Si Maria at ang Pila Para sa Malunggay Pandesal

 

bread food dot com

Parada ng mga pandesal [photo credit: food.com]

w

ni Wilfredo G. Villanueva

(English precis at the bottom of this article.)

Linggo, magaalas-ocho ng umaga. Medyo malamig pa ang simoy ng hanging amihan—may silbi naman ang China. Masarap ang dampi ng ginintuang kamay ng haring araw sa buong katawan magmula sa mukha, para kang hinahaplos ng anghel.

Brisk walking kami ni Niccolo ang Jack Russell Terrier, pauwi na kami galing sa pinagbilan namin ng giniling na baboy na walang taba, utos ni Baby asawa ko, para sa arroz a la cubana pananghalian.

Teka, ano ito? Bakit may pila? Lotto? Aah, malunggay pandesal! Mukhang masarap, bakit pinipilahan kung hindi masarap? Kaya pumila kami.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. “Dito sa Pilipinas, dalawa lang ang pinipilahan: communion at lotto,” sabi ko sa hangin, bahala na kung may sasagot.

Tawanan ang mga nakapila.

“Oo nga,” sabi ng isang ale sa bandang likuran ko, paga sisenta anyos, tawagin natin siya sa pangalang Maria, “may pangatlong pila, para sa pandesal (lalong nagtawanan). Pero yung communion sigurado, yung lotto malayong mangyari,” dugtong ni Maria.

“Pero,” sabi ko, “pareho silang faith.” Sang-ayon ulit si Maria. Nakita ko na pati ang kasamang babae na ‘sing-edad niya ay natuwa sa usapan na biglang umusbong.

“Yung communion, one is to one ang chances na manalo dahil sinabi ng Diyos,” wika ko. “Yung lotto siguro three million is to one ang chances.”

“Oo nga,” sabi ni Maria. Isip ko taong simbahan siya, kulang na lang nakabelo at may hawak na rosaryo.

“Pero may kakilala kami, nanalo sa lotto, ten million. Alam ninyo ba, eh hiwalay na silang mag-asawa ngayon,” Si Maria pa rin ang nagsalita, ganado siya, parang bagong sikat na araw ang mga mata niya.

“Bakit,” tanong ko, “ang babae nanlalake, at ang lalake nambabae?”

“Oo!” sang-ayon si Maria.

“Yung babae, napunta sa D.I., yung lalake sa G.R.O. Bumili ng bahay, wala na rin. Balato dito, balato duon, ngayon may utang pa sila,” si Maria pa rin. Tingin sa akin, tapos tingin sa paligid, kasi ang buong pila ay nakikinig sa usapan namin. Gandang umaga. Lahat nakangiti.

“Hay naku, easy-come, easy-go kasi,” sabi ng isang lalake galing sa mga labinlimang taong nakapila.

“Ang tutuong kayamanan, eh, ang ugali, character,” sabi ko.

“Tama ka,” sabi ni Maria. Sang-ayon din ang mga nakapila.

“Eh, yun pang balato culture,” sabi nung lalakeng easy-come.

“Oo nga, tama ka, ubos kababalato,” sagot ni Maria.

Turn ko na. Tatlong supot ng malunggay pandesal, P25 bawat isang maliit na paper bag, mga isang dosena siguro ang laman. Tinulungan ako ni boy magsiksik sa backpack ko habang nakatingin si Niccolo.

Tapos na ako. May P75 worth of pandesal na ako, pauwi na, sige pa rin ang usapan ng mga tao sa pila, pinapamunuan ni Maria, tawanan nang tawanan. Para na silang magkakakilala.

Panghuli kong salita, bago kami mag brisk walking ulit ni Niccolo:

“Kaya ganito ka simple yan. Mananalo si Binay kasi ang buong akala nung mga boboto sa kanya, eh babalatuhan sila. Ganyan ang psychology nyan.”

Tawanan lahat. Parang tuwang-tuwa ang lahat dahil nabanggit ko ang kababalaghan na ang tawag, eh Binay. Mukhang laman siya ng isip ng mga tao.

“Bakit ba naman tayo ganyan? Nakaw na yaman, balato pa rin?” tanong ni Maria, napatingin sa langit, nanliliit ang mga mata sa katatawa. Nagtatawanan pa rin ang mga nakapila habang lumalakad kami ni Niccolo papauwi sa inaasam-asam na almusal ni Baby. Dala lang namin ni Niccolo ang pandesal. Hindi ko alam na may naghihintay sa akin na itlog na maalat at kamatis, piniritong dried pusit, fried rice, mainit na Swiss Miss chocolate drink at papayang manibalang pero hinog ang loob. Ito ang buhay—sariling dugo at pawis, hindi easy-come, easy go, hindi ninakaw, hindi rin balato, sarap ng pakiramdam.

(This is a conversation in a queue Sunday morning for pandesal mixed with malunggay—moringa. The narrator ignites an impromptu focus-group discussion using the bread line as handle. Two lines in the Philippines, he says, one is for Holy Communion at Mass and the other is the line for lotto tickets. The conversation tackles the easy-come. easy-go nature of raffle winnings, and ends with the narrator taking a jibe at Binay supporters who will vote for him hoping to get a balato or tip—never mind where it comes from. The desire for balato will make Binay the next president of the republic, the narrator concludes, making the people on queue laugh while imparting a serious, disturbing message. D.I. is Dance Instructor, G.R.O. is Guest Relations Officer. — Will)

Comments
31 Responses to “Si Maria at ang Pila Para sa Malunggay Pandesal”
  1. edgar lores says:

    *******
    1. Deceptively simple.

    2. Malunggay pandesal must be an edible form of the philosopher’s stone.

    3. I’d like some.
    *****

  2. karl garcia says:

    Balato ni Binay-
    libre daw na edukasyon at hospital bills para sa lahat daw-
    sa madalas nyang pagpatalastas ng mga iskolar at isang naospital na mahal ang bill

    nasagot ito ng daang matuwid
    Pag implement ng maayos sa Philhealth for senor citizens law
    Pag implement ng maayos sa iskolar ng bayan law

    Sino daw ang ang nog nog,sino daw ang pandak.

    Sagot ni Mar

    Way drama, trabaho lang

  3. Balato has the context of sharing the luck… it is like inviting your buddies out to drink on payday.

    http://filipinogerman.blogsport.eu/money-and-numbers/ is ALSO about the attitude to money…

    There are Filipinos who say “kung ayaw mong mawala ang suwerte mo, huwag kang swapang”.

    Means don’t be selfish if you want your luck to remain… money is seen as luck not hard work.

    Marcos got the solid north by really doing a lot for Ilocos… roads were good there not in Manila.

    Since Filipino capitalism was mostly rent-seeking, not competitive, it was about “luck”=connections.

  4. NHerrera says:

    Only a slight variation to the breakfast you described: itlog na maalat at maraming kamatis, piniritong crispy dangit, garlic fried rice, papayang manibalang pero hinog ang loob na tinalupan at hinati, mainit na kapi. That is heavenly breakfast for me, Will. My wife and our long gone dog Tiny by my side. Baby and Niccolo at your side — in your case. A taste of contentment and Heaven. (How can a McDonald Breakfast compare to that, you tell me.)

    • I had a Turkish-style McDonald Breakfast in Istanbul airport – the one on the Asian side.

      Scrambled eggs, Oriental bread, feta cheese, olives and small tomatoes. Last December.

      • NHerrera says:

        Sounds good. I love olives and tomatoes. When my wife tells me that she is tired and can’t think of any good thing to cook for a meal, I say — think what you like to eat for yourself; as for me, I will just have olives, tomatoes and bread. Aah, the life of a retired couple: simple. Why can’t Enrile and Binay think like that. Oodles or limpak limpak na pera and a taste of political power gets in the way.

        • edgar lores says:

          *******
          NHerrera,

          At times, I, too, have simple dinners of olives and bread of different types — ciabatta, Turkish, chia, and kalamata olive bread. At other times, it’s different types of cheese and crackers. Still at other times, just antipasti of olives, artichokes, dried tomatoes, and bread. No wonder we are well-preserved! 🙂
          *****

        • Wilfredo G. Villanueva says:

          NH, love of power takes the power out of love.

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Heavenly breakfast, NH! Kingly!

  5. Chivas says:

    Alaala ng kabataang makulay. At itong post na to tungkol sa malunggay, sa sustansya at init na dala ng bawat kagat.

    Hindi ko alam na marami pala ang mararating ng sikolohiya cake sa tao. Tinapay, arina at tamis. Bakit hindi tayo pranses magisip at tinuhog ang ulo ng mga taong yan gaya ng persepsyon kay M. Antoinette at M. Robespierre?

    Mali ba akong iniisip ko na mananalo si Binay para hindi na masakit kung sakali? Ang pagboto ba ay parang kasing simple lang ng bumibili lang ng pandesal sa iba?

    Gaano kasarap ang pakikitungo sa DI at GRO? Sadya bang minsan, hindi preparado ang tao sa karnal na paanyaya? Sa nagniningning na ilaw? Sa mga kakaibang tunog?

    Gaya ng ibang may ambisyon, nagbibilang nalang kami ng oras para makalipad sa ibang lugar.

    Parang isang malaking talon sa dalawang talampas ang mangyayari sa eleksyon.

    • Napakahalaga at napakalalim ng mga talinghaga ni Will sa artikulo na ito.

      Naramdaman ko ulit dito kung ano ang normal at karapat-dapat na anyo ng pagka-Pilipino.

      Tugma sa diskusyon namin ni chempo dito: http://filipinogerman.blogsport.eu/about-philippine-priorities/ – sabi niya bakit pa kailangan pang ihiwalay ang dirty kitchen at clean kitchen? Sabi ko oo nga… bakit nga nahihiwalay sa dalawang kusina?

      1) ang clean kitchen na pakitang-tao ng Pilipino dahil nahihiya sa kanyang tunay na pagkatao, dahil madalas siyang nasabihan ng mababang-uri lang siya, masama ang ugali, maliit at maitim, pango ang ilong, wala talagang mararating… tulad ng sinabi ni Rizal sa Philippines a Century Hence na dumating ang araw na ang tingin ng Pilipino sa sarili, kasuklam-suklam na at halos nasusuka na sa sarili, tulad ng sinabi ni Simoun sa Fili bakit pa ninyo gustong mag-aral ng Kastila, para maging mga banyaga na kayong tuluyan?

      2) ang dirty kitchen na doon itinatago ang kabalastugan, dahil iyon na ang tingin sa sarili? Iyong kultura na damaged, parang kultura ng iilang mga itim sa US gawa ng pagka-api… tulad ng mga animal sa zoo na hindi lalabas sa kulungan kahit na buksan mo ang rehas… o kaya kapag pinagbigyan mo, parang ngang nakawala sa kulungan tulad ni Duterte? Wala nang kinikilala? O kaya umaasa sa balato, sa kapit, sa magbibigay ng cake?

      Iyong malunggay pandesal, basta galing sa kusinang Pilipino. Normal na malinis pero hindi para ipakita sa iba, kundi dahil normal lang ang maglinis.

      Sabi minsan ng Tatay ko: kailangang mabalik sa Pilipino ang tiwala sa sarili at sa kapwa. Gawa ng kawalaan ng tiwala sa sarili, nagiging unpredictable ang Pilipino lalo na sa iba.

      Mabuti at gumamit si Will ngayon ng talinghagang wala sa relihiyon, dahil maraming may sama ng loob sa relihiyon. Pero ang pag-usap-usap ng isang grupo ng mga kababayan sa pila ng pandesal, para na ring komunyon. Sa mga maliliit na community na nagbibigay ng simpleng tiwala sa isa’t-isa nabubuo ang isang sambayanan. Tulad ng idinescribe ko rito: http://filipinogerman.blogsport.eu/papel-ng-taongbayan/… pero gusto ko ngayon, suman. 🙂 Dahil noong nasa Tiwi kami ng kapatid ko, natutulog kami o kumakain ng suman sa ibos.

      • Wilfredo G. Villanueva says:

        Napakalalim din ng nakita mo sa aritikulo, Irineo. Gusto ko yung communion sa pila pandesal. Tama ka, bago natin baguhin ang lipunan sa mga konsepto natin na ‘di naman mataruk ng karamihan, o ‘di naman mahalaga sa karamihan, eh kailangan yatang hanapan ng paraan para tumaas ang self-esteem, self-worth, kumpyansa sa sarili, angas ng Pilipino in general. Kung mababa ang tingin sa sarili, malamang, mababa rin ang ambisyon, kaya sa balato lang, eh kuha na. Pansinin mo lang, sabihan mo ng sweet nothings, iboboto ka na hanggang sa mga kapangalan mo (Poe, Binay, Marcos). Hindi ito labanan ng winnability or name recall, labanan ito ng utang na loob, pataasan kung sino ang nakadakip ng pusong Pilipino na kung umibig tapat kahit diskumpasado. Hanep tayo magmahal, pero may dark side ang pag-ibig natin. Personalan. Walang iwanan. Tao ako ni Binay, kaya kahit anong mangyari, kahit ano pa ang sabihin, eh Binay pa rin ako, manigas kayo. Bakit siya tao ni Binay? Aba’y napa-ospital ako ng libre, o pinadalhan ako ng cake nung bertdey ko, ‘di ba ang bait nya? Hu-hu-hu.

        • Nakita ko kung paano umalsa ang mga Pilipino sa Alemanya… lumakas ang loob namin dito dahil walang impunity rito… noong nagamay na ng mga migrante ang sistema rito, dalawa ang kanilang iniwan na dating kinapitan bilang pinuno ng mga asosyason:

          1) German-Philippine Association: ang namuno dito, asawang Pilipina ng unang agent na Aleman na nagpasok sa mga nurses noong 1970s.

          2) Samahang Pilipino sa Alemanya: ang namuno dito, isang Ilokana na nag-akit ng paring Aleman sa Pilipinas, nagkaroon ng trabaho sa Caritas, tapos nagtayo ng Philippine Center sa tulong ng pera ng simbahan.

          Noong naglakas-loob ang mga taong umiwan sa mga ito, nasabihan silang mga para nang mga Aleman, wala raw silang utang na loob. Ang salita nila laban dito ay ganito: hindi naman sa kanila ang pera, impluwensiya at connections para tulungan kami.

          Kasunod noon, naging mahirap ang relasyon sa Embassy. Hindi nila tinigilan ang mga Ambassador at tauhan nila hangga’t sa sila’y natauhan at bumaba sa kanilang mga trono.

          Malaki ang tulong sa prosesong iyan ang late Foreign Affairs Undersecretary at Ambassador na si Antonio “Redford” Modena. Pagkatapos ng kanyang posting sa Alemanya, nakilala siya bilang champion ng mga OFW sa Israel at sa Japan…

          Kaya curious ako sa ipapasok ni Seneres sa diskusyon na pambansa – dati itong Amba. Iyong mga OFW at migrante kasi, iba ang lakas ng loob dahil wala na sila sa Pilipinas, kaya naiiba ang pananaw ng mga napupuwesto doon. Tama naman ang sabi niya na walang tunay na gobyerno ang Pilipinas, sa ngayon parang student council pa lang. Pero ang problema wala pa siyang konseptong buo para sa magiging gobyerno niya – sayang. Kasi kung hindi lang OFW at pamilya ang naisip niya, siya sana ang rekomendasyon ko.

          Si Mar naman, kung makinig siya kay Leni, maganda ang magagawa. Kaya lang, marami talagang naiilang kay Mar dahil sa pinanggalingan niya. Dahil nga siguro mababa ang tingin nila sa sarili nila. At dahil ang taongbayan madalas ng niloko ng mga edukado. Sabi sa akin ng isang Duterte supporter sa Facebook – isang supporter na matino magsalita at magalang meron ding ganoon – wala na kaming masyadong tiwala sa mga edukado, tignan mo ang nangyari noong si Arroyo, baka ganyan din ang mangyari kay Roxas…

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Chivas, h’wag mong gawin yan. May pag-asa pa. May Diyos naman. Sorry, pero default option ko yun. Aba’y kung walang Diyos, eh, may civil war pa rin tayo ngayon kasi pinaputukan ni Gen. Tadiar ang mga tao sa Ortigas corner EDSA, libo-libo ang nangamatay. Meron sanang UN peace-keeping forces sa atin, para tayong Somalia, failed state ang Pilipinas. Kita mo? May pag-asa. H’wag tayong mawawalan ng loob. Payt lang ng payt.

  6. sonny says:

    One of the things I look forward to when I go home to Quezon City is my ritual breakfast of fried rice, corned beef, fried egg, pineapple juice and coffee at Tropical Hut, two blocks from our old, old house. This is complemented later in the day by the senior screening of movies at the Gateway Mall and dinner at any of many choices along the Cubao strip of Aurora Blvd, sigh! (heaven on earth). Mababaw kong kaligayahan. The LRT above Aurora brings me to points in every grid direction from Cubao. The provincial buses at the Cubao terminals can bring me to the Ilocos and Tagalog regions and beyond, at will. This is my strand of no-frills “luxury” going home. (Not to mention the Sampaloc Ave/Timog Ave strip.) 🙂

  7. Thanks for the article Wil

  8. Ah, brilliant. Innocent until the last part of the piece. Kudos, Wil.

Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] It shouldn’t matter. Valentin delos Santos believed in amuletsand was very crazy, while Will goes by his faith in God, democracy and the Philippine flag – and is very determined but not crazy at all. But as Bhinneka Tunggal Ika says, there is no duality in the TRUTH. Truth vs. lies should be the duality. Unity with unrepentant Marcos loyalists can’t be, just as in Germany those who do not respect the Constitution are either observed if their allegiance is not clear or even banned from politics by due process if it is proven they are out to destroy the basic order stipulated by the 1949 Constitution. Aside from liars, it certainly makes sense to ban the unrepentantly corrupt and violent as well, since unity and diversity cannot work if different groups of people lie, cheat, hurt, steal, even kill others. Bonifacio’s brother/sisterhood or Will’s love mightbe too idealistic, but the other extreme is awful. What is realizable is the idea of “damayan”, the kind of mutual respect and consideration that one finds in church, was found on EDSA 1 and 2 according to many, or even in malunggaypandesal lines. […]

  2. […] them (more on one tragic exception later) is like the community spirit in Will’s article about a line for pandesal. It is the orderliness that Filipinos show towards the sacred, like when lining up for communion in […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: