Bakit pare-pareho ang tono nina BINAY, POE, ESCUDERO at MARCOS

binay poe inquirer

[Photo credit: Inquirer]

translation by Don Caparros

Napansin nyo ba na sina VP Binay at ang mga senador na sina Poe, Escudero at Marcos ay pare-pareho ang sinasabi?

Nangangampanyang opisyal man o hindi, ang ginagawa lamang nila ay walang humpay na panunuligsa.

Ano ang kanilang target? BBL DOJ, MRT, Kakulangan ng Inprastraktura, kahirapan . . .  lahat ng kilalang pagkukulang ng Pilipinas o ng Gobyernong Aquino. Panunuligsa ang kanilang plataporma. Ito ang kanilang paraaan para malathala sila sa mga tabloid, ang kanilang paraan para mapa alab ang mga maling galit ng kanilang mga taga sunod.

escudero and marcos untvweb dot com

[Photo credit: untvweb.com]

Ito ang kailangang pasanin ni Mar Roxas sa pag suporta sa tuwid na daan at ang kanyang pagtakbo bilang pagpapatuloy sa mga nagawa ng Gobyernong Aquino, maganda man o masama. Sa mga paratang ng apat na madalas ay walang pananagutan at walang pakundangang pagpuna, kailangan nyang sumagot sa mahinahon at marangal na paraan. Kagaya ng pagsagot ni JoeAm sa mga trolls.

Ayon sa apat na mga maaring kakandidato, ang Gobyernong Aquino talaga ang may hatid ng ating mga problema. Ito ang ang nagbigay na kahirapan, mabagal na tren at buhol buhol na trapik at ang ating di pagkakasundo laban sa China at ang krimen at diskriminasyon laban sa banal na INC at ang may pagtataksil sa bayan na Bangsamoro law.

Kayo ba ay natatawa sa kahangalang ito? Ako rin.

Hindi pa ako nakakakita ng apat na taong kulang sa pagiging makatotoo, sadyang mapanglinlang at kulang sa modo. Maliban na nga lamang sa mga Amerikano kandidato ngayong taon… pero iyan ay hindi na kasama sa puntong ito. Ang mga Pilipinong kandidato maliban kay Mar Roxas, ay nag bibida ng pagiging bukas sa katotohanan ngunit pag sila ay nagsalita na ay may pag baluktot na sa katotohanan, kunyari ay mahiyain, ngunit pinupulaan ang mabubuting tao, at sadyang pinahihina ang lehitimong ahensya ng pamahalaan. Sila ay naghahanap ng mataas na pagganap mula sa ibang tao, ngunit sila mismo ay walang nagawa kundi makitid at maingay na reklamo, pamumulitika at walang bagong ideya.

Nasaan ang katapatan? Ang dignidad? Nasaan ang mga lokal diplomatiko na magtataas ng Pilipinas sa ating mga mamamayan, para sa narating ng ating bansa ngayon? Itaas at ipagmalaki ang ating bansa? Kakatawan sa Pilipinas sa isang marangal na paraan sa pandaigdigang entablado?

Hindi natin kailangan ang maliit, nakakatulig, negatibong isipan na unti-unting kumakain sa bansa tulad mga bwitre sa mga patay na hayop sa kalsada. Mga isipang naglalarawan sa isang buhay na buhay, malusog, lumalagong Pilipinas bilang isang bansang parang isang sirang basahan.

Ang Pilipinas ay HINDI sira. Siya ay bumabawi – sa wakas – mula sa lubhang pagkakasadlak na kahirapan at katiwalian. Tanungin ang mga dayuhang nagmamatyag, at hindi mga trapong pansarili lamang ang nasaisip.

Ang apat rin na itoy ay nagtangkang angkinin ang tagumpay na di naman nila ginawa. TALAGANG tagumpay na nakamit.

Ito ay nakamit ng isang Administration na lumaban sa katiwalian mula sa mataas hanggang mababa, nakuhang patatagin at pasiglahin ang ekonomiya, ilagay ang Korte Suprema sa daan ng integridad, namuhunan para sa imprastraktura ng higit sa pinagsamang pinuhunan ng Pamahalaang Ramos, Estrada at Arroyo, gumawa ng bagong mga kalsada sa buong bansa, kinumpuni at inayos ang mga paliparan, pinanumbalik ang antas ng mga daungan, nag angkat ng mga bagong kagamitan ng militar para sa isang AFP na matagal nang nanglilimos sa modernong gamit, Nabawasan ang red tape, pinangasiwaan ng maigi ang mga international crises (Malaysia, Hong Kong, Taiwan), umangat ang ranggo sa bawat kilalang pandaigdigang batayan ng pagunlad , nagpaunlad sa turismo at kalakalan at pamumuhunan, nagpagawa ng isang daang libong mga silid-aralan, at kinikilala bilang rising star of Asia at lider ng mapayapa, may prinsipyong pagsalungat sa barumbadong China.

Sa hindi pagpansin sa lahat ng ito, ang apat na nagnanais mamuno ay walang habas na pinipinta ang Administrasyong Aquino na under-achiever, hindi sanay at walang direksyon.

Eh ano nga ba ang pwede nilang gawin?

Wala na silang pwedeng itulak dahil lahat ng pwede nilang ilako, yung mga positibo, ay ginagawa na. Gusto ng mas mabilis na paggasta, iyan ay nangyayari. Gusto ng pagbabawas kahirapan ng nakararami? Ito ay nangyayari na. Gusto ng trabaho at mga opurtunidad? Ito ay nangyayari na. Gusto ng isang makatwirang at , mapanindigang diskarte sa China? Ito ay nangyayari na. Gusto ng mas mahusay na edukasyon at mga opurtuninad para sa mga kabataan? Ito na ang nangyayari. Gusto ng bawas na katiwalian at mas mahusay na lokal na pamamahala? Yan ay nangyayari na. Gusto ng pandaigdigang pamumuno at paggalang? Iyon ay kung ano ang nangyayari.

Paunawa kung pinalalaki ko at sa pagiging mapang-uyam para gumawa ng isang punto:

Ibig kong sabihin, paano ang isang manipis ang isip na guro tulad ni Grace Poe na mapapanatiling maayos ang pagpapatakbo ng isang umuunlad na bansa? Ano ang tunay na MAIDADAGDAG nya, upang mapabuti ang mga bagay-bagay?

Ano ang gagawin ng di-umanong master-magnanakaw na si Binay, gawing ‘cash-only’ ang pamamahala ng pambansang pamahalaan tulad ng Makati? Ganito ba ang gagawin sa buong bansa?

Ang softie political player na si Escudero, na hindi pa nagkapag trabaho ng tunay sa buong buhay nya, Ano ang gagawin nya kapag siya ay hiningan aktwal na paggawa ng isang bagay maliban sa kaguluhan at mga ulo ng balita?

Ano ang ipapangako ng mapalabok at kulang-kulang na si Marcos sa mga tinatamasa na ngayon? Mas mapalabok at marahas na salita at firing squads?

Sa halip ang nakukuha natin ay ang kanilang pagiging negatibo. Magkamukha at pareho ang tunog ng kanilang negatibong pangangampanya , pag puntirya sa anumang masakit at malambot na lugar upang sundutin. Tulad ng alimango. Parang puta. Nakapagod paninisi at pagrereklamo. Kulang ng pagtataas ng mga pangako para sa bansa.

Di ko maiwasan dahil ako ay may mapaglarawang pagiisip. Para silang apat na komedyanteng kengkoy, tumatakbo ng paikot ikot, nagsasalita ng walang katuturan habang binabato ng kremang pastel ang mukha ng ating bansa, ang ating bansa; sinasampal ang mga masisigasig at tapat na mga tao. Gumagawa ng mga walang saysay at magarbong pahayag, ngunit kung tutuusin, ganap na walang laman na positibo at bago.

Layunin ng kanilang kritisismo ay ang puwang sa pagitan ng lubos at ang mabubuting ginagawa na ngayon, at sasabihin nila na sila ang magbibigay kagaling-galingan.

Ahahahahaha. . . naku,. . .

Lokohin mong lelang mo!

Narito ang isang ideya para sa apat, inaalok ng ganap na libre at nakakatulong na layunin:

Bakit hindi bigyang papuri ang Aquino Administration para sa pagaangat ng performance at pangako ng Pilipinas? Alam nyo, maging tapat kayo. Purihin ang bansa at ang mga tao. Tulad ng ginagawa ng mga dayuhang eksperto. Kayo ay makabayang ipinagmamalaki ang inyong bansa, hindi ba? Hindi dapat ipaubaya sa mga dayuhan ang pagpuri sa inyong bansa, kapag ang papuri ay naaangkop, di ba dapat ibigay?

Pagkatapos ay ipaliwanag – sa tahasan at malinaw na mga pagpapahayag – kung paano mo nais itong ipagpatuloy. Sabihin ang katotohanan tungkol sa Pilipinas at ang tagumpay nakakamit sa ilalim ng Pangulo. Pagkatapos ay ipaliwanag kung paano mo ipagpapatuloy na mas mahusay ang pagpapabuti na naiiba sa iba pang mga kandidato. Ipakita sa amin na ikaw ay tapat at marangal. Ipakita sa amin na alam mo kung paano gagawin ang mga ginawa ni G. Aquino, at ano ang di kayang gawin ng iba pang mga kandidato. Kumbinsihin mo kami.

Huwag siyang maliitin at ang mga nagawa ng PILIPINAS. Huwag maliitin ang ating bansa ngayong siya ay umaangat na sa wakas. Huwag iangat ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagbababa sa bansa.

Ialok sa amin ang pag-asa at pag-unlad sa halip ng sama ng loob at reklamo.

Hindi mo ba maaaring gawin iyon?

Kung gayon, ikaw ay hindi karapat-dapat para sa mas mataas na katungkulan.

Ngunit huwag kang mag-alala tungkol dito. Kami na ang bahala.

May tao ng kayang gumawa nyan.

 

Comments
98 Responses to “Bakit pare-pareho ang tono nina BINAY, POE, ESCUDERO at MARCOS”
  1. Salamat po, Ginoong Caparros sa translation nito sa ating wika.

    Mas marami na po ngayon ang makakaunawa sa artikulong ito dahil sa inyong tulong.

    Sana po ay ipamahagi ito ng mga mambabasa para lalong lumawig ang pananaw ng ating mga kababayan.

    • janetreyes says:

      Same here, Juana. A very good job done by Don Caparros. Don Caparros, salamat. Mahusay ang pag-translate mo.

      • neo canjeca says:

        Neo Canjeca says:

        September 1, 2015 at 10:00 pm

        CONGRATS joe am you said it as the best of the best of Pinoys can do it. Kept on reading this time since may be because only 2 to three termites wandered in this thread. gladly saw there ‘s plenty of new names truly Filipino who did not make hay while the crooked had their suns shone on them.

      • grammy2342 says:

        Ang galing ng translation. Mas nahirapan pa nga akong magbasa ng Tagalog kaysa sa English. Ang husay ng kanyang mga salita.

  2. Mariano Renato Pacifico says:

    I am very poor in Talagog. I admit. I took Pilipino The Course twice ! Pilipino is a required course. Another Pilipino required course is Jose Rizal The Course. It covers two “great works” the El Feli and Noli Mi. Again, both of these courses I nearly keel over. I thought I was the only one struggling, the rest are. These are the most difficult courses in my college days. I’d rather be thrown into a den of mathematicians than these two. Of course, our professors have PhDs and graduates from, where else, University of the Philippines.

    University of the Philippines is a government institution, run by Philippine government funded by the government for the Filipinos by Filipinos same with Philippine Military Academy. These are public schools. Like all Philippine public schools their graduates have questionable characters. Jinggoy, The Binays, Gloria, DoH director, nearly all top honchos in Philippine government bureacracy and elected offices are top-of-the-line UP graduates. Before I forget, the bagwomen of Napoles and of course, the wife of Mr Roxas, Mrs. Roxas. Scratch all crooks surface you see this “U.P.” no doubt about it. If anyone is new to Google, just type ” + ” without fail, crooks came from that school.

    There is something about Tagalog. It is only spoken and understood by a few. You go several kilometers away from the center of Manila they speak different dialects. Bisayan and Mindanao speak variation of Bisaya, yet, widely understood. Definitely not Tagalog. Yet, Tagalog is Philippines national language not Bisayan.

    Despite, I love to listen to Talagog. Other times I catch few phrases, most of the time I get lost what they are talking about. Bisayan is more colorful. A word in Bisayan would take two sentences for English or Tagalog. “Bastos” can be eggregiously uber-bastos to less offensive bastos to a mere discreptive word.

    Filipinos love the F-word. To Filipinos the “F” is classy. Coool. Shows pedigree. Education. English “F” word is acceptable in social polite circles. But, never, never, ever bomb them the tagalog variety of the F-word. It is trash. It makes people cheeks turn red.

    To mumura a Filipino real good it is best to use Tagalog, English wouldn’t do justice. To mumura a Filipino in Tagalog is worthy to be buried 1-feet deep. It is crass.

    Well, anyways, I envy people those who speak their Philippine dialects. Most of all I totally envy people who graduate from University of the Philippines. They always get away with their loot.

    • Dahil sa modernong mass media – Radio at TV – naiintindihan na ng marami ang Pilipino.

      Tama na siguro ang tatlong wika para maintindihan ka sa Pinas – Ilokano, Tagalog, Sugbu.

    • neo canjeca says:

      if only for wasting our time and for attempts at idiotization of our adequate minds can we JoeAm here honestly posting at your Society of Honor VOTE OUT the likes of Mariano? Let a posterer nominate a name and for an affirmative votes of five, out the guy or the doll goes.

      • https://en.wikipedia.org/wiki/Ostracism

        Ostracism (Greek: ὀστρακισμός, ostrakismos) was a procedure under the Athenian democracy in which any citizen could be expelled from the city-state of Athens for ten years. While some instances clearly expressed popular anger at the citizen, ostracism was often used preemptively. It was used as a way of neutralizing someone thought to be a threat to the state or potential tyrant. It has been called an “honourable exile” by scholar P.J. Rhodes…

        The name is derived from the ostraka, (singular ostrakon , ὄστρακον), referring to the pottery shards that were used as voting tokens. Broken pottery, abundant and virtually free, served as a kind of scrap paper (in contrast to papyrus, which was imported from Egypt as a high-quality writing surface, and was thus too costly to be disposable).

        Your proposal is therefore very democratic, in an ancient sense. But also harsh.

        But why not use it in Philippine democracy? Sino kaya ang unang palalabasin? Si Sotto?

      • Joe America says:

        The only out vote that counts is mine, and Mariano is “in” for the duration. Readers are free not to read his stuff. There are simply too many gems and good laughs that I would miss. Plus he exercises my brain, not unlike you, Neo, but in a different universe.

    • mercedes santos says:

      Easy Mariano, I used to be a Kaydet girl, was in ring hop pa ☺

    • Romeo Elises says:

      I think Mariano Pacifico is one of the few surviving anti-tagalog person who have resisted to learn Flipino on the pretext that it is a very hard to learn language. The truth is the Sugbu dialect is harder to learn to non-Cebuanos. I know because I am not a Cebuano but I learn to understand and speck the dialect even without formal education. To me, being able to understand and speak as many languages/dialects is an advantage. My kids can speak both Filipino and Cebuano and can communicate in Ilongo dialect aside from English which they learn in school. I think the Cebuanos dislike of the Tagalogs have their root during the Comonwealth years when Quezon (a tagalog) was President and Osmena (a Cebuano) was Vice-President. It was during that time that the selection of what the national language will be was held. Many dialects and even foreign languages were debated upon. By the process of elimination two dialects came out strong, Tagalog and Cebuano. Tagalog was finally chosen as the basis of what the national language will be. I think the Cebuanos feel cheated due to the influence of Quezon, and such feeling persisted up to now to some Cebuanos. This Is just my personal view and should be taken out of context.

  3. Mariano Renato Pacifico says:

    Alam ninyo na walang matino na mga politiko sa Pilipinas. Alam na ninyo. Alam na ninyo na pag-bobokas ang bunganga ni Mar Roxas, parehong pareho lang sila ni Marcos, Poe, Escudero, Duterte atsaka Ampatuan. Lahat sila malabo. Ang kagandahan ni Mar kasi meron siyang exksperto ng mga handlers. Tinatago na nga nila si Korina kasi alam ni Benigno atsaka sa mga handlers ni Mar na ang mga tao ayaw nila si Korina. Bogbogera to ng mga katulong. Op kors, talo ang katulong. Kasi si Korina malakas. Powerful. Well connected. Graduate sa U.P. Sino ba maniwala sa isa lang nga katulong?

    Op kors, yung mga pro-Mar maniwala ni Korina. Yung anti-Mar hindi maniwala. Gaya kay mga pro-Binay hindi maniwala na hindi siya magnakaw. On the ther hand, the anti-Binays maniwala sila. So, really, it is weder-weder lang. Kasi ang mga Pinoy hindi objective. They are subjective. Kasi sila lahat naka sandar sa pader ng witnesses atsaka affidavit. Hindi pa nga nila na prove kung ang pero sa “overpricing” nagpunta sa kaniyang bulsa. Herap herap talaga maka-intindi ang mga Pinoy sa hustisya. Ewan ko kung pa-ano paaralin ang mga Pinoys.

    Alam nila ang law pero hindi nila alam how to apply it. Parang relihiyon, alam nila ang mga veriscuslos pero nakaw na nakaw pa rin.

    Haaaay, naku, kayo mga Pilipino. Por favor, pleae do not a-atakihin ako kasi nag-sabi lang ako sa tuto-o. Pero I welcome yung a-atakihin ako kasi yung ang measure sa kakatutohanan atsaka kabobohan.

    Maraming salamat, po!

    • Juana Pilipinas says:

      Ay, nagsimula ka na naman sa kapipintas mo, MRP. Sana nga delubyuhin ka sa Tagalog para matauhan ka. Puro naman replay ang plaka mo, nakakakunsumi na.

      • Juana, tama ka. Gusto kong mag post in Tagalog, kaya lang kung marami akong typo sa English, mas marami sa Tagalog. puro kasi nagiging pula pag tagalog, sa English, nagiging pula lang pag may typo hahaha kaya nakakatulong sa pag edit. Marami kasing trabaho sa office ngayon so limited ang oras ko to rebut.

        Don has so kindly translated Joe’s blog for as the latter says : this translation “significantly extends the reach of the article”

        Your comment, MRP, significantly belied all Joe’s arguments in the original article, you negated Don’s efforts, you defeated the purpose of the translation by saying Mar is just like the four. Your comment which is almost as long as the translated article itself completely muddled the issue that Joe and Don are trying hard to clarify.

        Your issues were thoroughly explained to you by Juana in a previous blog article, supported by appropriate link, what is your purpose in posting this story of Korina’s alleged maltreatment of the house help over and over ad infinitum? How many more times must you repeat this allegation that has been cleared already by the court?

        Your pet peeve aside from UP and HUSTISYANG BALUKTOT is Korina. Sometimes it’s funny, this time, it’s definitely not.

        You are so fond of this mudslinging and character assassination on the person of Korina. We are doing everything to help Mar, to let him be known to the masa so continuity can be attained but here you are, making all our efforts useless. You say you are not well versed in Tagalog but you painstakingly tried to post a Tagalog version of your case against Korina. Suppose the masa believes you? The thought of any of this four (subject of Joe’s article) to be elected president and thereby appoint 11 associate justices to the SC who will take care of their own personal interest i.e. letting go of the alleged plunderers is enough to make us enraged with your repeated posts that were already clarified to you repeatedly as well. It’s all very well for you as you live outside of our country but we all have to live here and suffer the consequence if any of these four will be elected because of the likes of you who muddle the issues. We (like Joe) are serious here. Juana is not living here but she is concerned enough to care for this country, just like most of the overseas based Filipinos except you.

        Am sorry, Joe. I know you and the others like MRP and are amused by his posts but I have to be honest with what I feel. I try to understand him but most of the time, I cannot.

      • neo canjeca says:

        bakit po ba binabayaan ang umaalingasaw na basura dito. nakakasakit sa ilong at sikmura, noong panahon na lolo ko sa kanayunan, sinusunog agad ang mga basura sa bakuran nakakahiya sa malilinis na kapit bahayan.

      • NHerrera says:

        MRP is that rare food spice that Joe likes. I like spicy food myself. Some spices I do not like. But sometimes I try food with those spices for a change and a little bit of adventure. Remember the phrase — the spice of life? And as a last resort Joe offers that marvel of our times, the scroll bar.

        • I only wish new readers will use that, the scroll bar, that is

          • NHerrera says:

            Yes, I use it a lot myself, developing finger-carpal syndrome in the process. 🙂

            • ouch….

              from Mayo Clinic:

              Carpal tunnel syndrome should be treated as early as possible after you begin to experience symptoms.

              Some people with mild symptoms of carpal tunnel syndrome can ease their discomfort by taking more frequent breaks to rest their hands, avoiding activities that worsen symptoms and applying cold packs to reduce occasional swelling.

              If these techniques don’t offer relief within a few weeks, additional treatment options include wrist splinting, medications and surgery. Splinting and other conservative treatments are more likely to help you if you’ve had only mild to moderate symptoms for less than 10 months.

    • grammy2342 says:

      Hindi UP graduate si Korina, for your information and guidance, Pacifico. Hindi siya naka graduate. Siya ang nag-college sa Maryknoll.

      At kung siya man ay napagbintangang bugbugera walang kinalaman yon kay Mar. Si Korina tumatahimik dahil ayaw niyang mapintasan na nakikialam siya sa gawain ng asawa niya.,

      At kung mag sasalita ka ng Tagalog, ayusin mo naman at hindi mali mali ang spelling.

      Get your facts straight before you run off with your mouth. At bakit mo kami inaalipustang mga Pilipino? Sino kaya ang bobo? Yong nagpipilit magsalita ng Tagalog e, mali mali naman?

      • Joe America says:

        grammy2342, Rule number 1 in reading MRP is not to take him seriously, but to find the truths or wisdoms within . . . If you don’t find any, take up Rule 2, and apply the freedom not to read. But I’d suggest not trying to put him into a box of your liking, because he for sure won’t go there. Nor would I particularly, personally, want to see him there. I suspect he is not just rippin’ on Korina, personally, but on the Filipino penchant for superficial glamour stars over substance. The UP bit is like brown wrapping paper for Mariano, it’s what he uses to carry things in; whether they be garbage or precious gems is for us to discern.

        • sonny says:

          Spoken like a pontiff, Joe. ( pontiff in the Latin means bridge-builder, (not for you Joe. I know you know Latin) )

          • Joe America says:

            You know the truth of the matter is that MRP is perhaps the most accomplished troll in these parts, when he chooses to be. He chooses not to be, at this site, and so we get both the wit and the genius, applied with no barbs aimed at anybody. I do consider it an honor that he – as do so many here – choose to restrain their lively urges for the betterment of the community. It shows they can put their brains and kindness where their mouths are.

        • Growing up in U.P. Campus, I remember U.P. manila folders, U.P. school bags, U.P. notebooks, all with the U.P. logo on them – the one with the eagle, detractors said parrot…

          But U.P. brown paper bags – never seen them, and I have seen flying elephants on film. 🙂

        • mercedes santos says:

          Run off with my mouth, wish my mouth would run off with me; get a life, free speech is free speech no matter what.

      • mercedes santos says:

        Eh ano kung bogbogera, mabuti marunong gibogbog. Yong iba hanggang paypay lang. Kasi ipinganak sa HK kaya gutsy ☺

  4. Sup says:

    Translation by Don Caparros? Did you quit Google translate? hahahahha 🙂 Next subject could be some translated sentences from Tagalog to English and try to understand what the translations does mean…. 🙂

  5. karl garcia says:

    maganda ang pagsalin hindi malalim.

  6. i7sharp says:

    @Joe America, @Don Caparras
    “Napansin nyo ba na sina …”

    Sa totoo lang, ito ang napansin ko agad – o agad-agad:

    “nyo”

    Hindi ba dapat

    “n’yo”?

    Salamat.

    • i7sharp says:

      To those who take my comment negatively,
      let me suggest that they first google on YouTube for
      “Little Things Mean a Lot Kitty Kallen”
      and listen to that beautiful song … to hopefully set a better mood? 🙂

      And then perhaps revisit this thing about a little thing, the comma:
      http://j.mp/ja-little

      btw,
      Sorry, I misspelled the last name of the translator.
      That should read “Caparros.”

      “ngunit” used to be “nguni’t”?

      “bakit” will become “bat”?
      Example:
      “Bat meron ka nyan, ako wala?”

      Where will it lead to?

      Salamat.

      • karl garcia says:

        Mercedes talked about pedantrics, sorry i7sharp pero ikaw ang una kong naalala, pero ok lang sa akin wala naman magyari kung I take it negatively.
        tanggap na ngayon ang nya,nyo tulad ng halimbawa mo na ngunit at bat

        If Mary thinks she crosses ts and dots the is you probably mark the spot with an x

        • i7sharp says:

          karl,

          Okey lang sa akin. Wala problema.
          Actually, I feel far more comfortable with criticisms than with praises. The latter tends to make me tongue-tied … or get bored; the former can make me go back to the drawing board.

          Regarding Tagalog, siguro dapat nating pag-aralan ito:
          http://www.semanticsarchive.net/Archive/TE1ZDQyZ/tgol4.pdf
          “A Deep Structure Surfaces in Tagalog” by Luis Umali Stuart

          I bought the ebook a few years ago but never really got around to reading much of it.
          Perhaps it is high time for people to seriously consider it.
          Who knows we might find something in Tagalog things that have been found in the original languages of the Bible (Hebrew, Greek, … and some Aramaic, I think).

          Let me go beyond what seems to be *small* things (commas, apostrophes, .. “jots and tittles”) by going to the New Yorker magazine (not a religious publication, btw) and show readers what they have written about “the Book of books”

          http://j.mp/i7ny-kj

          The “Book” was, if I may mention, authored by no lesss than the Owner of the world,
          which, of course, includes ang sariling bayan natin.
          “The earth is the LORD’S,
          and the fulness thereof;
          the world, and they that dwell therein.”
          Psalm 24:1 KJV

          Let me close with this:
          Which one is the true church?
          The INC?
          The RCC?
          Do you know of one thing they have in common?

          This seeims to be what they have in commong:
          Fear of, or aversion to, using the King James Bible.

          Panahon na rin para pag-aralan ito, ‘di ba?
          (Some think we have millions of years left on the planet.
          Baka naman, ilan taong na lamang bago dumating ang “the new heavens and a new earth.”
          Karl, I hope you and many others look forward to that.

          Ang tiket ay mura lamang, … actually pinamimigay.
          Kaso, hindi pinapansin ng sangkatauhan.

          Ingats. 🙂

      • Mariano Renato Pacifico says:

        Thank you i7, SHOW ME A FILIPINO, have them write in tagalog. I bet they have more grammatical and spelling errors than in English. Young Filipinos like me are more comfortable with Tag-lish.

        There comes a time Filipino language will consist of 2/3 english and 1/3 native dialect.

        Pag makarinig ako ng Tagalog spoken by truly tagalog Filipino parang hinihukay ang dibdib ko. I am big on Kris Aquino, whenever I held hostage in Filipino restaurant, I request to flip channel to Kris. Kris’s interview of her guests are half-half tagalog and english. True Tagalog is not spoken anymore like Bisaya.

        Eventually we will lose our language to English.

        • mercedes santos says:

          I’ve never been to a Pinoy resto, except in LA. I remember a section of LA where most of the restaurants are Pinoys, with the exception of a token Korean. In one corner of the strip mall, a group of retired Pinoy dudes assemble almost everyday,doing what I don’t know. I teased one of my cousins to join them but he says he would not fit in. He says he might drink a little but nunca smoke.

          • Mariano Renato Pacifico says:

            In early morning hours Filipinos hang-out already. Mga manoy. Mga walang kwenta. Mga estanbay. Palaging nano-od ng TFC channels sa Pinoy resto. Hetong TFC news channel lahat witness accounts and affidavits. Hetong mga Pinoy naniwala sa mga witnesses. Dapat malaman nila sa Los Angeles na ang witness accounts without evidences walang kwenta.

            Ciguro hetong mga ugok hindi nila nalaman ba’t i-cordon nila ang freeway kung merong road rage naghanap ng shell casings because shell casings ay ebidens. Naghanap sila ng ebidensya kasi yun ang incontrovertible kay sa witnesses.

            Mahirap ito ituro sa mga Pinoys.

            • mercedes santos says:

              You mean Jehovah witness ? You are confusing me, ayan pati si Juan nalilito na rin ☹ Nabangga yata yong convertible niya ☺

          • Joe America says:

            Wilshire Boulevard, west of Western, or thereabouts.

        • Juana Pilipinas says:

          From the Urban Dictionary:

          “conio

          In the Philippines, the word “conio” is used to describe spoiled rich kids who often mix their English and Tagalog, resulting in sentences like: “Oh my naman! I have to make aral so i can make pasar the exam bukas!”

          OMG, MRP, YOU are so conio!

  7. NHerrera says:

    Just caught on ABS-CBN TV evening news that in a private survey commissioned by LP on the question of who to choose betweeen Roxas and Binay — based on 1200 respondents — Rep Erice spokesman of LP said that the result was (no mention of date of field work):

    Roxas 53%
    Binay 37%
    Undecided 10%

    We have to take this with some grain of salt. One thing I can say and have said before — commissioning a private scientifically-based survey is relatively cheap in the context of big-party resources. In fact these private surveys may be done almost monthly if based only on cost of surveys. And these can ask other questions that may help a party plan their optimum campaign strategies. As expected Binay complains about bias and we can grant him that. My own gut feel is that his camp is probably conducting its own private surveys.

    Another point — if there is no basis for the survey as Erice announces, it is the lookout of LP. Also, a thought: would Erice have announced if Binay was in the lead? Again, take this with a grain of salt.

  8. andrewlim8 says:

    THEY DIED ON THE WAY TO THE HOSPITAL DUE TO THE TRAFFIC JAM CAUSED BY THE INC

    This is on the hands of the INC, Binay, Poe, Escudero and Marcos who insist that the rights of the INC to that rally is absolute:

    http://cnnphilippines.com/news/2015/09/02/Traffic-endangers-lives.html

    6 died during that INC siege because their ambulances could not go through, fellow Filipinos!

    • neo canjeca says:

      Mr Good Road (paumanhin po Ginoong Buencamino) said in Uniffors, Ms Grace is rightly defending the rights of those people blocking the Edsa against the people going home tired from work. Now Ms. Poe it turned out is defending also the rights of the sick who surely got their instant rest in peace because of the heavy traffic at EDSA. Ms Poe just granted them: Buti nga sa kanila wala na silang problema. This is just to show that garbage can be made rubbish in the blogs.

    • Johnny Lin says:

      Mar should go to wakes of those who died from the intentional traffic disturbance caused by INC.

      If Binay and Poe will attend, the relatives of the deceased should reject their sympathies because they defended the cause of the death which is delay in seeking treatment from INC insensitivity to needy people passing thru EDSA. it might be unnatural to Filipinos to disrespect sympathizers but with Binay, it’s purely politically motivated.

      Binay will try to gain sympathy by attending the wakes, send flowers and free coffins, his way of buying votes to the miserables!

  9. Johnny Lin says:

    Binay sangkatutak ang kasinungalingan.

    Sabi ni Binay nung INC protests.
    “They have the right to protest to stop being HARASSED by this administration”

    Ngayon sabi ni Binay
    “I’m not pandering to the INC, being a human rights lawyer when people go to the streets Im defending their freedom of speech”

    Tuso talaga Si Binay, kahit sa kasinungalingan di niya matama ang sinasabi.
    Kaya nag protest ang INC dahil piñapakialaman daw ni DeLima ang kasong kidnapping at illegal detention sa opisyales ng INC bagay sa reklamo ng Ministro Samson.

    Tawag ni Binay dun “HARASSMENT” ni DeLima

    Ngayon na sabing Mali siya, pinalilitaw niya na freedom of speech ang Ibig niyang sabihin.
    Ang layo ng diprensya ng HARASSMENT sa FREDOM OF SPEECH

    Binay- maloloko mo ang tao minsan Pero hindi mo siya maloloko parati.
    Ikaw talaga ang utak ng Oplan Maligno- ikaw ang mahilig sa Ghost operation sa Makati.

    • NHerrera says:

      Parang isa sa mga depensa na ginamit ni Grace Poe sa disqualification case ni David sa kanya. Sa pahena 21 na kanyang sagot after being caught of carelessness — at the very least — in filling up a form she/ her defense lawyers has this: in visual form I approximate the form items as:

      Born [January 5, 1960] [Tondo, Manila]
      To [Mario Cruz] and [Maria Reyes — Maiden Name]

      GP in her legal defense said she never meant to portray Fernando Poe and Susan Sonora as her biological parents because she knows she is adopted. One has to note, her lawyer says, that there is a distance in the word “Born” and “To” What nonsense. Just say it as it is. Say she has been careless. But that will not look good on a Senator. A worse implication is that she meant to deceive or lied. Hence this laughable excuse of the distance of the words: born … to.

      • mercedes santos says:

        Let’s not nitpick, shall we ? She lied and that is all that there is. Poor sweetheart and what a poor specimen for a senator she is. in deed, indeed .

        • Johnny Lin says:

          Paano ngayon yung mga Bagong Mandarambong ng PDAF.
          Si Congressman Catamco ng Cotabato at Florida na asawa ni Cong Robes ng San Jose Del Monte Bulacan.

          Sila ba ay “Born To Steal” at ang kanilang mga anak ay “Born-To Thieves”.

          Kahit paano paikutin Magnanakaw ang suma total.

          Kita ninyo retrato ni Florida at Cong sa Facebook, nagliliwaliw sa Laban ng Bayan. Yung waterfall background parang Waterfall ng Bellagio or Mirage sa Las Vegas. Sinugal pa nila ang ninakaw na pera ng Bayan!

          Kapal Muks talaga mga Congresista natin

      • caliphman says:

        And punto mo at any punto ng SET tribunal at ang mga abogado ni Senadora Poe ay magkaiba, Ginoong Herrerra. Ang punto mo ata ay ipalabas na hindi lang nagkamali ang Senadora at siya ay laging isip pagpulitika at dapat aminin na lang niya at mga abogado niya na talagang burara siya. Sa totoo lang, ang pinakaimportante na sinsalin sa SET tribunal ay kung si Senadora ay talagang isang natural na mamamayan at hindi kung nagkamali o isang sinungaling siya o masama ang ugali niya. Paumanhin ho, ginoong Herrera, ngunit parang wala na ata kayong magkaiba kay Rizalito David na akusado ng abogado ni Senadora nanagkakampanya lang kaya sumampa ng kaso sa SET sapagkat nais lang niyang huwag tumakbo ng presidente si Poe. Karapatan ho niyo Ginoong Herrerra na siiraan si Senadora kahit halos wala kayong basehan kung hindi ang blas lang niyo ngunit kilalanin niyo na ang isyu sa SET ay ang pagkasenadora ni Poe at hindi iyong mga hindi kanaisnais na sinasabi niyo sa ugali niya sa pakakampanya niyo laban sa kaniya.

        • caliphman says:

          Sana naman kayo na nagkakampaniya at namumulitika rito laban o para sa isang kandidato, huwag sana masyadong mabababaw at halos walang pinagbasehan ang mga akusasyon na sinusulat dito. Kahit si Mang Mariano, kahit sinusuportahan niya si Binay at pinipintasan minsan si Aquino, may pinagbasehan rin minsan ang mga hirit niya rito. Hindi naman GRP o isang blog site ito at pantay pantay at isang panig lang ang mababasa niyo.

        • NHerrera says:

          Baka ang burara ay ang abogado ni GP hindi siya. Bakit nga naman papansinin ni GP yun kung hindi ang abogado na sabi’y iba ang kahalugan ng distansya ng “born” … “to”

  10. Mariano Renato Pacifico says:

    “Palace marks 40th year of Japan’s surrender” – INQUIRER HEADLINE

    Those who are poor in Philippine history, JAPAN SURRENDERED TO PHILIPPINES !!! That is what I understand from U.P. journalism graduate Inquirer’s headline.

    So, China, be prepared !!!! On guard !!! The Filipinos will make you surrender like what Philippines did to Japan.

    http://globalnation.inquirer.net/128005/palace-marks-40th-year-of-japans-surrender

    MABUHAY ANG MGA FILIPINOS !!! MABUHAY !!!!

    That is why The Filipino people should stop funding public school University of the Philippines and Philippine Military Academy.

  11. Rasec3 says:

    WOW.., Salamat Don Caparros at Joeam..binasa ko ng 2 beses para namnamin ang nilalaman… you are are truly an inspiration.. Kayong dalawa ang tunay na INSPIRASYON (PAMUKAW SIGLA)….

  12. andrewlim8 says:

    Joe,

    Just some intel. Last night, on CNN’s News.ph program hosted by Pia Hontiveros, the topic was Hashtag 2016. Role of social media in the coming elections. And….

    Pia asked the guests about Joe America!!!!! 🙂

    Noemi Dado said you are real and has corresponded with you, adding you have been blogging in Filipino Voices.

    And Pia said, “now he is very famous! due to the SONA.”

  13. HighFive says:

    Maraming salamat sa translation. Maganda ito para nakakasali ang lahat.
    Maganda rin kung isasa himpapawid (sa radio satation) ang mga blogs dito, mas lalawak ang bahagi ng mamamayan ang mararating. Pwede rin siguro na gumawa ang “video version” ng mga blogs sa YouTube para kung walang time sa pagbabasa ay pwedeng makinig.

  14. MGee says:

    Meaning Salamat Mr. Caparros sa pag-translate. Sana maliwanagan ang ating mararaming kababayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s