Bombay!

[Source: Pinterest]

ni Wilfredo G. Villanueva

Anong elemento sa kulturang Pilipino ang nag-udyok o nagbigay-daan sa konsepto na pwede si Rodrigo Roa Duterte na maging pangulo ng bayang Pilipinas? Tingnan natin kung makabibigay ako ng kaunting liwanag sa binuksan kong usapin na ito.

Manumbalik tayo pansamantala sa panahon na naghahanap tayo ng papalit kay Pangulong Benigno S. Aquino III. Patong-patong ang traffic sa Metro Manila, parang parking lot ang EDSA. Ang MRT ay sirain; ang pila para makasakay ay suson-suson, buwis buhay. Maraming katanungan ang bumabalot sa pagkamatay ng 44 Special Action Forces personnel sa Mamasapano; manhid daw si PNoy, kasalanan daw ni PNoy ang trahedya. Ang pondo na nalikom para matulungan ang nasalanta sa Yolanda ay nawawala daw.

Daw.

Tinanggap naman ng ibang Pilipino na malala na ang problema ng bayan. Hindi naman sila karamihan, pero sa labanang plurality, hindi majority of votes, ‘yun bang kahit ilan pwedeng tumakbo para ihalal na pinuno ng mga pinuno ng Pilipinas, natalo ang inindorso ni PNoy na si Mar Roxas kahit na hindi naman talaga karamihan ang sumang-ayon sa pagka-bargas ng kandidatong si Rodrigo Roa Duterte, na tinawag ng Time magazine na The Punisher.

The Punisher ang titulo ng isang pelikulang Inggles na ang bida ay pumapatay ng mga masasamang loob. Nag-click ang nickname ni Duterte na The Punisher nuong panahon ng kampanya.

Mali ang ginagawa ng The Punisher sapagkat hindi dapat pangungunahan ang batas sa paglipol o paghusga sa taong napapariwara. Pero kapag isinama mo sa halo-halong kalamay na kapalpakan daw ng administrasyong PNoy, aba’y napaka-inam na meron ding The Punisher ang bayan. Para mabilis ang pagpataw ng hustisya.

“Bombay, Bombay!”

Humihingi ako ng dispensa sa mga kapatid nating taga-India na piniling manirahan at maging mamamayan ng lupang hinirang. Nuong bata pa lang ako, malalaki silang tao, maiitim. Nakabalot ng tela ang ulo, maitim ang mga mata, malagom ang boses, at tila…

Nakakatakot. Bogeyman ang tawag dyan sa wikang Inggles. Kinatatakutan. Ang definition ng bogeyman ayon kay Merriam-Webster:

  1. a monstrous imaginary figure used in threatening children;
  2. a terrifying or dreaded person or thing.

Sa wika natin, isang kathang isip na sobrang nakakatakot na ginagamit para masuheto ang mga bata, pwedeng tao o bagay.

Hindi na ginagamit ang Bombay para manakot ngayon. Pero nakabaon pa rin sa pagiisip ng mga magulang na gumamit ng tao o bagay na nakakatakot para sumunod ang mga bata. Pwedeng si Akang, luko-luko sa kanto, sinturon, tsinelas, stand in the corner, walang video game o gadget. Ang punto, takutan ang siste.

Pwedeng ihambalos sa mga bata ang mga pananakot na ito para sila magsipilyo, kumain ng husto, matulog sa tamang oras, o umuwi na, dahil magdidilim na.

Ayun. Sapul. Umuwi na dahil maggagabi na. H’wag mag-istambay. H’wag mag-drugs. Nakitang pwedeng Bombay ang turing kay Duterte, panakot ng mga magulang sa mga anak nilang pasaway.

Alam ninyo ba nuong nakaraang linggo, narinig ng asawa ko sa isang department store na naguusap ang dalawang tao na tila may isyu. Hindi yata mainam ang patutunguhan ng usapan, at yamot na ang isa dahil makulit yung katapat niya. Alam ninyo ba ang sinabi nuong yamot na?

“Isusumbong kita kay Duterte.”

Napatahimik daw yung makulit, natigilan, napa-isip.

Hindi ‘yan nagiisang pangyayari. Yung kaibigan ko, nang pinaguusapan namin na hindi kanais-nais ang palakad ni Duterte sa gobyerno, hindi siya masyadong anti o laban kay Duterte katulad ko, pero heto ang sinabi niya:

“Pero alam mo, Will, ang mga government employees umayos sa trabaho nila. Ang sinasabi kapag mahina-hina ang serbisyo ng isang empleyado ng gobyerno, yung tatamad-tamad o palaging late: ‘Isusumbong kita kay Duterte.’ At sumusunod naman daw sa tama.”

Makulit kasi tayo. ‘Sing tigas ng niyog na pang-copra ang ulo natin. Ayaw paawat sa ating mga maliliit at malalaking pagsuway sa batas. Ang motorista, halimbawa, bigla ka na lang ika-cut. Nakakasira ng araw, ‘di ba? Iho-holdup or pagsasamantalahan ang babae. Hindi manunukli ng maayos. Ayaw maghatid ang taksi. Mausok ang kwarto sa usok ng sigarilyo. Pati tambutso sa lansangan. Ubo-ubo! Red light na, iaarangkada pa ang sasakyan. Maraming pagkakataon kung bakit sinasabi natin sa sarili natin na wala na yatang pag-asa ang bansa natin kasi ayaw talagang madisiplina ang karamihan sa mga Pilipino. May mga matitino pero gasino na sila kapag kinuyog ng mga walang modo.

Kaya ayan, nakakuha ng katapat ang mga makukulit. Hindi nila kayang magdisiplina ng anak nila o ng sarili nila? Duterte. Palpak ang gobyerno, makupad? Duterte. Wala yatang patutunguhan ang bansa? Duterte. Nakakatakot ang mga nagkalat sa daan na tila ire-rape ka, papatayin o nanakawan ka? Duterte. Ibalik kaya natin si Marcos, bahala na si… Duterte, siya na lang mag-isip para sa atin, panahon na para tayo magka-strongman o diktador. Kamay na bakal, oks na ‘ko dyan.

Nakakatakot si Duterte.

Makabubuti kaya ito sa bayang sawi? Na ang palakad natin ay parang magulang sa batang ayaw sumunod sa utos? Ang sabihin na may Bombay, kukunin ka nun, kaya ikaw bata ka, kumain ka ng gulay, andyan na ang Bombay, andyan na, andyan na. Tama ba na takot na lamang ang ilalapag natin sa bayan, kasi nga, puputi ang uwak pero ‘di talaga madidisiplina ang Pilipino?

Ewan ko. Hindi kasi ‘yan ang pamamaraan ng Tatay at Nanay ko nuong nagbinata ako na sira ulo. Ipinakita nila ang tamang gawain, leadership by example, ‘ika nga, at nakonsensya ako, kusa akong tumino. Kaya kahit wala na sila (sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila), matino pa rin ako. Hindi kasi takot ang pinairal nila sa akin. Malumanay na pamamaraan, hindi ako pinalayas dahil ang sama-sama ko, hinintay pa rin akong umuwi, hinintay nilang bumait ako, hindi nagmaliw ang pagmamahal nila sa akin kahit na nung bata daw ako mukha akong anghel pero nung binata ako bakit daw mala-demonyo ang hitsura ko?

Kusa akong tumino dahil minahal.

Kusa kayang titino ang Pilipino? O maghahanap na lang tayo ng Bombay II pagkatapos ng Bombay I—ng nakakatakot para tayo sumunod? Isip bata kasi tayo, kaya ayan, ang pinuno natin, kaya ngang sawayin ang ayaw magpasaway, pero ito ang napala natin.

Kayo na lang ang mag-isip kung ano ba talaga ang napala natin. Pero isang ragasa, mabilis lang: West Philippine Sea, bank waiver, tato ni Vice Mayor Paolo Duterte, parang nasapian kung nagiispeech, mura dito, mura duon, bagsak ang piso, kumakalas na mga investor, sa mga jeepney driver: “P—ng i–, magtiis kayo sa hirap at gutom, wala akong pakialam.” Ano pa? Ah, kabastubastusang Sal Panelo (presidential legal adviser ‘yan), fake news ni Asec Mocha Uson, baril galing China. Sabi nga ng kaibigan kong si Mary Grace Gonzalez, tubong Batangas:

Aaargh!

Sa gustong sumunod, maraming paraan, sa ayaw sumunod, maraming dahilan. Kitang-kita na ang kapalpakan ng administrasyong Duterte, pero ayaw pa rin natin bitawan ang konseptong:

Dapat Nakakatakot Para Sumunod.

Gusto natin si Pangulong Duterte dahil mala-Bombay ang dating. Sorry po, Mr. President, pero yan lang po ang tingin ko sa inyo—mainam na panakot—kahit na sabi ng iba na malumanay naman daw kayo’t mapagmahal sa pribadong buhay.

Pero kung hindi ‘yan ang tunay na Pangulong Duterte, ‘yung nakakatakot, ‘yung gigil sa gatilyo, ‘yung bukambibig rape, kung mabait pala siya sa kanyang mga mahal sa buhay, ano siya?

Hindi ba niya tayo love?

Ipagpapatuloy pa ba natin ang kaisipang Change is Coming? Ang Change is Coming pala ay EJK, wala nang West Philippine Sea, bastusin ang mga kaalyado, magmura’t magbalahura. Hindi ba dapat pagmamahalan ang tema ng Pilipino? Napatunayan natin ang galing ng lahi natin, na ayaw nating dumanak ang dugo, nuong EDSA One, na mapagmahal at maka-Diyos tayo. Anyare?

Anyare?

Ayaw ko pa rin sumang-ayon na wala na tayong pag-asa. Ang ganda sana ng hinaharap natin kung didisiplinahin natin ang sarili hindi dahil may nakakatakot na Bombay, kundi dahil mahal natin ang bayan at ‘di pwedeng manumbalik na naman tayo sa diktaturya kung saan isang tao lang ang nag-iisip at para tayong mga kambing na pang kaldereta. Sarap. Ang problema, hindi tayo masasarapan. Iba ang masasarapan sa atin. Katay na tayo.

Nasasatin ito. Panahon na para tayo mamili. Kwarta o kahon?

 

Comments
73 Responses to “Bombay!”
  1. Mamili namin kasi kayo ng Bombay na mas bata at guwapo, iyong tipong Action Star na tagaligtas. Baka umobra. O baka hindi.

  2. Cortyinjp says:

    Thank you, Mr. Villanueva. This is by far your best piece of writing. I haven’t seen the English version yet but there’s nothing like reading it in Tagalog. Thank you too Joe!

    Eternally grateful to Joe and all contributors.

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Nakakakilabot naman ang comment mo, cortyinjp. Salamat. Ang gusto ko lang naman kahit isa lang ang ma-touch, okay na ako. Sulit. Quota na ako.

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      No English version this time. Paki Google Translate na lang muna, please, ‘yung mga interesado.

  3. Edgar Lores says:

    *******
    Choose:


    *****

  4. Mary Grace P. Gonzales says:

    As usual, ang galing!

    Natatandaan mo nung umpisa pa lang na martial law at New Society ni Marcos. Eto ang pambansang mantra:

    Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.

    Ok nung umpisa, parang tumino ang mga pasaway. Pero mga mamamayan lang pala ang gustong idisiplina, sila’y nag-umpisang waldasin ang pera ng bayan. Nalimutan ni Imee ang distilled water at special shampoo para sa makapal nyang buhok noong nasa Baguio sila, ‘alang problema…naka park ang plane ng PAL, balikan para kunin, baka masira ang hair ng prinsesa.

    Kailangang me trabaho si BBM? Aba kahit naglilimayon lang kung saan saan, gawing pinakamataas na opisyal ng Philcomsat…aba ang laki ng sweldo…ayos ito. Nepostism? ano yun…para lang sa orinaryon mamamayan yan, tayo ay mga hari at ang Pilipinas ay property natin.

    Kailangan maitala sa kasaysayan ang ating pamana, magpagawa tayo ng nuclear plant, mga highways, atbp…uutang tayo ng uutang pero ang komisyon kelangang itago sa Switzerland at sa Austria…matalino ako, di nila madidikubre and kawalan ko ng disiplina sa sariling prinsipyo at pananagutan.

    Aba, nawawala na ang disiplina ng mga tao, umaalma na, nagrereklamo na, arestuhin, parusahan, patayin para maging halimbawa.

    Ayan ang Bombay na ginaya ni Digong.

    Ang mga tao sa halip na gamitin ang kapangyarihan nila para disiplinahin ang sariling anak, ipinaubaya sa presidente and trabahong dapat ay kanila. Ni ang sarili di nagawang disiplinahin para pag-aralan ang kabuuang larawan…makitid ang isip at sumama sa katulad nila kung mag-isip.

    Ayan, kumusta tayo? Nakakahiya sa ibang bansa na pumapayag tayo ng ganituhin ng isa pang Bombay na matindi pa kay Marcos kung mag-utos na pumatay at ang magnakaw kasama ng pamilya nya.

    Aarrgghh!

    • Tila ang gusto ng maraming Pilipino, sila ang may wang wang, sila mag counterflow, sila ang maghari sa daan at kung saan pa.

      Kung sumusunod ka, mas mababa ka, baka pagtawanan ka. Kaya naghahanap ng panakot na makakapitan para malakas sila – kuno.

      Kaya ang nangyayari, mga pinipiling pinuno tulad din ng karaniwang Pilipino. Ako muna, kami muna, kung maghirap kayo bahala kayo!

      • Mary Grace P. Gonzales says:

        Parang mga nakawala sa koral o hawla, napagod sa halimbawa ng pagkadisente ni PNOY, gustong magpakatotoo at ilabas ang pagka bulgar, kawalang konsiderasyon sa kapwa…iyan ang painauso ng presidenteng inidolo at inihalal nila.

        Nakakahiya talaga ang mga Pinoy na nagsisigawan sa pag sang-ayon, pumapalakpak sa bawat kabastusan at pagkakalat na ginagawa sa loob at labas ng bansa Resibo:

        Andanar calls Antonio “Sonny” Trillanes IV & Leila de Lima as “maiingay”.
        He asked: Bakit hindi nakukulong si Trillanes? The crowd erupts in laughter.
        Andanar claims that Trillanes is not in jail because Duterte respects his freedom of speech.

        Andanar: Kung maingay si Trillanes, mas mag-ingay din tayo. Kung ginagago ni Trillanes ang pangulo, gaguhin din natin siya.

        Andanar talked about planned destabilization against the Duterte government and cited EDSA 1 & 2 as examples of destabilization.
        Martin Andanar, head of the PCOO, calls EDSA 1 & 2 as destabilization.

        If you want proof, watch Malcolm Conlan’s latest FB live.
        Andanar: Kaya nga kayo nag-Brexit di ba dahil wala na kayong tiwala sa EU? Hindi kami nakikialam sa EU, bakit sila nakikialam sa atin?

        Andanar to EU: Bahala na sila sa buhay nila. Mag-iyot na lang sila.

        Crowd laughs and chants “Duterte! Duterte!”.

        Andanar: Yung mga maiingay na pala-iyot, ang problema sa kanila hanggang ingay lang. Wala naman silang napatunayan.

        Andanar: Yung mga nasa baba lang ang maiingay dahil nga kulang sila sa iyot.

        • Wilfredo G. Villanueva says:

          H’wag gagalitin ang tubong Batangas. Mas nakakatakot pa sa Bombay kung magalit.

        • May mga tagaritong kulang sa iyot at mayaman na nagtanong na sa akin kung magkano escort fees ng USex at ASex ni Martin. Kaya daw nilang magbayad ng sapat para tumaas uli.. ang piso. Kondisyon ko kay Andanar, hati kami sa komisyon. Iblow out ko ang TSH. 😀

          • Mary Grace P. Gonzales says:

            Sasot and Uson are self-confessed sex escort/guru/bold dancer respectively. Who knows, they will perform the required service for the national interest to prevent destabilization, patriotic as they are.

            Seriously speaking, the recent political rants and green jokes against the EU diminish us for sure.

      • Wilfredo G. Villanueva says:

        Kailangang dumami ang mabubuting Pilipino para mawalang-bisa ang kamandag ng mga walang disiplina, kasama na ang napili nilang mamumuno na kopya nila.

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Ayan, nag-aaarrggh na.

  5. madlanglupa says:

    Naalaala ko na bakit panakot ang Indian noon sa mga bata — kasi ang trabaho nila dati ay bilang security guard sa mga bazaar at iba pang tindahan sa Escolta.

    • karlgarcia says:

      Dito naman tandang payong daw.
      Ang daming panakot.
      http://thepoc.net/index.php/ang-pinoy-at-ang-kanyang-payong/

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Oo nga. My Father said they could sleep standing up.

      • Mary Grace P. Gonzales says:

        Like our office guard here at BGC, (the staffs have been jovially pointing that up to us, that indeed, he can sleep while standing up) I suspect that he is a member of the CNG and the latest one launched by the First Daughter and their family’s BFFs nowadays – Samahan ng mga Plunderers na may Malasakit sa kanilang Bulsa, este sa Bayan. He was absent for 2 days, the day of the launch and the day after. Strangely, he is absent again today and I’ve never known him to be away from work this long.

        I once mentioned here that he showed me his ID signed by Du30 as a member of a civilian paramilitary group formed right after Du30 assumed power.

  6. karlgarcia says:

    Now that Irineo has introduced Bollywood, now after bogeyman, Bumbay was or still is associated with 5-6 or usury.
    Sabi nila wala tayong access sa loans sa pormal na institution kaya kahit ang laki ng patong ay pinapatulan natin.
    Ito ang bumuhay sa underground economy natin, kaya nga balak na itong gawing legal.
    Pero ang masaklap dito pati LGU ay pumapatol sa 5-6 at kolaterak ay internal revenue allotment.

  7. karlgarcia says:

    Kung ayaw na natin magsumbong kay Tulfo, anung gusto nyo magsumbong ke Duterte?

    Sumbong na lang natin sa pulis?
    Nakow ! Idrap box natin para di tayo mabisto.
    Siguraduhin lang na me sumbrero at shades para di makita sa cctv.
    Patay tayo dyan!

  8. grammy2342 says:

    Parang, parang dyok dyok lang kayo. Kasi hindi naman talaga okay. Ano ang solusyon? Itanong sa kampupot.

  9. Wilfredo G. Villanueva says:

    We were not able to completely eradicate Marcos of the weeds. The present admin exposed the weeds and they have grown to full height. Will we uproot the weeds, or will we find contentment in them, like in Stockholm Syndrome, loving the captor?

  10. NHerrera says:

    Isumbong kita kay Duterte.

    At nanganak ng “ Isumbong na Salita” patungkol sa mga alipores:

    * Isumbong kita kay Aguirre para magamit ang affidavits ng mga convicts sa Bilibid; at ayos ka.

    * Isumbong kita kay Alvarez at ma-impeach ka.

    * Isumbong kita kay Gordon para ma-mura ka at maka-payl ng complaint sa iyo sa Ethics Committee ni Sotto.

    * Isumbong kita kay Uson at ma-fake news ka.

    AT ITO ANG MAGANDA

    Ipabasa ko ang mga kuwento ni Wilfredo Villanueva para matuto kang magmahal ng Filipino at magmahal ng disiplina para sa ikabubuti ng sarili, pamilya at bayan, hindi dahil sa ikatatakot sa Bombay II.

  11. NHerrera says:

    Off topic

    Sorry for this off-topic item so soon after the discussion on Wil’s “Bombay” article, but the following is related in a way.

    As I have mentioned several times already, there seems to be a Sympathetic Vibration across the Pacific Ocean. Trump is a panakot or a US Bombay — not to the US citizens in general but — to the Republic Incumbents in the House and Senate. Senators Corker and Flake were very harsh (and true, if I may add) in their denunciations of Trump as debasing the country and its citizens. They are not seeking re-election. But the others, are measured in their criticisms, if any, of Trump — obviously cowed or natatakot kay US Bombay.

    Same, same.

  12. NHerrera says:

    The peso is currently at PHP 51.87 per USD. And that is not due to the turbaned Bombay with his 5-6 terms. Good for the OFWs but bad for your vehicle’s fuel and soon your jeepney fare.

    • NHerrera says:

      Government: do not be alarmed. The peso’s weakness is due to the funding requirements for the government’s infrastructure program. This is only temporary.

      What?

      The whole set of Infrastructure Projects has gestation or implementation period in years, even long after the current economic managers are out of the picture.

      • Sabtang Basco says:

        Infra program in the Philippines are not coming out of their pockets they are in the form of AIDS and LOANS. There are big infra projects in Cebu. “Are” not “Is”. They are now in the pipeline and approved by Japanese Aid people. According to news report Duterte promised to have these projects finished before his term is finished.

        They are:
        1. New Cebu International Port. “New” because they have the “old”.
        2. Bus Rapid Transit
        3. MRT Mono rail
        4. A third bridge to connect Mactan Island

        All Multi-Billion Projects funded not out of the pocket of the government but funded by Japan eventually paid for by all Filipinos for the benefit of Cebuanos. No wonder Duterte are rooting for Duterte because they are being touched by him tangibly.

        I’ve been to Cebu. The place is as gridlocked as Guangzou and Beijing. Their Department of Foreign Affairs office, where we renew our Visas, is in the back of the city with those little small streets.

        Depreciation of peso is seasonal. It depreciates during their Christimas Season because they import luxury chocolates, clothes and apples. Apples? Yes, Apples! They import it from China for their New Year Eve’s ritual of must-haves 12-round fruits on the table to mean more money to come.

        This is where Filipinos are wrong. Round and circle means “loose change” and this is what they are asking for instead of paper bills. Filipinos should have paper bills in their pocket or wallet if they still have money left-over after Christmas gift-giving.

    • karlgarcia says:

      Bad for electric and water bills too due to that foreign currency differential adjustments.

      • NHerrera says:

        Right.

        I do not have the main variables and the relative weights that drive inflation as well as GDP growth and will not even attempt to research and analyze — since we have people like chempo in TSH who are handy with this sort of thing, but if I have to guess, the peso value deterioration is probably more negative than positive for the PHP.

      • Sabtang Basco says:

        Ha! Electric bill in the Philippines is the most expensive in Asia !!! Internet is the most expensive in Asia !!! They can lower it if they want to but …. of course, the mestizo class wanted more money to spend and maintain their lifestyle. GREED !!!!

        • karlgarcia says:

          Chinoy is the prevailing mestizo.
          National Grid is run by the Sys.
          There is a proposal for Transco to make use of Transmission lines for Internet usage, the Sys are already has one foot inside the Transco, the obstacle now is Congress.

          All new technologies for renewables are so damn expensive.
          Many fail to launch.
          In the UK a large WTE plasma gasification plant was built only to give up later.
          Now many studies are showing up to get rid of fossil fuel usage, by converting garbage to syngas other than plasma gasification and that syngas be converted to biodegradable plastic.
          Another is this artificial photosynthesis also called the artificial leaf, which mskes use of the sun and simulate tgr photosynthesis process to store energy in fuel cells.
          And of course there is Elon Musk which promises to bring power to typhoon ravaged Puerto Rico.
          On the Internet aspect Google promised Baloons for internet access.
          Maybe we can ask Musk and Google to give some to us.

          • karlgarcia says:

            Speaking of Musk.
            Expensive good intentions can go to waste.
            Elon Musk blew up a Zuckerberg Satellite because of his failure to launch.

            https://gizmodo.com/mark-zuckerberg-is-deeply-disappointed-spacex-destroy-1786054764

          • Sabtang Basco says:

            Davao Light & Power serving Metro Davao, Cotabato Light & Power serving Cotabato, Visayan Electric Company Cebu, Hydro Electric in Luzon are owned by Aboitiz. Ernesto Aboitiz used to be the President of NAPOCOR in the days of President Cory Aquino.

            MERALCO by the Lopezes now by Pangilinans? I still do believe in proxies and dummies.

            INTERNET
            Sun
            Sky
            Globe
            PLDT
            JUST NAMING THE BIG ONES

            Let us put all of these in context …. do you find any “Filipino” not in name but in ethnicity and culture in Forbes’ Philippines richest? https://www.forbes.com/philippines-billionaires/list/

            If there are no “Filipino” therefore Water, Power, Internet and by proxy … THE GOVERNMENT is owned by a few. The government is just a puppet on a string.

  13. Sabtang Basco says:

    Cesar Chavez, the Mexicans and American historians ROBBED FILIPINOS of the glory of worker’s rights. During those days Filipinos were discriminated. It was natural back in those days to discriminate so to me it is a non-issue.

    Watch it here: https://www.youtube.com/watch?v=FNCZ8sGJs8I&feature=youtu.be

    Agricultural Stockton, CA is in Central Valley of California. It is crime-infested. Highest poverty and teen pregnancies that planned parenthood centers are like coffeeshops in New York in every street corner. It is normal to see people staggering with liquor in hand. Unemployment was at 20% in 2010 today is 8.3% compared to state average of 4%.

  14. Many moneylenders in the Philippines are (still!) Punjabi Sikhs.. exactly the type Will chose.. Sikhs are warriors, wear turbans (with a sword hidden in them, at least traditionally) and mostly have Singh as a surname… someone once told me Mayor Bagatsing of QC was descended from one Bhaghat Singh.

    Now if you are in moneylending, the risk of people not paying is huge, especially in a country where people often don’t even pay debts to their own relatives. So you have to be a bit forceful I guess, and since Sikhs have the ways of a typical warrior people, their reputation was possibly earned even as security people. But they have a nice side as well, as evidenced by a dance that became quite a viral hit in Canada – lots of them over there. Bhangra is the harvest dance of the Sikhs…

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Thanks, Irineo! In a perfect world, TSH boys will be dancing like the Sikhs. Maybe when he leaves. I will lead the dance.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s