulong ng upisinang ito para maipalaganap ang mensahe. Kasi nga naman, kung walang taong may alam sa karapatan niya, sino ang magrereklamo? Matumal ang CHR. Walang buhay, walang kwenta. Nganga.
Sa ilang segundo, parang nagmalaki siya, hindi kasi niya ugali ang pagusapan ang sarili niya. “Parang na-prepare naman ako na maging Chair,” sabi niya. “Ang nangyari sa akin nuong nakita ko ang kalunos-lunos na bangkay ni Ninoy, ang natutunan ko sa mga immersion projects sa UPSCA, ang struggle ng democratic left-of-center kung saan ako nakahanay, ang lahat ng mga ito ay naging preparasyon ko para sa katungkulang ito.”
“Kailangang palakasin ang Commission on Human Rights,” aniya. Civil servants kasi ang karamihan na empleyado, parang 8am to 5pm ang duty. “Gusto ko sana bente kwatro oras ang paninilbihan namin sa bayan,” dugtong niya. Parating pa lang sila duon.
Subalit sumisilip na ang bukang liwayway sa CHR. Ngayon pa lang, nakikita ni Chito ang parehong passion at commitment niya sa mga bagong usbong na abogado. “Kaya lang,” buntong hininga niya, “hindi competitive ang salaries namin. Pag magaling ka kasing abogado, three to four years lang, patungo ka na sa mas malaking sweldo o benepisyo.”
Meron siyang Monday morning pep talks, pampagising at pampagana. “Mahabang proseso ito. Nasa kalagitnaan pa lang tayo. Pero we have to make a difference. Alam ng mga tao sa commission na andyan ang chairman para maging magaling sila sa kanilang tungkulin, ang maging inspiration sila sa isa’t-isa para sa ikabubuti ng bayan.”
Ang masasabi mo sa bayang Pilipinas? “Tuloy lang tayo,” sagot niya, “tuloy lang tayo hanggang hindi ko na kayang gawin. I’m prepared to fight as long as I can.” Sinabi niya itong mga katagang ito nuong hindi pa ibinabalik ang annual budget ng CHR.
May sinabi siya sa Inggles, at isasalin ko sa wika natin: “Simula’t sapul, ganyan ang pananaw ko sa buhay… ang gagawin mo lahat sa abot-kaya mo, kung saan ka man naroroon at maniwala ka na magtatagumpay ka…
“Kung kulang naman, magsumikap ka ulit sa susunod na mga araw hanggang makamtam mo ang pangarap mo at magbunga ng kanais-nais ang pagsisikap mo…
“Maging punong-puno ng pag-asa, walang mangyayari kung mapipikon ka at magmumukmok…
“Pero duon ka lang sa mga kaya mong gawin, at h’wag naman masyadong dibdiban.”
Kaya pala siya tinawag na happy warrior. Wala lang.
Ano ang sinabi niya kay Speaker Pantaleon Alvarez nang mag-kausap sila bago ibalik ang budget? “Hayaan na lang natin na siya ang magpahayag,” sabi niya, “ang mahalaga naibalik, nadaan sa magandang usapan, walang bastusan, bigayan ng respeto. Ganyan dapat ang bayan.”
Paano naman mabibigo ang isang taong may ganitong pananaw? Nakapangingilabot ang galing, nakapangingilabot ang pag-asa, nakapangingilabot ang gaan ng pakiramdam. Salamat, Chair Gascon at ikaw ang aming Chair Gascon.
* * * * * * * *
Link to first article in series: May Mas Sasaya Pa Ba Kay Chito Gascon
Hard work for the CHR and yet sila pa yung parating pinapansin ng mga nasa gobyerno. sila pa yung sinasabihan na walang ginagawa. Shame on us all. Some people take it for granted that CHR is there to help them.
It’s good we have a Chair who’s media savvy, has the right skill set, will not back down, but is light-hearted. Makes for good endurance, light-heartedness. Pikon talo.
Salamat ulit Will, Medyo nalimutan na naman ng tao ang CHR matapos magkabudget ito.
Sa binigay momg kwento tungkol sa tila parang sardinas na preso, malawakang problema ito dahil walang gusto mamigay ng lupa para sa mas maraming kulungan at marami pang dahilan.
Ang pakiusap lang naman ng CHR ay ang pagtrato na di parang hayop ang mga kriminal, di ibig sabihin ay kumakampi sila sa krimnal.
Maiba tayo.
Sa aking karanasan bilang miron sa mga kwento ng mga retiradong Heneral,me napakinggan ako tungkol sa usapang body cam na tuwing raid na napunta sa pagsama ng abogado sa raid.
Nung panahion daw nya lagi daw niya sinasabi na iwan ang mga abogado dahil walang raid na mangyayari.
Nagulat ako dahil isang abogado ang Heneral na ito(retiredJAGO), pero kung babalansihin mo ay may punto rin sya.
Pero di na bumalik sa body cam ang usapan na sa tingin ko ay maganda ito pag natuloy.
Walang anuman, Karl. Light-hearted lang ako. Enjoy lang. Lessons from the Chair.
Tatlong bagay:
– Hindi ako nadis-apoynt sa ikalawang bahagi ng blog tungkol kay Chito Gaston. Tuwang-tuwa ako. Maraming salamat uli, Wil.
– Ang bakgrawnd ni Chito ay parang himala na nag-prepayr sa kanya belang CHR Chief. Sana alaga-an sya ng Dios Maykapal at ng mga taong may konsensya sa Pilipinas.
– Sana patuloy and pagsulat mo ng blog articles na gaya nito, Wil — more power to you.
Salamat, NH! Ramdam ko ang blessing mo.
Look at the idiocy of this govt ! After voting to defund the CHR with a P1000 budget and after Duterte slams it for meddling, it cites the country has a functioning CHR!
“Unlike some states that joined Iceland, Ambassador Almojuela said the Philippines actually has a functioning and independent Commission on Human Rights that is also fully compliant with the Paris Principles,” the DFA said.
https://www.rappler.com/nation/183911-philippines-commission-human-rights-chr-iceland-drug-war-killings
Soon Duterte will blame all the audio visual recorders for being edited to put him in a bad light, if he has not done so yet.
Even worse, this lunatic regime now wanting to place “Der Sturmer”-like suggestion boxes to hunt down anyone even remotely involved with narcotics.
https://www.rappler.com/nation/184038-dilg-orders-lgus-drop-boxes-drug-crime-reporting
Is there a curriculum teaching the Constitution especially the Bill of Rights in PH schools?
Sadly, no. I’m pretty much sure that most other countries have included those little things necessary to make children better citizens.
Duterte: Sinara yung account online.
DBS: Not possible to close accounts online.
Duterte: Accounts have small balances to avoid detection.
Question: Then how can small amounts be used for destabilization?
Duterte: I am not threatening you, pero uunahin kita…
Its like the devil saying I believe in God, but I am still the devil….
Duterte troll: Biased ang ABS-CBN! Biro mo, puro Kapamilya lang ang iniinterview sa Magic Ball 2017!
Rest of the country: ang tanga talaga nito…
*******
When you put things like that — side by side — one can see that Duterte is not only spouting lies. He is spouting nonsense.
*****
Sympathetic Vibration across the Pacific Ocean: Duterte and Trump.
(Normally Sympathetic Vibration applies to a neighboring body, but the madness is so strong, the Pacific Ocean is no barrier.)
CURRENT INSTITUTIONAL STRENGTH:
AFP + Ombudsman + CHR + Part of the Senate + Part of the Supreme Court + Awakened Citizenry
You have to add church to that. Even the cops are now willing to testifiy on EJKs.
https://www.rappler.com/nation/184020-police-seek-sanctuary-catholic-church-testify-ejks
Just to red-team the formulation:
Diehard Duterte supporters (tribal and ideological) + Part of the Senate + Part of the Supreme Court
Analysis: Much of that initial base is now moving to neutral. They may not be shifting to the opposition, but they will not defend Duterte. The tide is turning.
You have to add church to that. Even the cops are now willing to testify on EJKs.
YES!
NEDA Sec. Pernia on the launch of National Statistics Month: “I completely abhor fake news. We’re supposed to be scientists”. – from CNN reporter Claire Jiao twitter acct.
Sabi mo yan, a . Balikan natin yung statistics ni Digong sa number of drug addicts, number of cops into drugs. tsaka yung sinabi niya na manipulated daw yung exchange rate ng mga amerikano.
Totoo ba yon o fake news?
The once credible Pernia got into some bad roads and got lost along the way. I hope he has mended his ways and can be trusted from now on. Otherwise he will be among those saying, “Joke only, naniwala naman kayo kaagad.”
Can the CHR investigate this?
Very dangerous for my Human Rights…..
https://www.rappler.com/nation/184038-dilg-orders-lgus-drop-boxes-drug-crime-reporting
Coincidentally, as a mutual friend wrote, there’s Diño as the incoming DILG USec.
Jodesz Gavilan
@jodeszgavilan
Published 1:54 PM, October 02, 2017
Updated 1:57 PM, October 02, 2017
For Gascon, Aquino admin failed to ‘connect with grassroots’
Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon says the Aquino administration was competent and had achievements yet there was a ‘sense that the government was distant from the people’
https://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/184031-chito-gascon-aquino-administration-failed-connect-grassroots
*******
I think the article shows the Filipino’s general inability to think on his feet.
The question asked was about “the major mistakes of LP and Aquino admin that led to a Duterte regime.” [Bolding mine.]
In effect, the premise is one of causation: “the Duterte regime” was caused by “the major mistakes of LP and Aquino admin.”
Having missed the causation implied in the question, Gascon had to elaborate on his initial answer.
The question begs the question: Did the [major] mistakes of LP and Aquino admin lead to the Duterte regime? Or was it the ignorance and neediness of the voters?
I would have rejected the question. Or said, “Hey, wait a minute. The question does not compute.”
*****
Emotionalism and some incidents does quite influence votes, such as the continuing problems of the MRT, chronic traffic congestion, and “laglag-bala”.
People had difficulty trying to relate with Roxas (and Sanchez doesn’t seem to help, either), as his unpopularity was helped by social media machinery, so they put their bets on the Sultan Mayor, thought to be the next Great Leader.
…On the basis of the size of his house.
Don’t forget the kulambo. 🙂
GANITO KATANGA MGA TAO NI DUTERTE
Last wk thousands of Dutertrolls liked or said yes to a post that said “Like or post yes if we are credulous of Duterte.” (without knowing what credulous means)
Today, this is what the PNP chief said:
Dela Rosa: If we go by the pretext that almost all crimes are drug related, sa data natin, [our] crime rate has gone down by almost 40%. (from DZMM Teleradyo twitter acct)
He doesn’t even know what PRETEXT means. 🙂 aha ha ha ha ha Sabagay, pretext lang talaga yung drug storyline….:)
Well, let’s not forget some members of high society like her:
Maraming salamat, again, Kuya Will and Chair Gascon. Kayo po ang liwanag sa kadiliman na bumabalot sa bansa ngayon. Dahil po sa mga Filipinong kagaya ninyo, malapit ng pumaiibabaw na naman ang tama at makatarungan.
Nagsalita na po ang Bayan nuong September 21.
“It is no longer a question of *if* but when his regime will fall – and what will replace it.””
https://www.rappler.com/thought-leaders/184107-rodrigo-duterte-downhill-from-here
Ah, my good friend (only in my mind because I rather like the guy) Walton Bello crashes in with a prediction that will likely ripple across the social media landscape today and contribute to his prediction.
Thanks for providing the early read, Juana.
Walang anuman, Juana. Yes, the process doesn’t end when Duterte leaves in whatever form of exit, natural or otherwise. We still have to learn a whole lot about nation building. But how do you teach love of country? Will people like Chair Gascon be always a small minority?
I think for PH to have a mature democracy, a lot of teaching need to be done. There were a lot of people who do not know about the purpose of different institutions and even their rights and responsibilities as citizens of a sovereign nation.
Paano po natin matutulungang maunawaan ng mga Filipino na collaborative effort ang nation building? Na walang mang-aapi kung walang nagpapa-api? Na meron silang laban kung sila ay nasa tama kahit sila ay maralita? Paano po maabot ng Pilipinas ang democratic maturity kung walang consensus ang Bayan tungkol sa mga tama at makatarungan?
Walden Belo, who I find gets a reasonably good credibility in TSH, used the phrase moral momentum in that article. It seems very appropriate with our times and comes like a prelude to the coming October 6 blog article of edgar which I eagerly await.
Billion dollars in revenues and over a million jobs are at peril. The BPO industry has been contracting for the past 4 consecutive quarters.
In combination with dwindling numbers of OFWs because of the economic downturn in Middle East, this could be the start of PH economic instability.
https://asia.nikkei.com/Business/Trends/Philippine-BPO-industrys-problems-are-no-longer-just-Trump-and-Duterte
“In accusing Morales of corruption, Duterte narrated the story of former Insp. Rolando Mendoza, who hijacked a tourist bus and eventually killed eight Chinese tourists from Hong Kong in 2010.
Mendoza, who was also later killed, Duterte said, had complained of being charged with MISCONDUCT BECAUSE HE COULD NOT PRODUCE THE MONEY ASKED OF HIM. The police officer was eventually dismissed from the service.” – INQUIRER
Trillanes also asked that accused Chinese Tiu PRODUCE THE TCT of BinayLand …
DUTERTE MADE UP THE BANK ACCOUNT OF TRILLANES to entrap him …
Gloria Arroyo was released from prison because the lawmakers/accusers cannot prove beyond reasonable doubt … of their accusation ….
Janet Napoles was found not guilty in kidnapping of his nephew …. as alleged in the newspapers …
There are so many high-profile accusations that melted into embarrassment … well, for me, i would be embarrassed but it seems NOBODY IN THE PAPERS ARE EMBARRASSED AT ALL BECAUSE THERE WERE NO NEWS OF THEIR EMBARRASSMENT ….
The only real deal that stuck and were proven were those of Erap and Renato Corona … but, hey, this happens few and far between … I would say they just got lucky …
There is a pattern in the Philippines. Drop a gossip here and there and they just go nuts analyzing.
Catch22 on analyzing gossip.
If you belive it right away- you are gullible.
If you analyze it and you are nuts.
Sala with out Aircon and Sala with Aircon.
Sala sa init Sala sa lamig.
O.T.
Anyway, it is like what the Ombudsman told already…no need to sign a waiver…
The basics: Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
Basahin sa Filipino
What is a SALN?
SALN stands for Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. It is a declaration of assets (i.e., land, vehicles, etc) and liabilities (i.e., loans, debts, etc), including business and financial interests, of an official/employee, of his or her spouse, and of his or her unmarried children under 18 years old still living in their parents’ households. The submission of a SALN is required by law under Article XI Section 17 of the 1987 Constitution and Section 8 of Republic Act No. 6713, the “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” It includes a waiver authorizing the Ombudsman or his authorized representatives to attain documents that may show assets, liabilities, net worth, business interests, and financial connections from all appropriate government agencies.
http://www.officialgazette.gov.ph/saln/
Thanks, Sup. That explains CJ Sereno’s comment that her SALN was accompanied by a waiver. And the Ombudsman can insist on financial records from AMLC without any specific additional action. Perhaps that is why the Omb was quick to comment on the Trillanes complaint. They already KNEW some things.
Hats off ako sa iyo, Will. Ke Tagalog o English man…napakagaling mong magsulat.
Salamat sa 2 Parts interview ke Chairman Gaston.
Ang tumimo sa isip ko sa Part 1 ay yung napakabata pa nya e ipinamalas na nya ang kanyang pagiging makabayan. Oo nga ano, mula pagkabata nya, isa lang Presidenteng nakaupo at nakita nya. Maaga syang namulat, di katulad ng iba na puro pagpapakasaya lang ang hanap sa buhay.
Part sya ng nag vigil sa burol ni Ninoy, part sya ng EDSA 1 at 2, pinakabatang member ng Constitutional Convention na nag draft ng 1987 Constitution kaya alam nya ang background ng pagkatatag ng CHR na ang layon ay ipatanggol ang karapatang pantao na nilabag at nilalabag ng gobyerno.
Malinaw yan, gusto lang palawakin ng DDS para ma-cover ang lahat ng karapatang pantao. Sabi nga ng isang kolumnista sa PhilStar, e kung ganun, trillion dapat ang budget para may sundalo, armas, helicopters at ibang pang gyera sa mga terorista ang CHR o para mahabol, madakip at makasuhan ang mga drug addicts na pumapatay, nagnanakaw at nagre-rape. Anong magagawa nga naman ng 508M. Sana madagdagan ang budget nila para bukod sa imbestigasyon, ma prosecute din nila at ma follow up lahat ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Hanga ako kay Chairman, relax lang at masayang lumalaban; mahaba pa ang laban. Mabuhay para makalaban pa sa susunod na mga araw. Live to fight another day. Sana kontrolado lagi ang blood sugar nya para lagi syang malakas at humaba pa ang buhay nya. Isa sya sa ating mga bayani ng EDSA 1 na di nagbabago ang pagiging makabayan at hindi nilamon ng sistema ang prinsipyo.
Pagpalain ka nawa at ingatan ng Poong Maykapal, ganun din ang pamilya mo, Chairman.
Gracie, kumusta ka na! Long time no see here. Sarap naman ng mga pangungusap mo. Parang unan sa gabing masarap matulog na walang iniindang konsensya, tulog na mapayapa at kawalang malay. Kung kapareho mo lang sana ang karamihan sa mga Pilipino, kay sarap mabuhay sa lupang tinubuan. Magtatagumpay tayo. Iba na ang simoy. Till next time. Ingat ka. Yung health mo. Iisa lang ang Mary Grace.
Eto, nagpipilit na maging parte ng laban para sa demokrasya. Malakas ang spirit, mahina ang pisikal na katawan. Kung may kasama ako na myembro ng pamilya ko, kasama nyo ako sa lahat ng rallies pero ayaw kong maging pabigat…alam ko ang aking limitasyon. Salamat sa pagkumusta, salamat sa lakas ng loob na dulot ng salitang “Magtatagumpay tayo. Iba na ang simoy”. Ingat din kayo ni Baby sa lahat ng lakad. Kasama kayo sa lahat ng panalangin ko.
Sana ay mabilis kang gumaling sa iyong health problem. Kailangan ka ng ating mga kababayan. Meron na namang pagasa na bubuti ang sitwasyon sa madaling panahon. Pagaling ka, kaibigan.
Hi, JP.
Truly missed commenting here. Am reviewing past articles and the insightful comments that follow each one.
Kaisa mo ako sa pag asam na bumuti and sitwasyon sa madaling panahon. Sana di na madagdagan ang mga biktima ng EJKs at political persecution. Ang pagbuo ng Citizen National Guard ay nakakabahala.
Salamat sa concern re my health issues. I’m good, just being careful not to test my endurance beyond my limitation so as not to aggravate matters.