Ano Nga Pala ang Nangyari sa Mga Adik?

Drug users surrender in Manila, 2016. [Photo source: Rappler]
ni Wilfredo G. Villanueva
Ginoong Pangulo,
Naniwala sila sa inyo.
Ang mga magulang at ibang loved ones ng mga drug addicts, bumilib po sa inyo nung sinabi ninyong maglulunsad kayo ng drug war kung maging pangulo kayo. Buong akala po kasi nila nalinis ninyo ang Davao.
Ito ang panimulamo po. Kaya po kayo nanalo, h’wag po kalilimutan. Ang tapang ng dating ninyo, ayaw na kasi ng mga addicts na maging addict sila ayon sa isang former drug addict na aking na-interview. ‘Di daw nila mapigilan, kaya ikaw ang naturang tagapagligtas ng mga kakosa, ayon sa kanya, na tawagin natin sa pangalang Mr. Pogi.
Ang problema po, maliliit na users at dealers lang ang nadale ng DDS. Yung mahihirap lang. Pero sila Peter Lim, ayun, nakalaya pa rin. Ang China connection sa drugs, bakit po hindi ninyo inuungkat? Hindi ba kamuramurahan sila? At ang tattoo ni Polong, asan na po? Kung talagang wala, madali ninyo lang palayasin si Senator Trillanes, ‘di po ba, ipakita ninyo lang na walang tato sa likod ang panganay ninyo. Sinabi kasi ng magiting na senador, magre-resign siya kung walang tattoo.
Pero wala. Hanggang salita lang po pala kayo. Heto po ang kwento ng isang rehabilitated drug addict, sumuporta po siya sa inyo noong nakaraang halalan. Uulitin ko po: sumuporta si Mr. Pogi sa kandidatura ninyo. Ibinoto po niya kayo.
Alam niya kasi kung gaano kahirap manumbalik sa tama at drug-free na buhay. Ikaw lang daw kasi ang may programa laban sa droga. Bilib na bilib siya sa inyo. Noon.
‘Di na po ngayon.
“’Di makatao ang pamamaraan,” buntong-hininga ni Mr. Pogi.
Honor student siya sa elementarya’t high school. Major in mathematics sa college. Magaling ‘tong batang ito. Matalino, makisig, artistahin.
Sa sobrang galing, na-assign na humawak ng isang maselan na puwesto. ‘Di pa siya tapos ng kursong math sa isang prestihiyosong unibersidad nang tanggapin niya ang katungkulang ito. Tinalikuran ang academics. Cinderella story po, galing kasi siya sa hirap, kaya pera ang hanap. Nang magkapera, party-party. Boy Big Time si Mr. Pogi. Sa masamang palad, lumaki ang ulo, hanggang sa isang araw noong 1993, heto na ang kanyang kaibigan, binigyan siya ng isang sachet ng shabu bilang kabayaran sa P200 na utang kay Mr. Pogi.
Hindi tinanggihan ang droga. Sinubukan.
Aba’y tatlong araw bago bumaba. Walang pagod, hindi inaantok, walang humpay ang creativity.
Ang problema pala sa drug addiction ay ito: sa sobrang sarap ng unang experience, siyempre gustong masundan. Akala laging ganun ang tama. Hindi pala masusundan iyon kahit anong gawin, kasi ayon kay Mr. Pogi, nag-aadjust ang katawan sa pinagbabawal na gamot at tumataas ang kailangang stimulus o dosage—snort o turok para ma-high. Kaya hitit nang hitit ang bida hanggang sa P2,000 ang ginagastos niya sa bawat batak kada tatlong oras sa loob ng isang araw.
“Sa sobrang sabik, kahit ano ginagawa ko, makamtan lang ang unang high na pakiramdam ko ay papalayo nang papalayo kasi hindi pala pwedeng maranasan ito uli,” aniya.
Adik na talaga si Mr. Pogi.
Gahaman. Nalambat ng sindikatong droga.
Bago natuklasan ni Mr. Pogi ang mala-demonyong kapangyarihan ng droga, matipuno siya, mga 160 pounds. Nung finally humingi siya ng tulong sa kapatid niya, 111 pounds na lang siya, buto’t balat. Iyakan ang mga mahal niya sa buhay nang makita siyang ganito. Kalansay na si Mr. Pogi. Math major sana. Scholar sana. Promising sana. Paasenso sana. Sinayang lang ang buhay.
Ano ang pinaka worst na experience niya sa kanyang descent to hell, tanong ko.
“Nagkulong ako sa cabinet sa sobrang pagkatuliro, tira ng shabu, inom ng alak, iyak ng iyak, may halong pagsisisi, galak, sarap, lungkot, pagka-praning.”
“Isang araw, nagkulong ako sa isang hotel room sa Quezon city para makatakas sa buhay—relationships, responsibilities, commitments. Sa loob ng kwarto, pagkabatak na pagkabatak ko, nakita ko ang demonyo! Sa takot ko, nagtatakbo ako papalabas ng kwarto. Nakarating ako sa lobby ng hotel, humihiyaw, “Demonyo, demonyo! Ayun!” sigaw ko. Nalimutan ko na wala pala akong saplot, hubo’t hubad.”
Mariin niyang sinabi: “Will, pag isinulat mo itong kwento ko, siguraduhin mong sasabihin mo na h’wag akong tularan ng sinoman na gustong mag-eksperimento. Naka-recover kasi ako, kaya baka akala nila, madaling maka-alpas sa drug addiction. Sabihin mo, hindi, hindi madaling bumalik sa katinuan. H’wag kamong umpisan, h’wag mag-experiment, na trip-trip lang naman, bonding lang. H’wag na h’wag.”
“Hindi madaling maka-alpas. Halos imposible. Sobrang hirap tumiwalag.”
“Ang stats, out of 1,000 addicts, anim lang ang tuluyang nare-rehab. Na-rehab nga, matagal na matagal nang hindi tumitira, kagaya ko, 18 years na akong malinis, pero paminsan-minsan, bumabalik pa rin ang giyang o pagkahayok.”
Seven years lulon sa droga si Mr. Pogi. Hanggang humantong sa puntong ang mga ka-hangout niya, mga squatters (hindi sa minamaliit) na malapit sa tinitirhan niya. Andun kasi ang outlets ng industriyang droga. Malayong-malayo na siya sa mathematics, higher learning at visioning for the future. Habol na lang nang habol sa mailap na sarap na kailanman ay hindi na makakamtan.
“We live to use,” sabi niya, “and we use to live.”
Ganung kasimple ang buhay durugista. Isa lang ang hangad—ang epekto ng unang tira—na hindi na maaabot. Wala na, wala.
“Ito ang malungkot, all caps at bold dapat:
SCARRED FOR LIFE KAMI.
Paminsan-minsan, utak adik pa rin ako, naghahanap pa rin ng shortcut, ‘di pa rin mapakali. Kinakaya ko na lang na h’wag bumatak dahil magaling ang Twelve Steps recovery program ko kasi hanggang ngayon andyan ang mga patnubay ko.”
Ang sabi ni Mr. Pogi sa mga mahal niya sa buhay nung sumuko na siya nang kaka-drugs, “I don’t want to use anymore, I don’t think I can stop this by myself, Please help me.”
Hanggang ngayon hindi siya pinababayaan ng pamilya niya. Ganun kahirap ang buhay adik. Nawawalan ng will power, nawawala sa realidad, sobrang kailangan ng pagmamahal at suporta, parang bagong panganak na inakay.
“Kami sa rehab, kung may Diyos (Kristiyano), o kung walang Diyos, may higher power or authority ang involved, na pwedeng hingan ng tulong o takbuhan para maipabahagi ang hirap na dinadanas sa pagsugpo ng drug addiction.”
Heto ang programa ng rehab: Pagkagising, ayusin ang kama, lumuhod, magdasal, punta sa canteen, kape muna walang almusal, yoga, meditation, ligo, bihis, group therapy—one psychologist for a group of addicts under rehab—merienda, individual theraphy. Isang counselor bawat addict.
Pagkapananghalian, nap, on Mondays, Wednesdays and Fridays, gym. Tuesdays, Thursdays, Saturdays, art therapy.
“Dito ko ginawa ang maskara ko, gawa sa papier-mâché (binasang dyaryo, linukot at huhubugin), yung kung ano ako bago nag-rehab. Ang nagawa ko, itim na mukha, ginintuang sungay, dila ni Satanas dahil sa mga kasinungalin ko nuong adik ako. Sinunog ko ito, tinuldukan ko ang buhay adik.”
Walang sawa si Mr. Pogi magpaalala: “Kapag nagumpisang gumamit ang tao, para na rin siyang nagpatiwakal, kasi wala na siyang kawala. Sobrang liit ng chances na magtatagumpay siya sa rehab. Ang iba nga, ayaw nang lumabas sa rehab center dahil takot sa buhay sa labas.”
Scarred for life. Kalungkot.
Balik po sa inyo, Ginoong Pangulo. Inasahan ng mga magulang, mga mahal nila sa buhay, na somehow, hindi na gagayahin pa ang mga adik, sapagkat, tapon, basura na sila.
Kaya po pala ang taas pa rin ng job approval rating ninyo, 80 por siyento, nung umpisa ng termino ninyo. Inamin ni Mr. Pogi na since wala nang pag-asa ang mga adik, nakakahinga nang maluwang ang mga magulang at mahal sa buhay nila kung mapapatay sila. Opo. Ibinigay talaga nila sa inyo ang kapangyarihang ayusin ang buhay pamilya nila sa pamamagitan ng dahas—extra judicial killings—para mawala na nang tuluyan ang mga adik. Kapangyarihan kung bubuhayin o papaslangin ang mga basura. Kaya pala ang tawag sa inyo ay Poon.
Diyos-diyosan po kayo.
Pero ano ito? Bumaba ng mga 12 puntos ang trust rating ninyo simula nang sinabi ninyong God is stupid. Siguro po, sa unli na kapangyarihan ninyo, isip ninyo tuloy ka-level ninyo na si God. ‘Yan po ang masamang kinahinatnan ng war on drugs. Nawala na rin yata kayo sa sarili, parang si Mr. Pogi nang lulon pa siya sa droga. Droga ninyo po yata ang EJK. Paalala po: Kasalanan pa rin sa lipunan at sa Diyos ang kumitil ng buhay. Hindi po magbabago ang batas na ‘yan kahit po ang gwapo ng tingin sa inyo ng tao dahil ang lakas ng political will ninyo. Sexy kayo sa 16 million. Pero talo ng Diyos ang political will. Banggain ninyo ang Diyos, malaki ang bukol ninyo.
Kaya, ayan. Ang laki ng ibinababa ninyo sa mata ng tao. Sa Metro Manila, 20 puntos ang bagsak ninyo po. Power house ang Metro Manila, kung saan siya nakapaling, nanduon din ang buong bayan. Wala pong banta ito, historical perspective lang. Ang lahat ng changes, mabubuti o masasama, suporta sa awtoridad o pag-alsa, nagsisimula palagi sa Metro Manila. So kwidaw po, Ginoong Pangulo. Sabi nga sa Inggles, the writing is on the wall. Take heed po, o makinig po kayo, sa sinasaad sa survey.
Ang problema, tila hindi yata drug war ang tutuong tinarget ninyo simula’t sapul. Sapagkat bakit po namamayagpag ang mga Tsino sa bansa? Philippines, province of China? Ang paglapastangan sa Diyos, babae, teritoryo, good values, lips to lips? Galit na galit na po ang taumbayan. Punong-puno na.
Sa droga po kayo tumayo, doon din nadapa, doon po kaya kayo bumangon. Bangon, po, bangon! Bukang liwayway na po. Gising na ang bayan, hallelujah!
Akala kasi ng mga pamilya ng mga durugista, pantay ang laban. Hindi po yata ganun ang nangyari. Kayo na po ang nakakaalam kung patas nga kayo o hindi. Sa kaibuturan ng puso ninyo, nasa tamang landas po ba kayo, kayo pa rin ba ang taong humalik sa bandila, nagmamahal sa bayan, pinalakpakan, sinuportahan dahil sa ipinangakong drug war, let’s fix this country, I hate drugs, jetski, nakaluhod habang nananalangin, “DU30! DU30!”
Pero hindi po ito ang nangyari. War versus the poor pala ang peg ninyo. Olat ang bayan.
Sa State of the Nation Address ninyo po, Ginoong Pangulo, “straight from the heart” daw ang mga salitang mamumutawi sa inyong bibig, sabi ni direk Binibining Joyce Bernal.
Isipin ninyo po ang damdamin ni Mr. Pogi. Umasa siya sa inyo. Paano na po ‘yan? Ang turing po ni Mr. Pogi sa inyo, ama ng bayan. Dati. Hindi naman daw kayo makatao, sabi niya.
Saan na po kayo paruruon?
Isang Pilipinong tunay,
Wilfredo G. Villanueva
*******
The idolatry of the Filipino leads to fields of despair, rivers of blood, seas of desperation.
*****
Straight from the heart….lies and what not! Di naman talaga siya kapani-paniwala. Good morning Wil. Good morning everyone!
*******
Another glorious day here in Oz, Arlene. G’day!
*****
Way to go Edgar but it is rainy here.
Good morning, Arlene! Good morning, everyone!
Off topic. Or maybe not so off topic.
Not everyone needs to go to jail.
I think the local governments must find away to process minor offenders that do not belong in jail, like find ask for a temporary permit frp the mayor or baranggay captain to process them in gyms if the evacuees can fit, the minor offenders can fit there
Those with priors go to jail.
Those without render community service.
No one needs to get shot.
For congested jails, the mayor can appeal to land owners to sell land for prisons and rehab, those far away from home rehab just wont do, some have jobs to come back to after every session.
It can be done.
Agree. The jail management scene is inhumane.
pinas has so many uninhabited islands. why doesnt the govt take the addicts to an island and get rehabilatated there. of course support people have to be there also to guide and help the addicts. the island should be totally free of drugs, ang mga papasok hubot hubad pati ang mga gustong bumisita. must be money free area just go back to barter. back to basics ang buhay parang palabas sa youtube tv naked and afraid at prime survival. well, the govt can make their life more liveable…we will call this island addict survivor island. just a thought because to suggest is cheap to implement is costly in terms of resources…baka naman from this idea, may sumindi ding ibang idea. ang pagkaalam ko ang australia ay ang tapunan ng convicts ng england noong sinauna, ngayon isa ng maunlad na bansa.
*******
A good example of lateral thinking.
Modern-day addicts are the new lepers. So quarantine them in a colony.
While we are at it, may I also suggest we quarantine all the thieving legislators, all the sycophantic judges, and all the incompetent members of the executive to a “venal” colony.
*****
Yes, why not be humane and understand that the poor are not criminals to seek escape in drugs. Excellent idea.
Good idea but I do not want them to stay there for so long and hopefully it would allow you to send messages in a bottle to your loved ones do they would be updated of your status or what you are thinking.
Or if you do not get a reply with in ten years better train pigeons to track your loved ones.
A letter is more cherished than an sms or an electronic message.
pwede naman ang mga love ones ay bumisita sa isla. pero pagpasok nila sa processing area ay huhubod hubad silang maproproces tapos issued ng tshirt at shorts lang habang nasa loob ang mga bisita. o pwede naman ang mga adik magpadala at tumanggap ng sulat, bahala na ang supports staff sa pagpapadala. ang sulat ay pang contra buriong at pampalakas ng loob. sigurado pag may mail call, inaasam asam nila ito. sana may mas maideang tauhang ng govt na makasip kung paano matutulungan ang mga adik na sumusuko at gustong nang magpakatino. if they will stay in their current environment, there is no likelihood they get rehabilitated. the adiks cud even tek deir familis wid dem f dey so wis. hevfun
Senator De Lima has filed a bill to start the process of re-configuring how jails are managed. Not islands, but a step in that direction.
Very good. 👍
pinas need more bilibids and bilibid bldgs or penal colonies like iwahig penal colony to decongest prison areas and to take newcomers. if iwahig is possible why not an adik rehab colony island. let the adik self help build it with the help of the police or the army. the adiks can growm vegies and rice for their sustenance.
Nice conversation, but please don’t call me a prick if I prick some bubbles.
Some addicts maybe just be treated as out patients.
Rehabs even if they are hotel resort or isolated in islands will take you away from your source of income, not only your loved ones.
An important thing to note is that Treatment is lifetime.
I go to a psychiatrist knowing that it would be for life because I just can’t stop some meds which are required to be taken until the dsy you die, just like hypertension meds.
I know alternative treatment people will disagree with me.
But traditional or alternative it will still take a lifetime.
And institutionalizin people may not always be the answer.
Except if we talk about nursing homes, but that is digressing way too much.
Even with Duterte gone there will still be rogue cops.
I hope the new leader can cleanse the ranks.
We need to change our ways, if a nstionsl renewal is needed, then that is what we must pray for in every lord hear our prayer or prayer for the faithful part of the catholic mass.
I have mentioned that all are corrupt not just the government, but we are also involved.
It is never too late to change and thst goes to the non believers as well.
“… that is what we must pray for in every lord hear our prayer or prayer for the faithful part of the catholic mass.”
A most appropriate observation, Karl; prayers we lay at the feet of our Creator who alone can effect the ‘change in our ways … (and) national renewal (that) is needed.’
Ave Duterte, morituri te salutant!
https://telegram.org/file/811140801/1/14Ka_5LSkus/11ef924b87783bd339
Aieee, Irnieo, stop that! You be gettin’ me in trouble.
Nevertheless, I admire the high falutin’ Latin literary expression and the grand artistic flair of the painter.
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Ave_Imperator,_morituri_te_salutant
Good thing google is not yet down.
🙂 Great legacy of a dead language, lingua franca of a great civilization: its power to remind us of human experiences (governance, poetry, art) that transcend time and space and cultures.
Supreme Court ruling: ‘Putang ina mo’ doesn’t mean ‘your mother is a whore’
Don’t say bad words.
http://www.rigobertotiglao.com/2016/09/09/supreme-court-ruling-putang-ina-mo-doesnt-mean-your-mother-is-a-whore/
I noticed that I use swear words today that I would not have used a couple of years ago. The President, in a way, defines the style of language of the nation.
Yes that SONAmagan.
Imagine saying Build build will bring back ofws. Say what? It will bring Chinese workers.
Now I appreciate Chem’s learning curve and absorptive capacity concerns.
Building bridges needs traine engineers, architects,etc
Is stupid a swear word?
No, not really. It is a judgment on someone’s reasoning power, unkind.
I like Richard Heydarian’s substitute word, noun, ignoramus.
Homo Ignoramus: Loves to cite ‘Singapore model” to argue in favour of authoritarian regimes and supports corrupt dynasties, but forgets Singapore’s success was largely based on strong stance against CORRUPTION, its quality of governance, and what LKY said about Marcoses.
So, if JoeAm uses the F word, that’ll be the canary in the coal mine. Run for your lives.
Depends on the context. I just used it in a tweet the other day, punctuating a demand that the Department of Transportation stop pointing fingers as a way to escape accountability for MRT breakdowns. I said they should just fix the frikkin’ trains. It was a fine literary moment. I learned to swear in the army so I attach patriotic symbolism to the talent. But it’s a choice, after all, and I’d rather the blog have civil discourse.
If you tell some one to piss off …….all their toxins, is that uncivil discourse?
I suspect the term is British or Irish in origin. It is a softer way of telling someone to f*** off. It is street discourse, where civility has cruder rules than at this blog. 🙂
The promise of ending endo And contractualization was just boasting of how many former probees were
regularized.
But it is only now that labor sec defines and diffetentiate endo and contractualization just in time for the Sona. Dapat matagal na kaya di masagot ni Mocha binigay cell phone number ni Bello.
May tatlo bagyo nakapila di ata tuloy SONA. He can’t ride a chopper.
Orange rainfall daw bat di naman color orange ang rainfall.