It . . . Bulaga!

[Photo source: theAsianparent.com]

Ni Wilfredo G. Villanueva

Hindi ko alam ang tutuong spelling ng “eet… bulaga!” o “it… bulaga!” Ito yung pinagmulan ng pangalan ng popular noontime tv show, yun bang kapag nilalaro mo ang baby mo, tatakpan mo ang mukha mo ng mga kamay mo habang sinasabing “It…” biglang ibaba ang mga ito at sasabihing “Bulaga!” para ikagulat ng baby. It… bulaga! Hahagikhik ng tawa ang bata habang nakapako ang tingin sa magulang—ang saya-saya nito—naghihintay pa sa mga susunod na it… bulaga! Ang magulang ay enjoy lalo, hanggang langit ang kasiyahan ng bawat isa. Ang sarap pagmasdan, musika sa pandinig ang halakhak ng magulang at tili ng bata. Pilipinong-Pilipino. Pikchur ng ‘di mawari na pagmamahalan.

‘Yan din ang laro ng gobyerno sa atin ngayon. Kung ama natin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, tatakpan niya ang mukha niya ng mga kamay niya, biglang ibaba ang mga ito, it… bulaga! at siya naman ikagugulat ng bayan. Pero humahagikgik ba tayo sa tawa? Masaya rin ba ang pangulong mahilig magmura, o matindi ang galit sa katawan, tagos hanggang buto? Larawan ba ng pag-ibig?

Nagugulat nga ang bayan sa palakad na parang it… bulaga! ‘Di ba “I hate drugs” ang kanyang inumang sa atin ng panahon ng kampanya? Maraming natuwa nuon, aba, sabi nila, iba itong kandidato sa pagka-presidente na ito, sasabak siya sa digmaan laban sa droga, at tila yata magtatagumpay siya kasi maanghang magsalita, matikas tumindig, mukhang mahigpit, oo, mukhang marami nang napatay. Perpek. Solb.

Kung hindi ka nga naman handang pumatay ng tao, eh, h’wag kang mangangahas na pumasok sa larangan ng pagka-pangulo ng mahal nating bayang Pilipinas, sabi pa niya. H’wag na h’wag. At tinanggap naman ng nakararami ang mga kataga’t porma ni Digong Duterte, kilabot na mayor ng Davao, “isa sa pinaka-peaceful na siyudad sa buong mundo.” Tatlong buwan una, tapos, anim na buwan, tapos, teka muna, ano ito, hindi raw masosolusyunan ang droga sa loob ng termino ng isang presidente, hindi daw kaya sa loob ng anim na taon. At ang Davao? Marami nang naipakita na katibayan na hindi pala ito ang pinaka-peaceful, kabaligtaran pa nga yata.

It… bulaga!

Nanalo tayo sa International Tribunal sa The Hague sa ating mungkahi na pag-aralan ng korteng ito kung tama nga ang nine-dash line ng China, na sa tingin ng mga kaibigan nating Intsik, eh, kanila ang buong South China Sea hanggang halos parang Quiapo lang sa kanila ang Zambales at Palawan. Hindi daw, sabi ng Permanent Court of Arbitration. Wala daw tinitindigang tamang prinsipiyo ang China. Nagdiwang ang bayan. Mantakin ninyo, may proven oil reserves ang teritoryo natin na nais agawin ng China—seven billion barrels of oil at 900 trillion cubic feet of natural gas, yung gasul na pangluto natin. Magiging pangalawa na tayo sa Saudi Arabia na oil producer! Ang sabi nga ng pangulo sa kampanya, magje-jetski daw siya patungong Spratlys, itatayo ang bandila natin at hahamunin ang Chinese, barilan o suntukan? Pero nung nanalo tayo sa korte konting araw lang ang nakakaraan sa pag-akyat niya bilang pangulo, hindi daw, hindi daw niya iuumang sa agenda ang pagkapanalo sa kaso ng Pilipinas, baka daw ikagalit ng China.

It… bulaga!

Sang-ayon ang mga nakararami (by plurality vote) sa digmaan laban sa droga. Habang tumataas ang body count, nasa 13,000 plus na yata ngayon, aba’y tumataas din ang sang-ayon sa patayan, nakikita ang sentimyentong ito sa survey ng Pulse Asia, 82 per cent daw ang nagsabing oo sa katanungan kung okay ba sa kanila ang gawain ng pangulo, job approval at trust ratings ang tawag dito. Ipa-pardon daw niya ang mga pulis na pumapatay sa ilalim ng iligal na konseptong Extra-Judicial Killings o EJK. Patatabain daw niya ang mga isda sa Manila Bay. Pero ano ito, nang lumabas ang pagmamalabis ng pulis, kung saan napatay si Kian, tapos si Carl, tapos si Kulot, at tila malakas ang protesta sa kalye, biglang bumaligtad. Pabubulukin daw niya ang mga involved na pulis sa kulungan. Iiwan niya ang mga ito sa ere. Murder daw ito, aniya. Siya pa raw mismo ang papatay sa mga abusadong pulis.

It… bulaga!

Nuong kampanya, may hinulog daw si Rodrigo Duterte sa helicopter. Sinabi niya ito para paigtingin ang laban niya sa corruption. Galit daw siya sa nagnanakaw ng financial aid para sa mga nasalanta ng bagyo nuong kapaskuhan ng 2016. Pero ang pinakamagaling na presidente ng Pilipinas, ayon sa kanya, ay si Ferdinand Marcos. Nang naging presidente na siya, binale-wala niya ang mga protesta laban sa paglibing ng labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Galit sa corruption pero idol si Marcos? Galit sa corruption pero hindi nag-atubiling parangalang bayani ang world’s greatest thief ayon sa Guinness Book of Records? Ang pinakamalaking human rights case in history—10,000 victims? Ang pinakamalaking monetary award in history—$22 billion? At kamakailan, magpasa daw ng batas para mabigyan ng immunity ang mga Marcos kung magsasaoli ng nakaw na yaman. Galit daw ang Presidente Duterte sa korap.

It… bulaga!

Sabihin na natin na mahal ng Presidente Duterte ang bayang Pilipinas. Kawawa naman tayo kung hindi, ‘di ba? Sabihin na natin na kapakanan natin ang laging nasa-isip ng pangulo. H’wag nating bigyan ng duda ang mga taong-bayan. Humalik siya sa watawat. Kung hindi niya mahal ang Pilipinas, gagawin ba niya ito?

Pero ano’ng nangyayari? Ipinakita ng Customs fixer na si Mark Taguba ang mga messages sa cellphone niya na pinapangalanan si Vice Mayor Paolo Duterte at si Mans Carpio, anak at manugang ng pangulo. Pero kung susulpot daw sa senate hearing ng Blue Ribbon Committee, eh, h’wag daw magsasalita, sabi ng boss. Ba’t pa tayo nagkaroon ng fact-finding? Ba’t pa tayo mayroong investigation in aid of legislation?

It… bulaga!

Marami pang it… bulaga! Ang salary increases ng pulis at teachers. Ang pagbigay ng pension increases yun pala ikalulugi ng SSS, paano na ang susunod na henerasyon? Pangako, napapako. Ang pagsadsad ng piso. Sino nga naman ang gugustuhin magtayo ng negosyo dito sa sitwasyong isang Koreano ang pinatay sa loob mismo ng Camp Crame?

It… bulaga!

Habang isinusulat ko ito, tumakbo na ang tatlong araw nang itinukoy ni Senator Sonny Trillanes ang tattoo sa likod ni Vice Mayor Paolo Duterte. Hanggang ngayon, tameme pa rin ang pangulong sobrang maasikaso sa ating pang-araw-araw na galaw, na sobrang kulit, na lahat pinapakialaman. Asan ang alamat? Asan ang galit na hinahangaan ng madla? Asan ang mura? Asan si Presidente Duterte?

It… bulaga!

Sa lahat nang ito, asan na ang bayan, ang batang nakapako ang tingin sa ama ng bayan, ang mapagmahal na Presidente Duterte? Ayun ang bata, o. Hindi na niya makuhang tumili sa tuwa. Hindi na niya mahabol ang hininga niya sa takot. Ang ama niya na dapat ay larawan ng pagmamahal ay tila nagiging isang halimaw.

 

Comments
57 Responses to “It . . . Bulaga!”
  1. NHerrera says:

    What a grand, wide-ranging, retelling in Pilipino of President Duterte’s pre-election promise and the post-election words and actions, punctuated with “It … Bulaga.”

    It … Bulaga.

    Wil, you never cease to amaze. Salamat na marami.

  2. Wilfredo G. Villanueva says:

    Thank you, JoeAm, for publishing works written in a different language. Just shows heart. Chivalry. Nobility. In an upside down world, it’s good to know that we are still humans and stewards of a kind world, willing to trust others for the common good.

  3. Maria Edna A. Soriano says:

    Thank you for eloquently putting into words what I feel….Maraming Salamat, G. Villacorta..

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      You’re welcome, @Maria Edna A. Soriano! A writer’s job is to watch and listen and to commit in written form what he knows, how others feel. By the way others like you comment, it’s not a lonely, thankless task at all.

  4. madlanglupa says:

    The day may come, if he successfully acquired the components necessary for a police state, show up on TV and usher in his New World Order.

    So cheered the little old ladies, who grew up with glowing fairy tales about him, thought their demigod was Great Leader, and soon all the monuments of their defeat would be swept away…

    It…. bulaga!

    • canadadry says:

      Sept 11-Araw Gunita sa lahat ng Pilipinong Magnanakaw at Mapang abuso sa Bayan –

      Ngayon, Sept 11, kapanganakan ng pinakamatinding magnanakaw ng bayan, Ferdinanad Marcos, ating gunitain ang mga nagnakaw sa ating bayan na siya nilang pinapakain sa kanilang mga apo, ginagastos sa pang araw araw nila, sa pagbili ng magagarang sasakyan, alahas, bahay, paaral sa abroad sa mga anak at apo at pangagastos sa eleksyon. Atin ring gunitain ang mga abusado sa bayan tulad nila Du30, Arroyo, mga Marcos, Enrile, Estrada, at mga bagong tagasunod nila sa Senado tulad ni Gordon, Sotto, Pakyao, Lacson, sa Congress na sila Alvarez etc at sa Supreme Court Justices

      Tama dapat talagang mag talaga tayo ng isang araw sa isang taon para gunitain ang mga Pilipinong mapang sarili, mapang angkin, sakim sa pera ng bayan at abusado sa kapangyarihan.

      Salamat Ginoong Villanueva sa sinulat mong nagbibigay tingkad sa saloobin ng maramimg Pilipino. Karamihan sa atin ay di tulad ng mga abusadong ito.

      • Wilfredo G. Villanueva says:

        Hi canadadry! Internet is a road, take it! Just when we feel that all is lost, many of us come forward to make a stand. It is in standing up and making our voices heard that darkness can be dispelled, for light to shine through gray skies.

  5. Edgar Lores says:

    *******
    My comment has gone to spam. Kindly release.
    *****

  6. Neil Mcnally says:

    Is there an English translation, please?

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Hi Neil! It’s a game of peek-a-boo that our government is playing on us, covering its face with its hands, and then dropping them to reveal its true identity and intention. Filipinos especially love this parent-baby game, It… Bulaga! at least in my generation. If the baby or child is the country, President Duterte is the parent who plays peek-a-boo. The war on drugs, the country’s claim on the Spratleys, justice to the Marcoses, and many other things Candidate Duterte promised nonchalantly or obliquely are being revealed to the shivering child as the exact opposite. Instead of a father-figure, the president is shown to be a monster.

  7. karlgarcia says:

    Peekaboo! I see you!

    Biglang nabalik o nakunekta sa kita kita, Will.

    Thank you very much, Will. 😊

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      You’re welcome, Karl! Yes, there is interconnectedness in the themes of life, being true to others and to oneself, to love and be loved. Thanks for the observation.

    • sonny says:

      Neph, parang ang mga pangyayari ay nagiging katulad din ng isa pang laro ng ating kabataan: “Pitik bulag.” Ang mga mamamayan ang taya at humuhula, ang pangulo ang pumipitik. Bagoong na tayo.

  8. This is a story about trust abused… what if a people have so gotten used to being abused that they keep lowering their expectations each time… like an abused child or woman.

    “Ayos lang na nagnakaw ang mga Marcos, lahat naman magnanakaw pati dilaw, buti naman kung meron isosoli iyong mga Marcos may pakinabang pa tayo doon.”

    “Hayaan nating may sindikato sila Duterte, lahat naman ng pulitiko merong ganyan, kung pinapatay naman niya ang mga adik mabuti na rin iyon”.

    The classic movie showing abuse in slum settings is Insiang by Lino Brocka.

    The abuse of trust shown in this story is typical for narcissists and socippaths. it is called gaslighting, gradually shifting the perception of reality and expectations until the victim thinks that he or she is crazy – the only way to avoid it is to have “strong frame” i.e. own confident perceptions.

    People used to abuse of course do not have “strong frame”, they are easily gaslighted / re-abused.

    • Why are poorer countries / countries with long histories of oppression more vulnerable to dictatorships?

      The answer is here.

      • Also very common for gaslighters/sociopaths: deny what they said before – or even what they said just minutes ago. Difficult to do for someone in a situation where everyone is watching and recording and recalling. Only works for the very short memory crowd.

      • Wilfredo G. Villanueva says:

        Perhaps we ought to stop using po at opo when addressing public officials. Stop being a child to their adult. We are not only equal to politicians, we are actually a tad higher. PNoy did introduce the concept of Filipinos as his boss. The wang-wang is back, not with sound, but the muscled insertions in traffic by way of motorcycle cops shooing motorists aside, is back.

    • NHerrera says:

      The strategy then is to counter this gaslighting process. De Lima, Trillanes, Robredo, Hontiveros are among those who fight the fight against gaslighting. So does TSH in many of its blogs like the current one.

      Gaslighting is a form of persistent manipulation and brainwashing that causes the victim to doubt her or himself, and to ultimately lose their own sense of perception, identity, and self-worth. Gaslighting statements and accusations are usually based on blatant lies or exaggeration of the truth.

      In its milder forms, gaslighting creates a subtle but inequitable power dynamic in a relationship, with the gaslightee subjected to the gaslighter’s unreasonable, rather than fact-based, scrutiny, judgment, or micro-aggression. At its worst, pathological gaslighting constitutes a severe form of mind-control and psychological abuse.

      Other gaslighters, however, are perfectly aware of their coercive tactics, as they deliberately seek to establish imbalance and power over other people’s lives.

  9. Sup says:

    O.T.

    Sotto also cited the Senate rule on unparliamentary acts and language, insisting that senators should be impeccable with their words.

    Read more: http://newsinfo.inquirer.net/929513/ethics-complaint-vs-trillanes-found-sufficient-in-form-substance#ixzz4sM5MggTn

    I did clearly hear during a hearing on the shabu Dick Gordon calling a witness ”The guy there who needs to find a better hair salon”

    That ”Guy” was a high ranking lawyer from i believe PDEA or NBI with a little long hair over his forehead

    Sure Sotto…impeccable it is….

  10. Edgar Lores says:

    *******
    Third attempt.

    1. The game “It… bulaga” is peekaboo in English. It is a game played with infants who have not yet developed the ability of object permanence.

    2. Object permanence is the “understanding that objects continue to exist even when they cannot be observed (seen, heard, touched, smelled or sensed in any way).”

    2.1. When a parent hides his face behind his hands, he/she does not exist for the infant because the infant cannot see her/him. The parent only comes into existence when his/her face is revealed. And the sudden revelation provokes cognition in the infant.

    3. The game that Duterte is playing with Philippine society is indeed trickery similar to peekaboo.

    3.1. First, Duterte hides reality with his hands. His right hand is the cover of promises and his left hand the cover of lies.

    3.2. Then, when he opens his hands, we see the reality lying underneath. But unlike the face of a loving parent, we see the face of the halimaw.

    4. Many Filipinos are still at the infant stage. They do not recognize the dire reality revealed by the open hands. Worse, they deny the reality.

    5. But some are waking to the reality. The awakening cannot happen soon enough.

    Thank you, Will, for hastening the awakening.
    *****

  11. Carmelita Vizmanos says:

    Ginoong Vilanueva,
    Salamat sa isinulat ninyo, na masakit mang tanggapin ay siyang katotohanan at lalo na para sa isang Pilipino na nannirahan sa ibang bansa. Isa ako sa napakaraming lumaban sa kalye nuong panahon ng mga Marcos, at sa mga sumunod pang People Power.

    Nakakalungkot basahin ang mga kamangmangan ng mga kapwa natin Plpino at nakakasulasok ang mga taong nasa gobyerno natin ngayon.

    Sa mga katulad na lang ninyo ako nagkakaroon ng pag-asa na makita muli and Pilipinas sa mga kamay ng matinong pamumuno.

    Mabuhay po kayo,

    Gumagalang,
    Carmelita

    • Wilfredo G. Villanueva says:

      Lalong mabuhay kayo, Carmelita! Can you imagine that writers like me write and write and we don’t get reactions? A dreary place, dismal beyond redemption.

  12. gerverg1885 says:

    Paraphrase ito ng isang post sa Facebook:

    Galit daw sa droga pero galit kay Trillanes ng mabubuko na ang talagang nagpadala ng droga.

    It….Bulaga!!

  13. popoy says:

    medio MALAYO sa topic pero meron stanzas broad nga lang pero relevant naman

    HURRICANE IS NOT A CARPENTER

    I saw photos after
    A hurricane has done its job
    To buildings and structures
    Strong Hurri’s done
    In the Caribbean and Florida
    A bad job as usual.

    Almost incredible
    Unrepeatable mess it is
    That no sledge hammer
    Or wrecking ball can
    Make the results describable.

    The name sounds foreign
    in the Philippines it is Ty Phoon
    instead of Ms Hurri Cane
    like clockwork comes regular
    as destructive offsprings
    of the hydrologic cycle
    every passing year.

    In politics politicians must be carpenters
    Who must build on built structures
    Not like Mr Ty Phoon or Ms Hurri Cane
    Who dismantle them like houses
    Into crazy random pile of rubbish.

    Look at the photo hard and long
    What Mr. Ty Phoon can do
    In just a minute or two
    Will take months and years
    For a carpenter to achieve and unravel.

    Crooked and cruel
    as rare minds can be
    Discern unusual beauty and poetry
    When a house like a country
    Dissembled by ineptitude and idiocy
    By politicians like Mr. Ty Phoons
    Who are not a bit lousy carpenters
    Can be, who destroy built polity.

    Look and draw the photo
    At what a carpenter
    Won’t and can not
    Do by his hands only
    Without the help of singing winds
    And Ferocious dancing waters.
    (September 11, 2017)

    so sorry can’t upload the photo from the internet of lumber piled up.

  14. canadadry says:

    relevant
    Is President Du30 contracting out the killing of Trillanes for the recent revelation of Polong Du30 as the country’s biggest illegal drugs importer(re: $6.4 billion shabu from China)?

    Once Trillanes is out, no one will dare speak in the Senate against Du30. Here’s the news:

    Duterte tells soldiers: Dare Trillanes to gun duel
    Philippine Daily Inquirer / 07:28 AM September 09, 2017

    A fuming President Duterte on Friday told soldiers to challenge Sen. Antonio Trillanes IV to a gun duel if they were bullied by the former mutineer.

    Calling Trillanes an “egotist coward,” Mr. Duterte also said he would not allow the senator to throw “garbage” allegations against him and his family.

    Speaking during the Araw ng Digos celebration in Digos City, the President showed his audience a holstered pistol tucked in his waist in the middle of his speech.
    ADVERTISEMENT

    He recalled how the late Armed Forces chief of staff Angelo Reyes shot himself after the general got bullied by Trillanes during a Senate hearing.

    “Don’t give in to Trillanes’ style. Don’t let him shout at you, bully you,” the President said.

    “Like Angie Reyes, he said, ‘Your honor I would just like to protect my integrity,’ but this unconscionable son of a bitch told him, ‘No, shut up. (Reyes) was a PMAer himself [like Trillanes],’” Mr. Duterte said.

    Soldiers, he said, would lose their dignity if they allowed Trillanes to be rude to them. They should stand up and get out.

    “If he does that, leave the son of a bitch, ask him to come out and challenge him to a quick draw. Tell him I told you so. That egotist coward!” the President said.

    He said in Cebuano, “only God knows” what would happen if he ever crossed paths with Trillanes.

    Showing the pistol tucked in his waist, Mr. Duterte said he carried it not exactly to protect himself from his enemies.

    “Sus, ako maenkwentro ana, bakit naman ako nagadala og baril (If he will only face me squarely, why would I bring a gun with me)?” he said.
    ADVERTISEMENT

    “Way lisensya ni ha (This is not licensed, mind you),” he added, eliciting laughter from the crowd. “Dili man kailangan og lisensya para mopatay og tawo (You don’t need a license to kill a man).”

    The President went on to say that he was not challenging Trillanes to a gun duel, but the senator could ask around how many persons he had beaten to the draw. —ALLAN NAWAL

    http://newsinfo.inquirer.net/929105/philippine-news-updates-president-duterte-antonio-trillanes-iv-angelo-reyes-2

    • I don’t think it was intended to be that certain a threat. More likely he was posturing in front of the AFP to break Senator Trillanes close association with that organization. It is proving to be quite a good battle though, as Senator Trillanes signed waivers to the banking accounts he is alleged to have so the AMLC can freely examine those accounts. More than likely, they are fictional, and Trillanes has won the showdown because the President will not sign waivers to his accounts. It is also worthwhile noting that the Senator is apparently filing libel charges against Mocha Uson and a newspaper reporter whose name escapes me right now. They cited fictitious foreign accounts and made other false allegations to try to discredit him. If there are honest judges, I would think that is exactly what libel laws are designed to protect against . . . so he may win another.

      The things Senator Trillanes has going for him are his principles, the laws of the land, and a determination to show the President as corrupt.

      • NHerrera says:

        A SEQUENTIAL GAME

        If I may, this “game” between Duterte and Trillanes is a sequential game. Since Trillanes is more sophisticated, instead of mainly using bluster as his opponent does, he must, in the first place braced himself for the sequence of possible moves:

        * T on the choice of IS (implicating son) or NIS (not IS) > chooses IS and says something about Son’s tattoo to add spice;

        * D/Allies has to counter with something; he chooses CD (asking the armed forces to Challenge T to a Duel); challenges T financial accounts; Senate allies files Senate Ethics complaint against T;

        * T counters with signing a W (a waiver with AMLC on his accounts) and challenges D to do the same;

        * D/Allies has to make another countermove; etc.

        * … Moves and Countermoves.

        For one person ranged against the full-arsenal of the Administration, T does not seem to be down.

        NOTES:

        Because T from the very beginning was not shy of all his moves and statements against D, he must have seen all these countermoves and prepared for it. Meaning, it would seem foolish to me to shout about D’s hidden financial accounts if he himself has his own similar secrets.

        One other thing which keeps entering the picture — from my end — is that T must be seen by many as having allies from the military which has not been completely won over to D’s side.

        Unlike De Lima, T has less of weaknesses and more strengths, otherwise, he would be a goner by now — in one form or another. (And the likes of Aguirre, Alvarez have not been as aggressive as they did with De Lima — a recognition, methinks, of his strengths as against his weaknesses.)

        (Strictly my opinion.)

        • Noting how uphill the fight is, the House voted overwhelmingly to give the Commission on Human Rights a budget of 1,000 pesos for 2018. Basically, they said human rights are not important to the people, and we have all the rights we need. A shameful day for Philippine democracy.

          Trillanes has won the skirmishes so far, but I suspect that Duterte will pull out all stops to have Panelo, Gordon, and Aguirre continue hunting for ways to diminish Trillanes and get him out of the picture. Trillanes is not alone, either, and has attorneys working up his own ethics complaint against Gordon. The problem as I see it is that Gordon has the other Senate lackeys in their camp, and Trillanes has not generated enough public roar to cause them to do anything but pander to the President.

          • madlanglupa says:

            All bets are off, sir. Six months in and if nothing changes but downward, I may have to go loaded for bear.

          • It is funny that PRD’s family members and now, Aguirre (after his violation of Hontiveros’) are invoking the rule of law and human rights as their shield and salvation. It shows how lopsided this administration’s view of these principles. It also shows the Filipino people and the whole world that patronage politics, graft and corruption, economic discrimination and all the societal ills are not only perpetrated but also sustained by the moneyed and politically connected. Where is the change?

      • Kamote Procopio says:

        Here’s hoping for the rest of the opposition to do follow Trillanes. Hontiveros, during her privilege speech has just exposed Aguirre texting with an ex Rep and current VACC member.

  15. madlanglupa says:

    Vilma just did a IT BULAGA. This is also the same woman who played Sister Stella L in the years leading to EDSA.

    • Edgar Lores says:

      *******
      I cannot even begin to fathom how these people think. A madness has seized the country, infected most of the executive and legislature, induced by a domineering president.
      *****

    • Miela says:

      One sign that the Philippines is going downhill when politicians spell you’re as “ur” even if there are still more characters allowed. It’s so “jejemon” and unprofessional.

      Either way, is this not ironic given that Vilma starred in Dekada 70? A film about martial law era?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s